Chapter 41

20.1K 578 57
                                    

John's P. O. V

Ngayong araw, balak ko na mag propose kay Myra.

I felt the vibration of my cellphone in my pocket, I get it and saw Myra's text.

{Ang arte mo, sumahod ka na ba? Bakit gusto mo ng dinner date?}

I chuckled. She don't have an idea that tonight is gonna be the perfect night for us. Pwera yung nag-sex kami, iba na 'yon.

{Basta, paganda ka ha? Alam kong maganda ka na pero gusto ko yung nasisilaw ako sa ganda}

I replied, smiling.

"Sir, heto po yung mga rings naming," sabi ng lalakeng staff.

Nandito ako ngayon sa store ng jewelry para bumili ng sing sing na ibibigay ko kay Myra.

"Sir, I recommend this ring linderoth, 585 white gold, white sapphire," sabi niya at pinakita sa akin ang sing sing.

"Maganda... Pero..." Napatingin ako sa sing sing na umagaw sa atensyon ko.

"'Eto," turo ko sa sing sing.

"Ahh... Eto po yung tinatawag na Ring Egidia, 585 white gold diamond," sabi nito.

"Pwede ko ba hawakan?" tanong ko.

"Sure sir!" aniya at binigay ito sa akin.

"May 15mm ba na size nito?" tanong ko.

"Yes Sir, 'eto po," sabi niya at nag abot sa akin ng sing sing na maliit ang size.

"Hhmm.." sinuot ko iyon sa hinliliit ko.

"Kasya sa kaniya 'to," bulong ko at napangiti.

"Mukhang espesyal na tao ang bibigyan mo niyan, sir," aniya.

"Oo, sobrang espesyal. Mas espesyal pa sa buhay ko," natatawa kong sabi.

"That cost 22,980 Pesos sir!" sabi niya.

"Kukunin ko, card na lang," sabi ko at nilabas ang wallet ko. Binigay ko sa kaniya ang card ko.

Kumuha siya ng red na box at nilagay niya roon ang sing sing saka nilagay pa sa maliit na paper bag. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. May text ulit si Myra.

{Nasan ka na? Nakabihis na ako}

{Papunta na} I replied.

"Sir, 'eto na po, thank you for coming!" aniya at binalik sa akin ang card ko.

"Thank you din," nakangiti kong sabi at lumabas na ng store.

Pumunta ako sa kotse ko at bumalik na sa bahay. Binulsa ko na ang sing sing, naka-coat pa ako dahil gusto ko maging presentable sa harapan niya.

"Myra!?" sigaw ko nang makauwi ako.

Bumukas ang pinto ng bahay at halos tumulo ang laway ko sa sobrang ganda ng magiging asawa ko. Nakasuot siya ng off shoulder black dress na hapit na hapit sa tiyan niya dahil sa pagkakaumbok nito.

"Okay lang ba?" tanong niya habang papalapit sa kotse ko.

"O-oo," nauutal kong sabi.

Pumasok na siya sa kotse at umupo sa passenger seat.

Tinitigan ko ang mukha niya, ayos na ayos ang kilay niya at mayroon pang eyeshadow, ang ganda rin ng mapulang lipstick na ginamit niya, bagay na bagay sa kaniya. Nakakulot din ang dulo ng buhok niya, mayroon siyang silver na kwintas at silver na hikaw. Minsan lang siya mag-ayos ng ganito at sobrang ganda niya!

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon