Chapter 42

18.9K 591 65
                                    

Myra's P. O. V

Sobrang dilim ng awra ni John, hindi ako makapagsalita at hindi ko rin maintindihan, ang alam ko lang ay Papa niya ang kausap niya sa banyo.

Nung umalis siya ay sinundan ko siya at nakita kong pumasok din sa banyo ang lalake at sinundan si John. Hindi naman ako pwede pumasok sa banyo ng lalake kaya nanatili ako sa labas at nakasandal sa pinto habang nakikinig sa mga sigaw ni John.

"Magpahinga ka na," walang emosyon niyang sabi at lumabas ng kotse.

Naglakad na ako papasok ng bahay niya, nakita kong tulog na si Mama sa folding bed na nasa sala. Tahimik kaming naglakad patungo sa kwarto.

"John..." tawag ko sa kaniya.

Nanatili siyang tahimik, pinanood ko lang siyang maghubad ng coat at polo niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pumunta ako sa banyo at nagtanggal ng make up ko.

"Akala ko magiging best night 'to, first time namin mag dinner date. Memorable dapat kaso hindi naging masaya," bulong ko at napabuntong hininga.

Bumalik ako sa kwarto namin. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at tinignan si John na nakahiga na sa kama at nakatalikod mula sa akin.

Nagbihis ako ng pantulog, sobrang tahimik ng mundo. Pati ako nalulungkot dahil alam kong hindi okay si John. Binuksan ko ang lamp sa side table at pinatay ang ilaw, tumabi na ako kay John at sumandal sa headboard.

"John..." tawag ko.

Hindi pwedeng wala akong gawin.

"John, uy.." tawag ko sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.

Narinig ko ang hikbi niya. Mas lalo akong nalungkot pakiramdam ko ay iiyak na rin ako.

"Myra..." aniya, humarap siya sakin at niyakap ang mga hita ko.

"Shhh..." bulong ko at hinagod ang likod niya.

Pinatong niya ang ulo niya sa hita ko. Hinayaan ko siyang umiyak.

"Pinangako ko sa sarili ko. Hinding-hindi ako tutulad sa tatay ko," sabi niya habang humahagulgol.

"Hindi naman e.. Hindi ka gano'n," bulong ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Myra... Hindi kita sinukuan at wala akong balak na hayaang mawala kayo sa akin, dahil kayo na lang ang pamilya ko. Myra, walang-wala ako... Mukha man akong successful na tao pero wala akong pamilya... Myra, wala akong pamilya," aniya at patuloy pa rin sa pag luha.

Napabuntong hininga ako at hinimas-himas ang likod niya.

"Pero John... Tatay mo pa rin siya," bulong ko.

"Yun nga, ang hirap tanggapin na siya yung naging tatay ko. Sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa?"

"Pagsubok lang 'to, alam kong sobrang hirap. Sobrang sakit. John, paano gagaan ang loob mo kung hindi mo papakawalan ang galit at sakit na nararamdaman mo?" tanong ko habang patuloy pa rin sa paghagod ng kaniyang likod.

"Myra... Ang hirap... Ang hirap magpatawad, gusto ko na lang na mag kalimutan na lang kami at isiping kahit kailan hindi kami nagkakilala," bulong niya.

"Hindi naman uubra 'yon, John naging malakas ka at naging matatag ka dahil sa Papa mo. Iniwanan ka niya at natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa," sabi ko.

He sighed, "I know, pero hindi ko matanggap. Sobrang selos na selos ako sa bago niyang pamilya na nakakatangap ng pagmamahal at aruga niya."

"John, nandito naman ako, kami. Mahal na mahal ka namin ni baby boy mo at ni Mama. Habambuhay kitang mamahalin at aalagaan. Kung hindi mo man nakamit noon, hindi pa huli ang lahat para hindi mo 'yon nakamit ngayon, hangga't nabubuhay tayo kailangan natin lumaban," sambit ko.

Umupo siya at humarap sa akin, namumula ang mata niya at basang-basa ang pisngi niya ng luha, pati na rin ang hita ko. Lumapit ako sa kaniya at pinunasan ang luha sa mga pisngi niya.

"'Wag ka na umiyak, pero John... Sana dumating yung araw na mapatawad mo rin ang Papa mo. Kung wala siya, wala ka," sabi ko at kumuha ng tissue.

"Blow baby ko," natatawa kong sabi at tinapat sa ilong niya ang tissue.

"Myra naman..." nahihiya niyang sabi at kinuha sa kamay ko ang tissue.

"Naku-naku! Ang baby ko! 'Wag na umiyak nandito na ako!" malambing kong sabi.

Natawa naman siya sa inakto ko.

"Ang baby damulag kong uhugin!" natatawa kong sabi.

Sabay kaming tumawa at biglang naging seryoso ang mukha niya.

Iiyak ba siya ulit?

"B-bakit?" nauutal kong tanong.

"I love you," aniya.

Ngumiti ako.

"I love you too," sambit ko.

Hinila niya ang kamay ko at nilapit ako sa kaniya, hinalikan niya ang labi ko. Hindi na ako nagpumiglas pa at tumugon sa mga halik niya.

Dahan-dahan niya akong hiniga at ramdam ko ang pag-ibabaw niya sa akin habang patuloy pa rin sa paghalik. Humiwalay ako sa halik niya at tinitigan ko siya na ngayon ay sobrang magkalapit ng aming mukha.

"Buntis ako ha?" natatawa kong sabi.

"Oo nga pala... Sayang..." pilyo niyang sabi.

***************************

Kinabukasan ay maaga akong nagising, habang nagpiprito ako ng itlog ay may biglang nag doorbell. Pinatay ko ang kalan at lumabas.

"Ano ho--" napatigil ako nang makita ko ang Papa ni John.

"Alam kong alam niyo po kung gaanong nasasaktan ang anak niyo ngayon," sabi ko habang papalapit sa gate.

"Iha... Ikaw ang asawa ng anak ko? Nakita kitang kasama niya kagabi. Gusto ko sanang makausap si John," aniya.

Binuksan ko ang gate.

"Magkaka-anak na kayo?" tanong niya habang nakatingin sa tiyan ko.

"Opo... Pero hindi po kami kasal," mahina kong sabi.

"Hindi ko pa alam ang pangalan mo iha..." aniya.

"Myraquel po. Myra na lang," sambit ko.

Nakita ko si Mama sa pinto. Nakikinig siya.

"Siya ho ang Mama ko, teka-- Tito bago niyo po makausap si John, gusto ko ho sanang humingi ng pabor sa inyo," sambit ko.

"A-ano 'yon?"

"Sana gawin niyo po ang lahat para maging magaan ang loob niya, kung maaari po 'wag po sana kayo gumamit ng words na masasakit. Sa totoo lang po... Umiyak siya kagabi dahil pakiramdam niya pinagkait niyo sa kaniya ang kalinga ng isang magulang. Nabuhay siya na walang pamilya na nagmamahal sa kaniya. Hindi pa po huli ang lahat para hindi kayo magkaayos..." sambit ko.

"Oo iha, maraming salamat sa pagaalaga sa anak ko. Alam kong matanda na siya at gano'n din ako. Patanda na rin ako ng patanda, ayokong mamatay na hindi man lang kami nagkakaayos ng anak ko," sabi pa niya.

Ngumiti ako at pumasok na kami.

"Ikaw pala ang tatay ni John," sabi ni Mama.

Iniwanan ko na silang nag uusap sa sala at nagtungo ako sa kwarto. Lumapit ako sa kama, nakapikit si John kaya akala ko tulog siya pero nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko. Napahiga ako sa kama at mabilis siyang umibabaw sa akin sabay halik sa mukha ko.

"John!" pagpigil ko sa kaniya.

"Good morning, Mahal ko," nakangiti niyang sabi.

Makuha niya pa kayang ngumiti kapag nalaman niyang narito ang ama niya.

"Wait... May bisita ka nasa sala," sabi ko.

"H-ha? Sino?" tanong niya.

Tinulak ko siya at tumayo ako, hinila ko ang kamay niya palabas ng pinto.

******************

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon