Myra's P.O.V
"Anong nangyare sa 'yo?" tanong ni Sir.
Sobrang sakit pa rin, sobra.
"Nagkita kami ni Nhel kanina, tapos sinabi kong buntis ako." Kusang tumulo ang mga luha ko. "Wala-- na--" sambit ko at humagulgol.
"Sir, hindi ko kayang mawala si Nhel sa buhay ko," sabi ko at hinawakan ang kamay ni Sir.
"Sir, hindi mo rin naman gusto 'tong bata 'di ba? Ipa-abort na lang natin 'to. Please sir," pakikiusap ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Binitawan ni sir ang kamay ko at tumingin sa akin ng masama. Sa pagkakataong ito, iba ang tingin niya. Para niya akong kakainin ng buhay. Nanlilisik ang mga mata nito.
"S-sir," bulong ko at napaatras sa takot ko sa kaniya.
"Oras na mawalan ng heartbeat ang batang nasa tyan mo, hindi mo magugustuhan ang mangyayare sa 'yo," sabi nito at lumabas ng kwarto ko.
Napapunas lamang ako ng luha at hinawakan ang tiyan ko.
"You're still alive," bulong ko rito.
Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga.
Nakita ko si sir na nakasandal lamang sa pinto ng kwarto ko. Tatawagin ko pa sana siya pero naglakad na siya palayo.
"Papatayin niya rin ba ako kapag pinatay kita?" tanong ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko.
******
John's P.O.V
Napasandal ako sa pinto ng kwarto.
Sobrang sakit para sa 'kin na hindi niya mahal ang magiging anak namin, akala ko magiging masaya kaming pamilya pero mukhang hindi.
Lumakad ako at pumunta sa restroom ng boys.
Walang tao sa banyo at agad kong sinuntok ang pader.
"Fuck you, Nhel," gigil kong sambit at sinuntok pa ng malakas ang pader.
"Papatayin ko kayo kapag nasira ang pamilya ko!" bulong ko at pinagsusuntok ang pader ng paulit-ulit.
Lumabas ako ng ospital at bumili ng makakain sa labas, kailangan kumain ng anak ko. Kailangan niya lumakas. Nagpahangin pa muna ako sa labas, parang ayokong makita si Myra dahil sa mga ginawa at sinabi niya.
She just wanted to kill my child para makasama niya yung tarantadong Nhel na 'yon.
"Mr. Gatchalian? Bakit po kayo nandito? Oras na po para icheck ulit ang baby," sabi ni Doctora na napadaan sa akin.
Tumango lang ako at sumunod na kay Doc. na nagtungo sa kwarto ni Myra. Nagkatinginan kami ni Myra noong pagpasok ko pero umiwas ako ng tingin sa kaniya. Pinanood ko lang si Doc. habang chinecheck up niya si Myra.
"Well, this is a good news. Lumalakas na ang heartbeat ni Baby niyo pero hindi pa rin ganoon ka-normal pero may ibibigay pa akong vitamin na pampakapit pa sa baby. Required sa 'yo Misis ang bed rest, bawal ka maglakad ng maglakad. Sige ka, baka mag-slide si baby palabas sa 'yo, Bawal ka din ma-stress kase nararamdaman ng baby kung anong nararamdaman mo," sabi ni Doctora at inayos na ang mga gamit nito.
"Thank you po," sabi ni Myra.
"Ipapadala ko na lang sa nurse ang iinumin mo ngayon," sabi ni Doc. at lumabas na.
"Kumain ka muna," sabi ko at inabot ang supot ng pagkain mula sa McDo.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina. Thank you ditto," sabi ni Myra at inilabas na sa plastik ang pagkain.
Pinanood ko lang siya, napatingin siya sa sulok kung saan may folding table para sa pagkain. Akmang tatayo ito pero inunahan ko na siya. Kinuha ko ang folded table at inayos 'yon sa harap niya.
"Salamat," sabi nito.
