Myra's P.O.V
Excited na ako next next week! Alam niyo kung bakit? Dahil sa wakas ay Graduation Day na! Masaya ako dahil sigurado akong gagraduate ako, at sa June ay pwede na ako mag-start magturo.
"Beshy! Ang ganda natin!" Masayang sabi ni Cass at nag selfie-selfie kami.
Sobrang sarap sa feeling 'tong Graduation picture namin. Actually nandito kami sa salon at nagpaayos. Sobrang ganda ng make-up ko! Ngayon na lang ulit ako nagpa-make up ng bongga ng ganito. Huling make up ko noon ay nung nag JS prom kami at sobrang tagal na noon.
Nag-send naman ako ng picture ko kay Nhel.
Agad namang nag-reply si Nhel at binati ako na napakaganda ko raw, syempre sinong Girlfriend ang hindi kikiligin sa gano'n, hindi ba?
"Malapit na rin kami ikasal," sabi ko at ngumisi.
"Ede, sana all," sabi ni Cass at tumawa.
"Okay lang 'yan! Baka nga magulat ako mauna ka pa ikasal sa akin," pagbibiro ko.
"Awit! Lagot kay Daddy," sabi ni Cass.
Tumawa na lang ako nang maalala na strict nga pala ang parents ni Cass. Hindi tulad sa akin. Legal kami ni Nhel kay Mama at legal din kami sa side ng pamilya ni Nhel.
"Tara na sa school. Mag trycicle na lang tayo tutal parang walang taxi na dumadaan," sabi ni Cass.
Tumango lang ako at pumunta na kami sa school.
Nang makarating naman kami roon ay nakita naming madaming estudyante ang pak na pak sa ganda at gwapo dahil nga Graduation picture ngayon.
Tumingin ako sa pligid ko at nakita ko si sir John na nakatingin sa akin. Wait? Sa akin nga ba talaga?
Tumingin ako sa likod ko at chineck kase baka mamaya may iba syang tinitignan pero wala naman.
Pero pagtingin ko ulit sa pwesto ni Sir ay wala na ito.
"Huy! Para ka na namang minumulto!" sabi ni Cass sa akin.
"Eh, bakit ba?" sambit ko na lang.
Pumunta na kaming lahat sa pagpipicture-an at nakapila kami. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagpaplano kaming lahat na magpapa T-shirt daw kaming batch, syempre lahat sang-ayon doon.
"Ang ganda mo," kinilabutan ako sa boses na narinig ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Sir na sobrang lapit sa akin kaya napaatras ako.
"Nambola ka pa sir eh alam mo namang lagi akong maganda" masayang sabi ni Ara.
Napabuntong hininga naman ako dahil hindi pala ako 'yong kausap. Hay naku, Myra!
Agad naman akong lumakad papunta sa ibang direksyon para malayo kay sir at nung umalis na si sir ay saka pa lang ako bumalik sa pila.
Nang tumagal ay ako na ang pipicture-an.
"Yiiee ang ganda ni Myra," masayang bati ni Dave at ngumiti sa akin.
Natawa lamang ako sa kaniya at napailing sa pambobola niya.
Ngumiti na ako sa Camera at nang matapos ay napatingin ako sa malayo at nakita ko roon si Sir John na nakamasid sa amin. Pagkatapos ng photoshoot namin ay nakipag-text na ako kay Nhel dahil free time namin.
Pagkatapos naman ng Graduation Picture ng lahat ng estudyante ay pinauwi na kami.
**
Kinabukasan ay sabado, tumulong ako kay Mama na magbenta ng karne sa palengke. Ako ang nagkukwenta sa mga nagbabayad at nagsusukli.
"Sabi ko sa 'yo anak 'wag ka na sumama sa akin, tignan mo madudumihan ka lang," sabi ni Mama.
Umiling ako."Hay naku, Ma! Sanay naman ako dito, parang dati hindi kita tinulungan ditto," sabi ko.
"Kahit na ba! Dapat sa 'yo nasa bahay lang at nagpapahinga," ani Mama.
"Ha? Eh Mama naman, paano naman po kayo? Syempre hindi ko po hahayaan na kayo lang yung mapapagod. Dapat pareho tayo," sabi ko kay Mama at ngumiti.
"Ang swerte ko talaga sa 'yo anak," aniya.
"Ako din naman Mama, swerte sa inyo."
"Pabili po ng isang kilo nito," sabi ng customer na dumating.
Agad naman namin itong pinagbentahan. Maya-maya lang ay parang nahagip ng mata ko si Sir John. Pinikit-pikit ko ang mata ko at nawala ito. Siguro ay namamalikmata lang ako.
Bakit kaya palagi ko siyang nakikita? Simula noong may nangyari sa 'min lagi ko na siya nakikita kung saan-saan kahit wala naman talaga siya doon.
Nag-hahallucinate na ako, grabe!
"Anak, bumili ka muna ng bulaklak, pagkatapos nito ay pupunta pa tayo sa puntod ng tatay mo," sabi ni Mama.
Nang maalala ko ang petsa ngayon ay agad akong bumili ng bulaklak para kay Papa, dahil ngayong araw ang kamamatayan ni Papa.
Dumating ang hapon at nagtungo kami ni Mama sa simenteryo. Nagtulis kami ng kandila kay Papa at taimtim na nagdasal.
Kung nasaan man po ang Tatay ko, sana maging masaya siya. Lagi niya sanang tatandaan na mahal na mahal namin siya ni Mama.
Napangiti ako at hinawakan ang pangalan ni Papa sa lapida. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang may message sa 'kin si Nhel.
{Love? Busy ka po? Magpahinga ka ha. Wag magpapatuyo ng pawis.}
Agad naman akong nag-reply.
{Love nandito kami si puntod ni Papa, kamamatayan kase niya ngayon. Ikaw din Love magpahinga ka at wag magpapalipas ng gutom ha}
Ngumiti ako at inangat ko ang tingin ko sa bandang gate ng simenteryo at nagulat ako nang makita ko na naman si sir John na nakatayo roon. Kinusot ko ang mga mata ko, bigla siyang nawala. Para akong minumulto! Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi!
Umiwas ako ng tingin at bumalik sa posisyon na parang nagdarasal.
Jusko Lord bakit ako nagkakaganito?
"Myra, anak okay ka lang?" tanong ni Mama.
"Amen," banggit ko at nag sign of the cross.
"Okay ka na ba anak? Tara na umuwi na tayo baka abutan tayo ng dilim sa kalsada," sabi ni Mama at nagsimula nang maglakad.
Sinundan ko naman si Mama habang ka-text ko pa rin si Nhel.
{Pauwi na kami Love}
{Ingat kayo ha, nga pala next month pa yung graduation namin sabi ng prof.}
Kami nga next-next week lang tapos sila next month pa?
{Tagal naman. Pero pupunta ako} Reply ko.
"Anak bilisan mo maglakad mamaya ka na mag-cellphone, sumasakit na ang mga tuhod ko, gusto ko na mahiga sa kama," reklamo ni Mama.
Tinakbo ko naman ang distansya namin ni Mama saka ako kumapit sa braso niya.
"Imamasahe ko po kayo pag-uwi natin," sabi ko.
"Sige nga anak, salamat," sabi ni Mama at ngumiti sa akin.
Kahit parang multo ka Sir, thank you pa rin dahil ginagawa ko best ko para sa pamilya ko. Salamat pa rin sa pagpasa sa 'kin kahit sobrang halaga ng kapalit.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...