Myra's P. O. V
Ngayong araw ang first day of teaching ko. Sobrang excited ko kahit ba naging Student Teacher ako noon. Iba na kapag as in Teacher na.
Habang nagbibihis ako ng uniform ay tumunog ang cellphone ko. A message from Nhel.
{Myra, I'm really sorry. May naging problema yung client namin. Hindi kita mahahatid sa first day mo. Promise babawi ako bukas. Ingat ka ah!}
"Okay lang din," bulong ko at ngumiti.
Kinuha ko ang bag ko at naglakad na palabas. Si Mama ay maaga ulit pumunta sa palengke para magtinda dahil kami nalang ulit dalawa.
"Ayan! 'Wag kang gagaya sa babaeng 'yan!"
"Tignan mo iniwanan ng asawa, balita ko mayaman ang nakabuntis diyan."
"Ang landi naman nagpabuntis pa!"
Napairap ako sa chismisan ng mga kapitbahay. Oras na nakaluwag-luwag kami ni Mama ay aalis na talaga kami sa impyernong 'to!
Sumakay ako ng Jeep, hawak-hawak ko ang tiyan ko at tumingin sa paligid.
Maya-maya ay may sumakay na isang pamilya, karga ng lalake ang baby nila samantalang ang babae naman ay hawak ang bag na pambaby.
Myra no... 'Wag mo pangarapin 'yan. Hindi mangyayare 'yan.
Nang makarating ako sa kanto ay sumakay pa ulit ako ng trycicle dahil malayo kung lalakarin ko at baka masyado matagtag ang tiyan ko. Sumasakit na rin ang balakang ko dahil sa pakwan na nasa tiyan ko.
"Baby, 'wag ka totoyoin sa tiyan ni Mommy mo ha? Magtuturo na ako!" sabi ko at ngumiti.
Pumunta ako sa classroom ko at naupo sa teacher's table. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, habang naglalagay ako ng lipstick ay may pumasok na estudyante.
"Hello po! Kayo po si Mam Myra? In-add ko po kayo sa facebook! Pa-accept ako Mam!" Masiglang sabi ng isang dalaga sa akin.
"Sure, anak," sabi ko at ngumiti.
"Elery Mae po ang pangalan," nakangiti niyang sabi.
"ELERY! MAGKAKLASE TAYO!" sigaw ng isa pang babae at tumakbo papunta kay Elery.
Napangiti ako, ganitong-ganito kami ni Cass noon. Palagi kaming partners in crime. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon?
Marami pang estudyante ang pumasok ng room at nilagay ang bag nila.
"Good morning po," nahihiyang sabi ng lalakeng nakasalamin at inilagay ang bag niya sa tapat na upuan ng table ko.
Ngumiti ako sa kanya. Pansin kong nakayuko lang siya palagi. Wala ring bumabati sa kaniya.
"Ma'am! Kayo po yung bago naming advisor?" tanong ng isang lalake.
"Yes anak!" nakangiti kong sabi.
"Naks, ganda!" pang-aasar ng isa pang lalake at nagbulungan ang mag babarkada.
"Ma'am, single ka po?" tanong sa akin.
"Yes," nakangiti kong sagot.
"Ilang taon na kayo, Ma'am? Pwede manligaw?" tanong niya at kinilig naman at nagbulyawan ang ibang estudyante.
Napatawa ako at tumayo. Napatigil ang lahat nang makita nila ang tiyan ko.
"Mag-aral muna kayo ng mabuti, okay?"
Tumango lang sila. Halata ang gulat sa mga mukha nila.
Tumunog na ang bell, naglabasan lahat ng estudyante ko. Kinuha ko ang podlock at susi ng classroom. Required kaseng ilock kapag lumabas para walang mawawalang gamit sa loob. Habang nag la-lock ako ay napansin ko ang pamilyar na likod ng isang lalake. Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking labi nang humarap ito.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
Storie d'amorePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...