Chapter 16

33.6K 791 99
                                    

Myra's P.O.V

Gabi na kami nakauwi at sobrang pagod ako, hindi ko alam kung bakit.

"Magpahinga ka na, magwawalis lang ako ng bahay," sabi ni John at lumabas ng kwarto.

Kumuha naman ako ng damit na pangtulog at dumiretso sa banyo. Naglinis ako ng katawan at nagbihis, naghilamos na rin ako at nag-toothbrush.

Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang cellphone ko, nagulat naman ako nang makita ko ang pangalan ni Nhel sa screen ng cellphone ko.

"Nhel," bulong ko at agad na sinagot ang tawag nito.

"Hello?"

Halos dalawang buwan na siyang walang paramdam sa akin.

"Nhel?" tawag ko rito pero walang sumasagot at tanging ingay lang ang naririnig ko tapos hindi ko pa maintindihan.

"Pre! Tama na 'yan," rinig kong boses ng lalake at alam kong hindi si Nhel 'yon.

Namatay naman ang tawag, gusto ko siyang makausap, parang sabik na sabik ako ulit sa kaniya.

Tumayo ako at lumakad papalapit sa bintana, tumingin ako sa langit at muling nakaramdam ng lungkot, naalala ko ang sinabi sa akin ni Nhel noong panahong maghihiwalay na kami ng landas.

"Ilang taon lang naman 'yon love, pagkagraduate natin magkakasama na tayo, oo wala pa tayong one year at nakakalungkot kase magcecelebrate tayo ng first anniversary natin ng magkalayo tayo, nasa vigan ako tapos nandito ka sa manila 'di ba? Ang layo," sabi ni Nhel sabay yakap saakin.

"Mamimiss kita ng sobra, ipangako mo sa 'king ako lang ha? Walang ibang babae," nangangamba kong sambit.

"Oo, mamimiss rin kita pero sa tuwing makakaramdam ka ng lungkot at pagkamiss, tingin ka lang sa langit, isipin mong kasama mo akong tinitignan 'yon dahil kung ano ang nakikita mo, nakikita ko rin kasi nasa iisang mundo lang tayo," sabi ni Nhel.

Nahinto ako sa pagiisip nang biglang mag-ring ulit ang cellphone ko.

"Nhel?" sagot ko rito.

"Myra-- I can't accept it love. Bakit gano'n? Ang tibay ng relasyon natin at lahat kinaya natin pero 'eto? Hindi ko 'to kaya, Myra," sabi ni Nhel habang rinig ko ang paghikbi nito.

"Sabi ko sa 'yo pre, 'wag na natin isama 'to sa inuman at 'yan lang ang gagawin niya kapag nalasing," rinig kong sabi ng isang lalake at may narinig pa akong nagtawanan.

Mukhang marami silang nag-iinuman, hindi naman dating ganito si Nhel, hindi siya umiinom dahil ayoko ng amoy ng alak.

"Myra, I still love you, pwede bang ibalik natin 'yung panahon na masaya tayo at wala kang iba?" sabi ni Nhel.

"Pre! Akina nga! Hello, Myra? Pagpasensyahan mo na 'tong tropa namin ha, kalimutan mo na 'yung sinabi niya," sabi ng isang lalake.

"Sabi ko sa 'yo 'wag mo na siyang guluhin dahil may pamilya na yung tao, ang dami-daming chikababes na nagkakagusto sa 'yo eh hindi ka mauubusan," rinig kong sabi pa ng isang lalake, sunod noon ay namatay na ang tawag.

Tama 'yon, I want you to be happy Nhel. Just love another girl and forget me. Hindi ko rin naman deserve ang patawad mo dahil I really cheated on you. Sobrang sama kong tao.

"I still love you too," sabi ko at nilagay sa dibdib ko ang cellphone at tumingin sa langit.

Ramdam ko ang luha kong wala nang ginawa kundi bumuhos, hindi ko mapigilan. Sobrang sakit, sobrang tanga ko. I lost everything just because I don't want to lose my career and my future. Pero parang imbis na gumanda, parang pumanget pa.

Nagulat naman ako sa pag-ring muli ng cellphone ko. It was Nhel again. I answered it at rinig ko ang pagtatalo ng mga lalaki niyang kasama.

"Myra! Please tell that you love me!" rinig kong sabi ni Nhel.

Mukhang hindi siya ang may hawak ng cellphone.

"Pag hindi ka tumigil isho-shoot ko sa pitsel ng alak 'tong cellphone mo pre," rinig kong sabi ng lalake, mukhang siya ang may hawak ng cellphone ni Nhel.

"Pre! Just let me talk to her! Hindi niyo alam yung nararamdaman ko! Yung taong mahal ko nabuntis ng iba putangina pare!" lalo akong napahagulgol sa narinig kong sinabi ni Nhel.

"Kaya nga! Buntis na nga 'di ba putangina gumising ka sa reyalidad!" rinig kong sabi pa ng isa.

"Bitawan mo 'ko!" sigaw ni Nhel.

"Tama na please, kung sino man kayo, alagaan niyo si Nhel dahil alam kong ako yung mali sa 'ming dalawa, gawin niyo lahat para sumaya siya para makalimutan na niya ako," sabi ko.

"Oo, gagawin talaga namin 'yon, siraulo ka eh sinaktan mo yung kaibigan namin," rinig kong sabi ng isang lalake.

"Gago ka ah! 'Wag mo sinasabihan ng ganoon yung girlfriend ko! Sasakalin kita diyan eh! Gago!" rinig kong sigaw ni Nhel.

"Tama na! 'Eto naman gago talaga babae 'yon ginaganon mo, tama na Nhel mag-move forward ka na at 'wag mo na siya balikan," rinig kong sabi ng isang lalake at muli, kasabay no'n ang pagpatay ng tawag.

Gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad sa kaniya.

"Tama na, Myra. Akala ko ba masaya ka na? Ang tagal-tagal na pero si Nhel pa rin?" rinig kong sabi ni John kaya hinarap ko ito at nagpunas ako ng luha.

"John," sambit ko.

"Magpahinga ka na," sabi nito at lumapit sa akin.

Pinunasan nito ang luha ko at inalalayan ako papunta sa kama saka niya ako pinahiga.

"'Wag ka na umiyak," sabi nito.

"I'm sorry, akala ko rin nakalimutan ko siya pero hindi," sabi ko at pumikit.

Naramdaman kong kinumutan ako nito at sinuklay nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Nakapikit lang ako at dinadama ang haplos nito sa akin. Para siyang si Mama noon kapag umiiyak ako dahil ganito rin ang ginagawa niya. Matagal na niya akong ginaganoon, gusto ko sana siyang tanungin kung hindi pa siya nangangalay pero nagsalita ito.

"Akala ko ako na, kasi ako 'yung nandito at ginagawa ko lahat para sa 'yo kasi nagbabaka-sakali ako na baka biglang lumambot 'yung puso mo sa 'kin, hindi naman kita pinipilit na mahalin mo rin ako, pero sana makalimutan mo na siya at matanggap mo ako, kami ng anak ko," rinig kong sabi ni John at naramdaman kong umalis ito sa tabi ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang lumabas ng pinto.

Tumingin ako sa orasan at mag-aalas-dose na pala, bumangon ako at sinilip siya, nakita ko siyang nagbukas ng alak mula sa ref at lumabas ito.

"I'm sorry kung nasasaktan kita habang nasasaktan rin ako," bulong ko.

Nakita ko itong palakad-lakad lang sa labas habang tinutungga ang bote ng alak. Bumalik na ako sa kama at nagpahinga na, I just wished na maging okay na lahat.

*********

Nagising ako nang makaramdam ako ng bigat sa ibabaw ko, dumilat ako at nakita ko si John na nakapatong sa akin.

"John," bulong ko.

"Myra, akala ko sa 'kin ka na pero hindi pa pala," sabi nito at sinubsob ang mukha nito sa leeg ko.

"Ang baho mo," sabi ko at nagtakip ng ilong, amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.

"Lasing ka ba?" tanong ko.

"Nakuha ko ang iniingatan mo, nakuha kita mula sa nanay mo, nakakasama kita sa iisang bahay, nakakasama kita maghapon, ako yung ama ng dinadala mong bata pero hindi ako yung mahal mo," sabi nito habang nakasubsob pa rin sa leeg ko.

"Tama na, mabigat ka," sabi ko at tinulak ko ito.

Napahiga siya sa tabi ko at nakita ko itong pumikit.

"Ang dami ko nang taong nasasaktan, pati yung bata na walang kalaban-laban sa tiyan ko nasasaktan ko rin," bulong ko at pumikit.

"Hindi ko rin kaya 'yung amoy mo," bulong ko kay John kaya bumangon ako at dumiretso sa sala.

Nahiga ako sa sofa at doon na nakatulog.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon