Myra's P. O. V
"Myra, let me explain! Myra I love you--"
"FUCK YOUR EXCUSES!" sigaw ko at saka tinalikuran siya.
I felt my tears falling down into my cheeks, umiiyak na naman ako. Nasasaktan ako ng sobra, hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangan gawin 'yon. I don't deserve that kind of treatment!
"Myra please..." malambot ang ekspresyon niya nang sabihin iyon at hinabol niya ako hanggang sa pinto ng kwarto.
"You used me, hindi mo talaga ako mahal John. I believed you but it's all a lie," malungkot kong sabi at umiling sa kaniya.
"No... No Myra, hindi ganoon 'yon--"
"EH ANO!? GALING NA MISMO SA BIBIG MO!" sigaw ko at binuksan ang kwarto.
Nandoon si Mama at nakaupo sa kama habang may bag sa lap niya. Nilapitan ko si Mama at tinignan siya saka sumenyas, pinagplanuhan naming umalis na lang since I'm already graduated. I can find a job. Hindi ko na kailangan umasa pa kay John.
"Myra-b-bakit may ganito?" takang tanong ni John.
I sighed and look at him straight to his eyes, acting like a brave woman.
"Let's break up, I deserve better. Kaya ko alagaan tong anak ko, mag-isa," madiin kong sabi.
"No... No--Myra please don't leave me. I can't... I can't live without you," his voice brokes so I looked at him, crying.
"You ruined the plans I made for my life, pakiramdam ko simula nang buntisin mo ako kinontrol mo na yung buhay ko!" sigaw ko at tinuro ang sarili ko.
I keep on crying, napakabigat sa pakiramdam ng ganito. Hindi na ako naging masaya, I felt like this is a hell.
"Ma.. Let's go," sambit ko at kinuha na ang maleta ko.
"Myra--"
"Babayaran ko lahat ng ginastos mo sa 'kin, hintayin mo na lang," walang emosyon kong sabi at tinalikuran siya.
"Tita--"
"Akala ko mabait kang tao!" rinig kong sabi ni Mama.
"MYRA! I'M SORRY!"
"STOP MANIPULATING ME! HINDI NA JOHN! HINDI NA!" sigaw ko dahil sa sama ng loob at galit ko sa kaniya.
Nanghihina ang mga paa kong lumakad papalabas ng bahay ni John. Rinig ko ang bawat paghikbi niya.
If he did it in a right way... If he just did.
I never looked back. Nang makakakita ako ng taxi ay pinara ko iyon saka kami sumakay ni Mama. Wala kaming choice kundi ang tumayo sa sarili naming paa. Hindi kami pwedeng umasa sa iba lalo na sa kaniya.
Umuwi kami ni Mama sa dati naming bahay, sa lugar na kinikilalang iskwater area, dikit-dikit ang mga kahoy na bahay na puro tagpi-tagpi kasama ang mga chismosang kapitbahay.
Gabi na noong makauwi kami kaya walang nakakita sa amin ni Mama, sobrang dumi ng bahay kaya hindi pa agad natulog si Mama at naglinis pa. Ako naman ay nauna nang magpahinga dahil may bata sa sinapupunan ko, ayokong masaktan ang inosenteng bata na ito.
Kinabukasan, nagising ako sa boses ng dalawang babae na nag-aaway.
"WALA KAYONG PAKEALAM!"
"TANGGAPIN MO NA KASE! DITO AT DITO RIN ANG BAGSAK NIYONG MAG-INA!"
Agad akong napabangon sa narinig ko at lumabas ng bahay.
"PUTAK KA NG PUTAK! WALA NAMAN KAYONG MANGATNGAT! MGA WALANG AMBAG SA LIPUNAN!" hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil ang ayoko sa lahat ay minamaliit ang pamilya ko.
"ANG ANAK KO! NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL! EH 'YANG ANAK MO!?"
"HOY! ANG ANAK KO NAG-AARAL NG MABUTI HINDI KAGAYA NG ANAK MONG KIRE-KIRE NAGPABUNTES!"
"ABA SUMOSOBRA KA NA TALAGANG---"
Napatingin ako kay Mama, akmang susugurin na niya si Manang Alice pero agad kong hinila ang kamay niya at pinigilan.
"Ma! 'Wag na. Hayaan mo na sila," sabi ko at tinapik ang balikat ni Mama.
Madaming kapitbahay ang nakatingin sa amin, nakita kong dumating ang kaibigan ng Mama ko.
"PUNYETA KA TALAGA ALICE!"
Napatakip ako ng bibig nang batukan ni Ate Lea si Manang Alice. Madaming mga manonood na natawa dahil sa inakto ni Ate Lea.
"Natutulog ako do'n! Putangina ng bunganga mo daig pa tilaok ng manok! Tatahiin ko 'yang bunganga mo!" pagbabanta ni Ate Lea at dinuro pa si Manang Alice.
Habang ako ay pinapaklma ko si Mama, baka tumaas ang presyon ni Mama. Ayokong may mangyareng masama.
"Linda! Mabuti at bumalik na kayo dito!" nakangiting sabi ni Ate Lea at niyakap si Mama.
Tinignan ko ng masama ang mga nanonood na kapit bahay saka kami pumasok sa aming tahanan kasama si ate Lea.
"May naging problema sa nobyo ng anak ko, ayoko namang masaktan lang ang si Myra alam mong kaisa-isa kong anak 'yan," sabi ni Mama.
"Naku! Tarantado ba nakabuntis sa 'yo?" tanong ni Ate Lea at may kinuha sa dala niyang plastik.
"Medyo po," sagot ko at napaupo sa kawayan na upuan.
"'Eto! Pinagtahi kita ng bestida! Mahirap magdamit kapag lumalaki ang tiyan!" nakangiting sabi ni Ate Lea.
Nakangiti akong kinuha ang hawak niyang bestida.
"Naku! Ate Lea maraming salamat!" sambit ko saka tumayo at sinukat ang bestida.
"Susuotin ko 'to palagi, para makahinga man lang yung katawan ko," nakangiti kong sabi.
Iniwan ko kase lahat ng damit na bibili sa 'kin ni John sa bahay niya. Ayoko na madagdagan pa ang utang na loob ko sa lalakeng 'yon.
Pilit akong ngumiti habang pinapanood ko si Ate Lea at si Mama na nagkukwentuhan sa kusina. Napabuntong hininga ako nang maisip si John, minahal ko rin naman siya pero minahal niya ako sa maling paraan.
Tinawagan ko si Cass, napangiti ako nang mabilis niya iyong sinagot.
"Aga-aga bes," bungad niya.
I chuckled. "Alas nuebe na," sambit ko at napatingin sa bintana.
"Bakit ba? 10 am ako gumigising, ba't ka napatawag ateng?" tanong niya.
I sighed before I speak. Dinadamdam ko pa rin yung nalaman ko about kay John.
"Bumalik na kami ni Mama sa dati naming bahay," malungkot kong sabi.
"Bakit naman?" she asked.
"Kita tayo? Mahabang kwento eh," I said quietly.
"Sige, sunduin kita," aniya.
I'm really glad that I have a friend like Cass, kahit ba mahirap lang ako at hindi nakakasabay sa sosyal ay gusto niya pa rin akong kaibigan, she's not really the kind of friend na 'pag mayaman sa mayaman lang.
Nagpaalam ako kay Mama na magkikita kami ni Cass, pinayagan naman niya ako. Nang makarating si Cass sa amin ay inaya niya pa ako sa Mall sabay bati sa baby ko na nasa tiyan ko pa lang pero napakadami na niyang daldal.
"Kapag girlalu 'yan gusto ko isasama mo sa 'kin 'yan, tuturuan ko mag make up 'yan at papagandahin ko!" masiglang sabi niya habang nagmamaneho.
"Ewan ko sa 'yo, bahala ka na dito may tiwala naman ako sa 'yo," natatawa kong sabi.
"So, ano na nga balita sa inyo ni sir John?" tanong niya.
Napabuntong hininga ako at kinuwento ang buong pangyayare.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
عاطفيةPUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...