Chapter 20

32.3K 768 20
                                    

John's P.O.V

As usual, ang pinakapaborito ko paggising sa umaga, yung titigan ang magandang mukha ni Myra habang tulog siya.

Hindi ko alam pero never pa ako na-turn off sa babaeng 'to, kahit madalas maingay yung hilik niya! Grabe! Pero ang sarap pakinggan. Ewan ko ba.

Siguro sobrang obsess lang talaga ako sa kaniya simula umpisa pa lang. Kahit ba ang lakas din ng dighay niya pagkatapos kumain, yung hahatching siya at uubo sa pagmumukha ko at wala man lang 'excuse me' o 'sorry'. Grabe talaga siya. Pero minamahal ko lahat ng 'yon sa kaniya. Wala namang perpektong tao at relasyon, ang susi sa tagumpay ng couple ay acceptance kung anong flaws niya at help them to change for the better not for worst.

Kung may asawa ka, 'wag mo hikayatin manigarilyo o mag inom. Tolerate him or her with good attitude para sa future niyo at para din ma-adopt ng magiging future baby niyo 'yon. Hinihiling ko ring sana yung magiging anak namin, babae man o lalake, sana magmana siya kay Myra. Isang mabait, matulungin, masipag, masiyahin at madiskarteng tao.

"Ano ginagawa mo?" nagulat ako sa biglang tanong ni Myra at sinamaan niya ako ng tingin.

Hindi ko naman siguro siya nagising dahil sa pagtitig ko.

"Wala, kamusta tulog?" tanong ko.

"Okay lang, napagod ako kagabi--" natawa naman ako ng mapahinto siya sa sinasabi niya.

"Ano? Ano?" sabi ko at tinawanan siya.

"Gago!" sabi nito sa 'kin at binatukan ako.

"Bakit batok sa umaga? Dapat kiss," sabi ko at ngumuso sa kaniya.

Napaaray naman ako nang hampasin niya ng palad niya ang bibig ko. Medyo masakit, hindi ko alam sa babaeng 'to bakit ang bigat ng kamay niya.

"Wala akong damit gago! 'Asan!?" taranta nitong sabi at binalot ang katawan nito ng kumot.

"Hoy! 'Wag mo angkinin yung kumot wala rin akong saplot! Unless gusto mo makita yung--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bulyawan ako nito sa mukha ko.

"Bastos! Manyak!" Sabay hagis ng unan sa mukha ko.

"Sige na, ikukuha na kita ng bagong damit," sabi ko at tumayo.

Nagtakip naman ng mata si Myra at nagtalukbong ng kumot. Nagsuot muna ako ng damit ko at kinuha ko ang maleta ni Myra saka kumuha ng damit niya.

"Papasyal tayo pero mag-aalmusal muna tayo sa resto ng hotel," sabi ko.

"Hindi pa tayo maliligo?" tanong ni Myra.

"Balak ko magbike muna tayo, nakakapagpapawis 'yon eh," sabi ko at inabot ang damit kay Myra.

"Sige, kaso bawal ako dahil buntis," sabi ni Myra.

"Oo, kaya i-aangkas lang kita," sabi ko sa kaniya.

Pumunta na kami sa restaurant ng hotel na tinutuluyan namin, may free breakfast kasi sila. Habang kumakain kami ay tinitigan ko si Myra na masaganang kumakain. Tumataba na siya, nagkakalaman na yung mga braso niya at pisngi niya. Malusog na rin ang dalawa niyang dibdib at nagiging pakwan na pati yung tiyan niya.

"Ang laki na," bulong ko.

"Ha? Alin?" tanong ni Myra sa akin.

"Si baby, malaki na siya," sabi ko.

"Ahh, pwede pa kaya kumuha ng pineapple juice do'n?" tanong niya.

"Oo, teka ikukuha kita," sabi ko at kinuha ang baso nito saka pumunta sa kuhanan ng juice.

Napatingin naman ako sa lalake na katapat namin ng table at nakatingin ito kay Myra. Agad akong bumalik sa upuan ko at tinignan yung lalake. Mag-isa lang kasi ito. Nang magkatama ang mga mata namin ay agad niyang kinuha ang cellphone niya sa table at umalis. Sa 'kin lang si Myra, hanggang tingin lang kayong lahat.

"May problema ba?" tanong ni Myra sa akin.

"Wala naman. Tapos ka na ba?" tanong ko.

"Oo, tara na sa Burnham Park," sabi nito at tumango lamang ako.

Tatayo na sana ako pero nakita ko pa si Myra na niligpit ang pinagkainan namin. Pinagpatong-patong niya ang mga plato at saka pinagsama-sama ang kutsara tinidor.

"Palagi mong ginagawa 'yan tuwing kumakain tayo sa mga restaurant or fast food chain," sabi ko.

Ngumiti naman ito sa akin saka tumayo na rin.

"'Yan yung turo sa akin ni Mama noon pa," sabi nito at naglakad na kami palabas ng hotel.

"Sobrang bait mo talaga 'no? Napakaswerte ko kase nakilala kita at swerte din yung baby natin kase ikaw yung nanay niya," sabi ko at hinawakan ang kamay nito.

"May pa holding hands ka na ngayon?" sabi ni Myra.

"Tatawid tayo," Sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Nang makatawid na kami ay agad niyang kinuha ang cellphone ko at nagpapicture sa akin sa gate kung saan may nakalagay na Burnham Park.

"Pwede tayo mag-swan after ng bike?" tanong ni Myra.

"Oo naman," sabi ko at muling hinawakan ang kamay nito.

"Hala siya," natatawang sabi ni Myra.

Tsk. Kinikilig lang 'to pero ayaw niya aminin. Kailan ko kaya mahuhuli puso nito?

Pumunta na kami sa renting ng mga bike at pumili ako ng japanese style na mayroong basket sa harapan at may angkasan sa likod.

"Kaya mo ba sumakay?" tanong ko sa kaniya dahil nakaupo na ako.

"Oo, buntis lang ako hindi baldado," sabi nito at nakaupo na sa angkasan saka humawak sa bewang ko.

"Daming nag ba-bike dito. Doon tayo sa kabila," sabi ni Myra.

Dahan-dahan ko namang pinedal ang bisikleta dahil ayokong mapaano yung baby namin ginagawa ko ang lahat para maging smooth lang yung andar ko.

"Yehey! Bilisan mo ng konti wala namang thrill," sabi ni Myra.

"Ano ka ba? buntis ka," sabi ko.

"Oo nga pala," sabi nito at ngumisi.

Umikot-ikot kami ng halos 30 minutes rin. Sobrang enjoy ko dahil kasama ko si Myra at sobrang saya niya rin dahil sa view, wala siyang ginawa kundi magpa-picture sa 'kin.

"Pagod ka na, tara naman sa Swan sakay tayo do'n," sabi ni Myra.

Sinauli namin ang bike at pumunta kami sa mga swan at sumakay.

"Ako na lang pepedal," sabi ko.

"Doon tayo sa gitna," sabi ni Myra at agad ko naman siyang sinunod.

"Alam mo pangarap ko talagang makapunta sa mga magagandang lugar ng Pilipinas," sabi ni Myra.

"Ako rin naman at feeling ko lahat naman ng tao gusto 'yon," sabi ko.

"Sobrang memorable nito kasi first time travel ko 'to na malayo at maganda," sabi ni Myra.

"Talaga?" tanong ko at agad namang tumango si Myra.

Masaya ako na kahit sa ganitong paraan lang mapasaya ko siya.

"Picturan mo ako, 'wag mo ipakita yung tiyan kase gagawin kong profile picture 'yan kaya gandahan mo," sabi nito.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko.

"Maganda ka naman na, sa kahit saang anggulo," bulong ko at pinicturan siya. Sobrang ganda niya. 

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon