John's P. O. V
Hawak-hawak ko ang kamay ni Myra, naglalakad kami ngayon sa mall. Hindi ako mapakali, may parte sa akin na kinakabahan ako. Although, wala naman akong dapat ika-kaba.
"Ang ganda..." rinig kong bulong ni Myra.
Tinignan ko siya, nakatingin siya sa isang maternity dress na nakasuot sa isang mannequin na naka-display sa labas ng isang store.
Tatanungin ko sana siya kung gusto niya ba ang damit na 'yon pero narinig kong tinawag ako ni Papa.
"John."
Napatingin kami ni Myra sa kaniya. Hawak-hawak niya ang kamay ng isang batang babae na ang edad ay mga nasa 9 years old. Mayroon pa itong katabing binata na mukhang nasa 16 years old na.
"Who is he, Hon?" tanong ni Criselda.
Nagkatinginan kami ni Papa. Tinuro ni Papa ang bench. Walang masyadong tao dahil pagabi na. Umupo sila roon at lumapit kami. Kabado akong nakipagtitigan kay Criselda. Maganda nga siya, sobra. Iba talaga ang lahing amerikana...
"I-I just want to tell you a truth..." nauutal na sabi ni Papa at yumuko.
Ramdam ko ang hagod ni Myra sa likod ko. Napangiti ako, she's so supportive.
"Criselda, He's my son. I-I'm really sorry not telling--"
"WHAT!?" gulat na sigaw ni Criselda.
"Are you married before me!?" galit niyang sabi.
"No! No! I'm not married to his mother, she--she died," malungkot na sabi ni Papa.
Tila ba nawala ang galit ni Criselda. Nakatitig lang ang dalawang bata sa kanila.
"Look... Hon, I have a son before I met you. I didn't tell you because I know that you don't want a man who have a kid already, but I love you! That's why I keep my son a secret from you," sabi ni Papa.
Napadiin ang hawak ko sa kamay ni Myra, nakatitig lang ako sa kanila. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko o kung may dapat ba akong sabihin, halata namang ayaw nila sa akin.
"I swear, I love you, that's why I married you," sabi ni Papa.
"That guy? Is my brother?" ani ng lalakeng anak ni Papa.
"Gosh this is--I really don't know what to say," singhal ni Criselda at tumingin sa akin.
Napayuko ako.
"Okay lang 'yan," bulong sa akin ni Myra.
"Hon, I'm really sorry. I just don't want to keep any secret to you from now on and--I've never seen my son for almost twenty years," malungkot na sabi ni Papa.
Nanatili akong nakayuko. Sabi na... Hula ko na 'to e, hindi nila ako magugustuhan.
"You should told me earlier," napaangat ako ng tingin kay Criselda nang sabihin niya iyon.
"You chose me, us... You left your son here in the Philippines? Alone? Without a mother? It must be difficult. Hon, I don't want a man who have a kid, yes... Because I know he's not faithful but... If it's you, I'll accept it. You're the only exception, we've been together for fifteen years and I know you very well. You're such a great person. I know you really love me, us," sabi ni Criselda.
Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Papa. Tila ba nagiging atraksyon kami rito, ayoko umiyak, nakakahiya. Bakit ba dito yung meeting place namin. Si Papa talaga.
Nagulat ako nang itulak ako ni Myra papunta kala Papa. Hinila ako ni Criselda, nangangatog ang mga binti ko pero pinilit kong ngumiti sa kaniya.
"How old are you know? You look like a great man, like your Dad," sabi ni Criselda at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...