"'Di ba bawal ka lumakad? Gusto mo talagang mawala 'yong anak ko ano?" inis kong sabi.
"Sir, hindi sa ganoon 'yon," sabi nito.
"'Wag ka na magsabi ng kung ano-ano dahil alam ko naman 'yong talagang gusto mong mangyare," sabi ko at napailing na lang.
"Sorry, hindi ko na gagawin 'yon sa anak natin," sabi ni Myra.
It was nice to hear na in-accept niya nang anak namin 'yong dinadala niya. Maya-maya ay dumating ang nurse at nag-abot ng dagdag vitamins at reseta nito.
Binasa ko ito, "Every morning and night, gabi na. Pagkatapos mo diyan inumin mo na 'to," sabi ko.
"Salamat nga pala dito sa pagkain, sa sweldo ko babayaran kita," sabi ni Myra.
"Wala ka nang trabaho," sabi ko.
"Meron-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
"Hindi ka pwedeng magtrabaho 'di ba! Bawal ka kumilos!" sigaw ko.
"S-sorry," utal na sabi nito.
Tinignan ko naman siya at para siyang natakot sa akin, binaling na lang niya ang atensyon niya sa rice na hindi niya matanggal sa balot dahil mainit. Napabuntong hininga ako at ako na ang nag-ayos ng pagkain ni Myra, hinimay ko na rin ang ulam niya.
"Salamat," sabi ni Myra.
"Kumain ka na, magbabayad lang ako ng bill sa cashier," sabi ko.
"Sir? bakit may sugat 'yong kamay mo? Napaaway ka ba?" tanong ni Myra.
Tinignan ko ang kamay ko na may dugo at sugat. Binulsa ko ang kamay ko para matago ito.
"Hindi," sagot ko at agad na umalis.
Nagbayad ako ng bill ng ospital, medyo masakit sa bulsa pero wala lang 'yon sa akin dahil para sa anak ko naman.
"Mr. Gatchalian," tawag sa akin ni Doktora.
"Yes?" tugon ko.
"Bukas pwede nang lumabas ang mag-ina mo, pero isang check up pa muna sa baby bago kayo umalis. 'Yung mga bilin ko 'wag mo na lang kakalimutan para safe ang pagbubuntis ni Myra," sabi ni Doktora at ngumiti ito sa akin.
"Maraming salamat," sabi ko at ngumiti rin sa kaniya.
Bumalik na ako sa kwarto ni Myra at nakita ko siyang kumakain ng burger at fries.
"Ok ka na?" tanong niya pagpasok ko.
"Oo, pati pala 'yan kinain mo na," sabi ko.
"Ha? Bakit sa 'yo ba 'to? Sorry! sorry! Share na lang tayo," sabi nito at inaabot sa akin ang burger na nangalahati na sa kagat niya.
"Hindi, sa 'yo na 'yan," sabi ko at naupo sa couch at nag-cellphone.
"Wala ka bang kakainin?" tanong ni Myra.
"Busog ako," sagot ko sa kaniya.
"Gano'n ba? nasaan nga pala 'yong cellphone ko?" tanong niya.
"Naiwan sa bahay," sagot ko.
"Okay..." aniya.
"Bukas uuwi na tayo, mamaya kukuha ako ng damit mong pamalit," sabi ko habang nakatingin sa cellphone.
"Sige, 'yong damit ko na madumi ayun sa table pinalagay ko do'n sa nurse, dinala kanina nung bumaba ka," sabi ni Myra.
Tumango lang ako, napatingin ako kay Myra na mukhang okay na. Sobrang tapang niya ring babae dahil hinaharap niya 'to mag-isa.
"Sir? Bakit ayaw mo mawala 'yong bata?" nagulat ako sa tanong ni Myra.
"Dahil anak ko siya, sa 'kin siya galing at first time kong magiging ama," sabi ko.
Tumango lang ito.
Myra, don't be like my mother. Don't kill our child.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...