Chapter 39

19.4K 564 84
                                    

Myra's P. O. V

Hindi ako mapakali. Nagu-guilty ako ngayon dahil naaawa ako para kay Nhel. I texted him and asked him if we could meet each. He replied 'Yes', so pumunta ako ngayon dito sa McDonald's na malapit sa bahay ni John.

I'm waiting for him to arrive when I saw a kid crying.

"Pst, bebeh?" tawag ko sa kaniya.

Tinignan niya ako at tumigil siya sa pag-iyak. Babae siya at natutuwa ako sa ganda ng dress niyang pink.

"Bakit ka umiiyak? Tara dito!" sabi ko.

Akmang lalapitan ko siya pero umatras lamang siya. Bakas ang takot sa mga mata niya.

"ANGELICA MIYKAL!" sigaw ng isang lalake na nakasuot ng Doctors uniform. Hingal na hingal siyang tumatakbo papunta sa bata.

"Anak!" sabi niya at agad na lumuhod para yakapin ang bata.

"Pasensya na po!" sabi ng lalake.

Tipid akong ngumiti.

"Okay lang!" sabi ko.

Pinanood ko sila.

"Sabi niyo 'wag ako kakausap ng hindi ko kilala kaya hindi ko siya pinansin, bakit mo siya kinausap? Kilala mo ba siya?" tanong ng batang babae.

Mahina namang natawa ang ama nito.

"Hindi anak, sa susunod huwag ka nang aalis sa tabi ko ha? Sabi ko naman sa 'yo ibibili kita ng ice cream pagkatapos ko kausapin si Ninang Ella mo," sabi niya.

"Hello po," bati ng bata sa akin.

"Hello, Angelica, Siguro Mommy mo ang pumili ng dress mo? Ang ganda ih!" nakangiti kong sabi.

"Patay na po si Mommy," nawala ang ngiti ko nang sabihin niya iyon. Bakas ang lungkot sa boses ng bata.

"Ah-- sorry!" agad kong sabi at tumingin sa lalake.

"Ayos lang," sagot niya.

"Tara na, Daddy Jehiel, bili mo na ako ng ice cream," sabi ng batang babae.

Ngumiti lamang kami sa isa't isa.

"Myra!" tawag ni Nhel.

Agad akong napatingin sa kaniya, umupo ito sa harap ko.

"Nhel--"

"Traffic eh, kanina ka pa ba?" tanong niya, umiling naman ako.

Biglang dumating ang order kong pineapple juice at burger.

"Kain ka," alok ko kay Nhel.

"Kainin mo na 'yan. Dalawa naman kayong kailangan kumain eh!" natatawa niyang sabi.

Nilibot niya ang tingin niya sa paligid.

"Hmm? Bakit?"

"Wala... Iniisip ko lang kung may asungot," sabi niya.

Napayuko ako. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na si John na ang pinipili ko?

Binitawan ko ang burger at uminom bago magsalita.

"Ehem," I cleared my throat, "Nhel may sasabihin sana ako."

"Ano 'yon?" tanong niya sabay kuha ng cellphone niya.

"Hhmmm... Sa totoo lang--" napatigil ako nang bigla siyang tumawa.

"Gago talaga ng architect na 'to," bulong niya habang nakatingin sa cellphone niya.

Napayuko ako. Nangangatog ang binti ko sa kaba.

"Myra--sorry sorry! Ano nga ulit sinasabi mo?" tanong niya.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon