Chapter 49

31.8K 687 115
                                    

Myra's P. O. V

"HAPPY BIRTHDAY KYLE GARBIEN!" sigaw ng lahat.

Hinawakan ko ang cake at sabay naming hinipan iyon ni John.

I wish, na lumaking mabuting tao si Garbien. Hindi ko kailangan ng matalino, gwapo o kung ano pa man. Kabutihan lang, Lord. Amen!

"YEHEY!" hiyaw ko at binaba na sa table ang cake.

"Pwede na po tayong dumiretso sa buffet," sabi ni Cass. Siya ang nag Emcee, ewan ko ba sa babaeng 'to. Ang lakas ng trip sa buhay.

"Assist ko lang sila Tita ko," sabi sa akin ni John at binigay sa akin si Garbien.

"Sige, Mahal," ani ko.

"Isang taon ka na dito sa earth baby ko!" masaya kong sabi.

Natawa naman si Garbien at tumulo pa ang laway niya. Agad ko iyong pinunasan at kinarga ko siya na nakaharap sa mga tao.

Napakataba na ni Garbien at sobrang masiyahin. Tuwing makikita kaming nakangiti ay ngingiti rin siya. Madalas kapag nagising siyang wala kami ay iiyak na siya. Nilagay tuloy namin siya sa gitna namin kapag matutulog.

"Iha! We're late! Sorry, traffic," sabi ni Tita Criselda.

"It's okay po!" sambit ko at may inabot naman siyang paper bag.

"Can I carry my grandson? So handsome boy!" sabi niya at binigay ko sa kaniya si Garbien.

"Thank you po dito!" nakangiti kong sabi.

"Oh! Kasama niyo po pala ang bunso niyo," sabi ko at lumapit sa Papa ni John na karga ang baby nilang babae na si Jamaica.

"Ang ganda naman..." bulong ko at tinignan ang mala anghel na baby nila na ngayon ay mahimbing na natutulog.

Gusto ko din ng babae, actually gusto ko na sundan si Garbien kaso ang higpit ng schedule naming mag asawa. Wala na kaming oras sa isa't isa. Nagtatrabaho na ulit ako. Nag-board exam na ako at umaasang makita ang pangalan ko sa passers, next week pa malalaman ang results.

"Prof!" naalerto ako kaagad sa malanding boses ng isang babae.

Alam ko 'yon! Estudyante ni John iyon!

"Namumuro na sa akin ang batang 'to..." bulong ko at nilapitan sila.

Nakita kong nag abot ng regalo na nakakahon ang estudyante ni John at nakangiti namang tinanggap iyon ni John. Paanong hindi maiinlove at lalandi ang babaeng 'yon e, panay ang ngiti ni John!

"MAHAL!" tawag ko.

Sabay silang lumingon sa akin, lumapit ako at kinuha ang regalo na binigay ng babae.

"Maraming salamat! Nag-abala ka pa!" nakangiti kong sabi.

"Opo, Ma'am. Na-late nga lang po kami, sayang," sabi pa niya.

EDE SANA HINDI KA NA PUMUNTA DITO! HINDI KA NAMAN INVITED!

"Gano'n pa?" nakangiti kong sabi.

Tinignan ko si John at pinanlakihan ng mata.

"Sige po, balik na po ako sa mga kaklase ko Prof," aniya at lumakad paalis.

"Tsk tsk, tanda-tanda na. Feeling binata pa rin," inis kong sabi at inirapan si John.

"Ha? Wala akong ginagawa!" depensa niya.

"Wala daw!? Tanggalan kaya kita ng bagang para hindi ka na makangiti!?" inis kong sabi at lumakad palayo.

Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni John.

"Mahal... Sorry na," panunuyo niya.

"Nek-nek mo!" mataray kong sabi at kumuha ng cupcake saka kinain ito.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon