Myra's P. O. V
Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang naghihintay sa sagot ni Mama.
"Sige, pumapayag na ako," sabi ni Mama kaya agad ko siyang niyakap.
"Maraming salamat po!" masayang sambit ni John.
"Sa isang kundisyon," dagdag pa ni Mama kaya agad kaming napatigil.
"Ano, Ma?" tanong ko.
"Kailangan kong makita na mahal mo talaga ang anak ko," sabi ni Mama at ngumiti naman ako.
"Mahal niya talaga ako Mama, ramdam ko 'yon."
Bigla namang tumunog ang cellphone ni John kaya agad siyang nag-excuse at lumabas ng bahay.
"Alam mong magagalit ako kaya ka umalis, pero sana sinabi mo na lang ang totoo," sabi ni Mama.
Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang kamay nito.
"Ma, alam mong duwag ako," sabi ko.
"Kamusta ka ba? Yung apo ko. Ilang buwan na ba 'yan?" tanong nito.
Ngumiti naman ako. "Mag a-apat na buwan na."
"Ano bang gusto mo? Babae o lalake?" tanong pa niya.
Sobrang sarap sa pakiramdam na maging maayos na kami, tanggap na ni Mama.
"Kahit ano, nag-iisip na nga po ako ng ipapangalan," sabi ko at ngumiti.
"May naisip ka na ba?" tanong ni Mama.
"Wala pa, nag-iisip ako ng unique at syempre kailangan magustuhan ni John," sabi ko.
Napatingin naman ako sa wall clock, oras na para uminom ng gamot si Mama.
Habang hinahanda ko ang gamot kumuha na din ako ng gatas para sa akin.
"Mama," sabi ko at inabot ang gamot at tubig sa kaniya.
Napansin ko namang ang tagal ni John kaya dala-dala ko ang gatas at lumabas na rin ng bahay. Nakita ko siyang may kausap sa cellphone.
Maya-maya pa ay nakita niya akong nakatingin sa kaniya kaya binaba niya ang phone niya.
"Sino 'yon? Anong meron?" tanong ko sa kaniya at nilapitan siya.
"Mayroon kase akong kaibigan nung high-school tapos kakabalik niya lang dito sa Pilipinas at nangangamusta," sabi nito sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Kamusta na ang Mama mo? Sure na bang okay na siya sa 'kin?" tanong pa niya.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
"Oo, salamat talaga, promise babayaran kita," sabi ko.
"Hindi na kailangan 'yon. Inumin mo na 'yang hawak mo, kailangan ni baby--" napahinto si John sa sasabihin niya nang marinig namin ang busina ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin.
"Kilala mo ba 'yan?" tanong ko kay John.
"Hindi ko--" napatigil din siya at napatingin sa kotse nang ibaba nito ang bintana.
"Karilyn?" bulong ni John at napatingin naman ako sa babaeng nakasakay sa kotseng pula.
"Kilala mo?" tanong ko ulit sa kaniya.
"JOHN!" tawag ng babae at bumaba sa kotse.
Napabitaw naman ako kay John at napatingin sa sexy na babaeng papalapit sa gate namin.
"Wait, siya yung sinasabi kong kaibigan na kakauwi lang sa ditto," sabi ni John at agad na nilapitan ang babae.
"Mas maganda," bulong ko at inunom yung gatas na hawak ko.
Sumenyas naman sakin si John sa kotse pero hindi ko naman nagets ang sinasabi niya.
"Heheramin ko muna siya, Miss!" sigaw nung babae.
Hindi pa ako nakaka-oo agad niyang pinapasok si John sa kotse niya.
"Hala!" bulong at lumakad papalapit sa kotse pero bigla itong umandar.
"SINO NA NAMAN 'YON!?" inis kong sigaw.
Pumasok ako sa bahay nang iritable ang mukha.
"Anong nangyare? Bakit may babae? Akala ko ba mahal ka talaga nung John na 'yon? Naku anak! 'Yan ang sinasabi ko, dapat kinilala mo muna bago ka nagpabuntis! Lagot sakin 'yang lalakeng 'yan," sabi ni Mama.
"Ma, hintayin natin yung explanation niya. Sabi niya sa 'kin kanina kaibigan lang niya 'yon, kakauwi lang daw dito sa Pinas," paliwanag ko.
Tumango lang si Mama at napabuntong hininga naman ako.
********************
John's P. O. V
Pinilit ako ni Karilyn na sumama sa kaniya, hindi naman ako makatanggi dahil matagal ko din siyang kaibigan.
"Kasal ka na ba?" tanong nito habang nag-dadrive.
"Hindi pa," sagot ko.
"Akala ko hihintayin mo ako, nangako tayo sa isa't isa dati, John," sabi ni Karilyn at itinabi ang kotse sa isang fast food chain.
"Matagal na 'yon, hindi ko rin alam mga ginawa mo doon sa Singapore so nag-expect ako na nakalimutan na natin 'yon," sabi ko.
Si Karilyn ay hindi ko ex girlfriend, kaibigan ko lang siya na mayroong crush sa akin noon. Dahil sa panunukso sa akin ay sinabayan ko ang trip niya pero hindi ko akalain na tototohanin niya at paniniwalaan.
"John, nag-aral lang ako sa ibang bansa pero I kept my promise," sabi nito.
"Sorry... Karilyn, magkakaanak na ako, si Myra yung babaeng nakita mo kanina at may anak na kami," sabi ko sa kaniya.
Napabuntong hininga ito at kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Sana hindi na lang ako umalis," sabi nito habang nakatingin sa kalsada.
"Immature pa tayo noon, mga bata lang tayo kaya inisip ko na--" she cut me off.
"Fine! So tell me, ano bang meron sa babaeng 'yon?" tanong ni Karilyn.
"She have a good heart," bulong ko.
"Kaya binuntis mo?" iritang tanong nito.
Napahawak naman ako sa sentido ko.
"Kaibigan naman kita kaya, I trust you," sabi ko at tumingin naman siya sa akin.
"So what? Spill it."
"Pinlano ko 'yon, lahat-lahat," sabi ko at napatingin sa langit.
"Anong plano?"
"I like her for 3 years na teacher lang ang tingin niya sa akin, pero may boyfriend siya noon kaya I need to do something para mapaalis yung lalakeng 'yon sa kaniya, hindi ko naman siya maligawan dahil ayokong maawkward siya sa pag-aaral niya. She's so smart pero napabigay ko siya, pinlano kong ibagsak siya sa Demo para lumapit siya sa 'kin at humingi ng tulong, I said kapag nakipag-sex siya sa 'kin ipapasa ko siya, sabi ko I'm not gonna get her pregnant. But my goal is to get her pregnant para mapasa 'kin siya ng tuluyan, I've waited for so long. Sa wakas nagwagi din ako," kwento ko at ngumiti sa kaniya.
"I see, baliw na baliw ka sa kaniya. Sana gano'n ka din sa 'kin," natatawang sabi ni Karilyn.
"You know that wouldn't happen, besides we're friends remember?"
"Sige, tatanggapin ko, so let's go and eat," sabi nito at bumaba sa kotse.
Sinundan ko naman siya at kumain kami sa fast food chain na nasa tapat namin.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...