Myra's P. O. V
Pumasok ako agad sa bahay ni John. Napakatahimik dahil anong oras na, hindi naka-lock ang main door ni John.
"John!?" hiyaw ko nang buksan ko ang pinto.
Tahimik lang at walang sumasagot, bigla akong kinutuban.
"Sh*t! Nag-suicide na ba siya!?" bulalas ko.
Natataranta akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Lalo akong nabaliw nang malamang naka-lock ito.
"JOHN!" sigaw ko at kinalampag ang pintuan.
"JOHN GATCHALIAN BUKSAN MO 'TO!" sigaw ko ulit at saka sinubukang gamitin ang braso ko saka pilit na tinutulak ang pinto.
"JOHN! TATAWAG NA BA AKO NG PULIS PARA SIRAIN 'TO?!"
Pumunta ako sa cabinet kung saan doon nakalagay ang mga susi. Nagulat ako nang walang laman iyon.
"Shit?" I whispered.
Bumalik ako sa pinto ng kwarto.
"Anak! Gusto ata ng ama mo sapilitan!" sabi ko sa tiyan ko at hinimas-himas ito.
"Handa ka na ba?" bulong ko at umatras mula sa pinto. "Kumapit kang mabuti diyan." Bumwelo ako habang nakatitig ako sa pinto.
Kapag sinipa ko 'to, tumba 'to!
"WAAAAAAAHH!" tili ko at tumakbo papunta sa pinto.
Nagulat naman ako nang bumukas iyon. Hindi ko napigilan ang pagtakbo ko. Sumalpok ako kay John at dahil sa bilis kong tumakbo ay natumba siya.
Napadilat ako at nasa ibabaw na niya ako.
"J-John," bulong ko.
Napuno ng lungkot ang puso ko nang makita ang kalagayan niya.
Dahan-dahan niya akong inalis sa ibabaw niya. Wala siyang emosyon. Nakaapak ako ng mga lata ng alak. Tinignan ko ang buong paligid. Sobrang gulo. Amoy alak lamang ang buong kwarto.
"Tama nga si Renalyn... Parang hindi ikaw 'to," bulong ko habang nililibot ang paningin ko.
"Pinuntahan ka niya?" sabi niya at mahinang natawa.
"John kung ano man--"
"You can't do anything about my situation, you can now go home," cold niyang sabi at muling nahiga sa kama.
Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya. Akmang iinom siya pero kinuha ko mula sa kamay niya ang beer.
"Myra... Myra hayaan mo na muna ako," malungkot niyang sabi.
Inilagay ko sa side table ang alak at nag indian seat sa harapan ni John.
"How can you fix things if you can't fix yourself?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya.
Nagulat ako nang tumawa siya. Wala na ata siya sa katinuan.
"Tingin mo ba may pag-asa pang maayos ko lahat? Yun nga yung point ko e. Sirang-sira yung buong pagkatao ko at hindi ko na kaya," inis niyang sabi at umiwas ng tingin sa akin.
"It's okay if you're a mess, if you're still figuring things out, if you're lost and trying to find your way. Life isn't easy, don't let yourself stuck on something, life is about moving forward, Day by day, step by step," sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"I wish I could do that," he said, sighing.
"You can."
"Myra, kung pumunta ka dito dahil lang pinilit ka. You can now go. I'm fine," sabi niya at pilit na ngumiti.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
Storie d'amorePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...