Chapter 37

18.3K 525 49
                                    

John's P. O. V

"Fuck life," bulong ko at muling uminom ng beer on can.

Tinignan ko ang paligid ng kwarto ko. Punong-puno ng nagkalat na lata at mga sirang gamit.

Humiga ako sa kama.

"Ah--" daing ko dahil tumama ang ulo ko sa isang lata.

Umupo ako at kinuha iyon sabay hagis kung saan, wala na akong pakealam kung ano pang mangyare.

"Paano kaya kung hindi na lang ako nabuhay?" I whispered and lay down.

I looked at the ceiling.

"Siguro kung hindi ako nabuhay. Baka successful si Mama ngayon. Baka Miss Universe na siya," bulong ko at mahinang tumawa.

"Baka sila pa rin ni Papa, baka nga kinasal pa sila."

Nakangiti ako pero ramdam ko ang pagtulo ng mga kuha ko.

"Siguro, kung hindi ako nabuhay... Maayos lahat. Kaso wala... Heto ako e," bulong ko at tuluyan nang napahagulgol. "Sana, pinalaglag na lang talaga ako ni Mama. Siguro anghel na lang ako ngayon. At least wala akong nagawang kasalanan. Kung alam ko lang na ganito kahirap ang mabuhay. Kung alam ko lang..." sambit ko at napatakip ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

"JOHN!" Bigla kong narinig ang boses ni Renalyn.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Wala siyang tigil sa pagkatok.

"Bakit?" tanong ko kasabay ng pagbukas ko ng pinto.

"John? B-bakit--- the hell happened to you!?" tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako at tinalikuran siya, babalik na sana ako sa kwarto ko pero hinila niya ang kamay ko.

"ANO BANG GINAGAWA MO SA BUHAY MO!? NASAAN BA YUNG ASAWA MO---"

"SHE LEFT ME!" sigaw ko.

Napatigil siya sa gulat dahil sa inakto ko. Hinawi ko ang kamay niya at naglakad pabalik sa kwarto.

"J-John! So what the fuck are you doing? Bakit hindi mo siya puntahan? Get her back!" sabi niya habang sinusundan ako sa paglalakad.

Napapikit ako ng mariin.

"I FUCKING CAN'T!" sigaw ko.

I'm not really in the mood to talk to someone who doesn't understand my feelings.

"THEN TELL ME WHY!?" Sigaw niya pabalik sa akin. She's obviously fighting back.

"BECAUSE SHE'S WITH HER FUCKING EX BOYFRIEND! YUNG MAG-INA KO NAPAPALAPIT NA DO'N SA GAGONG 'YON! TAPOS YUNG PUTANGINA KONG AMA----" Napatigil ako.

Napabuntong hininga ako at pinigilan ang muling pagtulo ng luha ko.

"Y-your father?--John... What about him?" tanong niya.

Tinitigan ko siya, mata sa mata.

"He looked at me. Like I'm not his son. I'm just a stranger that he passed by. Because... He's with his fucking family," sabi ko at pilit na ngumiti.

"J-John..." bakas sa boses niya ang lungkot. Akmang hahawakan niya ako pero umatras ako.

"Hindi siguro ako tinadhanang magkaroon ng pamilya. Mabubuhay na lang siguro talaga ako nang mag-isa," malungkot kong sabi.

"John... Don't give up! May bukas pa. Hanggat nabubuhay ka, kailangan mo lumaban," sabi niya.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon