Myra's P. O. V
Habang busy ako sa laptop na binigay sa akin ni Cass kahapon. Napakayaman kasi, mapapa-sana all ka na lang. Bumili na naman siya ng bagong laptop na upgraded kaya 'etong luma niya binigay niya sa akin kesa naman daw matambak lang.
Inaccept it naman tutal walang-wala ako ngayon, 'eto ang ginagamit ko para mag-apply ng trabaho. Nakahanap ako ng school kaso medyo malayo sa 'min, dalawang sakay ng jeep. Hassle ang byahe pero kailangan ko magtrabaho. Private school iyon dahil wala pa akong licence.
"Anak, vitamins mo. Inumin mo na 'yan ah? Pupunta na ako sa palengke," sabi ni Mama.
Tinignan ko si Mama at ngumiti sa kaniya, pinanood ko siyang kumuha ng payong dahil umaambon.
"Ingat, Ma! Salamat!" masigla kong sabi.
Nang makalabas na si Mama ay tinuon kong muli ang atensyon ko sa laptop, naghihintay ako ng reply sa email ko. Sinabi kasi nila na kailangan ng substitute sa isa nilang teacher na kakagaling lang ng opera sa dibdib at nagpapagaling pa. Months daw ang healing at biglaan iyon kaya naghahanap sila ng teacher. Agad naman akong nag-apply.
Ininom ko ang vitamins for pregnancy, then tumulala sa laptop. Ilang minuto ay halos mapatili ako sa tuwa nang ma-receive ko ang email nilang tinatanggap ako. For legitimate kailangan ko dalhin ang diploma ko at iba pang forms.
"Baby! May trabaho na si Mommy mo!" nakangiti kong sabi at hinimas-himas ang tiyan ko.
Bigla namang lumakas ang ulan.
"Hay naku!" irita kong sabi at tumayo.
Kumuha ako ng mga planggana at batcha mula sa kusina saka tinapat sa mga butas na parte ng bubong na tumutulo.
"Hhmmm," himig ko.
"MYRA?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon.
"Tao po? TITA LINDA?! MYRA? TAO PO!"
Palakad-lakad akong natataranta dahil nasa labas si Nhel.
"Shit, nabasa na," rinig kong sabi niya.
Naisip kong baka basa na siya sa labas dahil umuulan, hindi ko nalamayan ang sarili kong binuksan ang pinto, tumambad sa akin ang basang-basa na si Nhel habang hawak ang cellphone niyang basa rin.
"N-nhel," naiilang kong sabi.
"P-pwede ba ako pumasok?" nahihiyang tanong niya.
I coughed, "Yes sure!" at saka binuksan ng todo ang pinto.
Pumasok siya at iniwan ang kapote niya sa labas, sinabit niya sa may pako sa ding-ding.
"'Eto pala para sa 'yo," sabi ni Nhel at inabot ang plastik ng prutas.
Sandali akong napatitig at para bang hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Para saan 'to? Bakit siya may ganto? Bakit pumunta siya rito?
Napa-angat ang tingin ko sa mukha niyang nakangiti at mapupungay ang mga matang parang nagsasalita, bagsak ang buhok niya sa kanyang noo dahil sa pagkabasa nito, basa rin ang harap ng damit niya.
"Ahh—salamat," naiilang kong sabi.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, pilit siyang ngumiti sa akin.
Sh*t! Napaka-awkward.
"Ah-- upo ka," sambit ko at tinuro ang upuan. Naupo naman siya roon.
"Umupo ka na rin," aniya.
Tumango ako at naupo, ngumiti ako ng pilit.
"Myra... Ako pa rin 'to, ako lang 'to," he mocked.
Napairap ako. Pilyo pa rin siya kagaya ng dati.
"But, Myra, I'm happy. You thought me a lesson very well. I'm the best version of myself now," nakangiti niyang sabi. "Oo, iniwan mo 'ko. Nagkaroon ng maraming aberya. Nagwala ako, as in nawala ako... Yung buong pagkatao ko, pero nahanap ko ulit yung sarili ko. Naisip ko na, hindi mo deserve yung ganoong klaseng lalake, yung gagong side ko. Maybe now... Maybe, I can finally the man you really deserve," he sincerely said makes my heart fluttered.
Nhel, don't make me change my mind. Ilang buwan pa lang tayong hiwalay pero... Hala siya... Heto ka na naman.
"I'm pregnant," I said.
He chuckled, "I know."
Napayuko ako. I don't know but... I'm happy to saw him. I'm happy that he's acting natural, that it's fine that I'm pregnant.
"Busy ka ata?" sabi nito sabay tingin sa laptop.
"Ahh... Naghanap ako ng trabaho, bukas pupunta ako doon," nakangiti kong sabi.
He smiled.
"Anong oras? Samahan kita?" tanong niya.
"Hindi na, okay lang--"
"Wala akong kotse, wala pa," natatawang sabi niya kaya natawa din ako.
"Baliw ka talaga," natatawa kong sabi at napahampas pa sa balikat niya.
"Okay na tayo?" biglang nawala ang ngiti sa labi niya.
"What do you mean by that?" tanong ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa paninitig ni Nhel sa akin. I will admit that, I missed those eyes.
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin, hindi na ako nakapalag pa. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang labi niya sa akin.
He kissed me slowly.
Then, suddenly... John's face showed up on my mind.
Nabigla ako at humiwalay kay Nhel.
"I-I'm sorry, I-- I didn't-- mean to startled you-- I--" nauutal niyang sabi at pinakalma ako.
"N-no... I'm fine, pwede bang... 'Wag tayo magmadali? Every situation has a process," sabi ko at tipid na ngumiti.
"Yes... Sure," sabi niya at saka ngumiti sa akin.
********************
John's P. O. V
"LEAVE! HINDI MO NA AKO MAUUTO KARILYN!" sigaw ko at tinulak siya nang halikan niya ako.
I saw her crying. Pero wala na akong pakialam pa, alam kong ginagawa niya 'to para ma-hypnotize ako at sumama sa kaniya. Hindi na... Hindi ko papalampasin ang ginawa niya.
"Dahil sa 'yo, iniwanan ako ng mag-ina ko. It's all because of your greediness," madiin kong sabi.
"JOHN! I'M DOING THIS FOR YOU! PARA SA 'YO 'TO! HINDI KA NARARAPAT PARA SA KANILA!" humagahulgol niyang sabi.
Napailing ako. "I love them, you can't do anything to prevent me from loving them! I can't fucking loss them!" sigaw ko at saka hinawakan ang balikat niya.
Pinaatras ko siya hanggang sa makarating ito sa pinto.
"LEAVE!" sigaw ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at agad siyang umalis. Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
I have to apologise, I'm wrong. Mali yung way ko, sobrang mali.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at agad na lumabas, nag-drive ako papunta sa bahay nila Myra. Wala akong pake kahit ba umuulan. Nagmamadali akong naglakad papunta sa bahay nila, basing-basa akong napahinto nang makita mula sa bintana....
It was.... Nhel and Myra... Kissing...
Napayukom ako ng kamao ko at agad na tumalikod. Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa kotse ko. Ramdam ko ang panghihina ng binti ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Para bang tinutusok ng karayom ang puso ko ng paulit ulit.
"You got them so easy, Nhel.... Ano bang meron sa 'yo?" I whispered.
Tumingin ako sa langit at sinapo ang bawat pagpatak ng ulan.
"I fucked up."
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...