Myra's P.O.V
Ngayong araw ang pinakahinihintay namin. Ang Graduation day. Lahat kami ay naka-ayos, sobrang gaganda at gwapo ng batch namin.
"Grabe, sobrang sarap sa feeling na nakapagtapos na tayo!" sabi ni Hazel at ngumiti.
"Oo nga, kaso magkakahiwa-hiwalay na tayo," sabi ni Dave.
"Kaya nga dapat i-enjoy na natin bukas ng gabi," sabi ni Cass.
Bukas kase ng gabi ay may inuman kaming lahat batch 2019-2020.
"Tara selfie muna bago tawagin pangalan natin," sabi ni Paulo.
Nag-selfie naman kami at naghintay na tawagin ang mga pangalan ng section namin.
"Myraquel Gonzaga," sambit sa aking pangalan.
Tumayo na ako at narinig ko ang mga palakpakan, syempre scripted ang palakpak, sabi kase ni Sir ang hindi pumalakpak hindi gagraduate.
"Thank you po," sabi ko nang i-abot sa akin ng principal namin ang deploma ko.
Naglakad na ako pabalik sa upuan ko, pero bago pa man din ako makaupo ay nakaramdam ako ng hilo. Biglang umikot ang paningin ko kaya napahinto ako sa paglalakad at napahawak sa ulo ko.
"Huy? Okay ka lang?" tanong ni Cass at inalalayan ako sa pagupo.
"Anong nangyari?" tanong ni Dave.
"Nahilo lang ako," sabi ko at pinikit ang mga mata ko.
"Huy? Okay ka lang? Ano ba nangyari?" tanong ni Hazel.
"Ok lang ako guys," sagot ko.
"Uminom ka muna ng tubig," sabi ni Cass at inabutan ako ng tubig.
"Magpahinga ka muna diyan," sabi ni Cass at hinimas ang likod ko.
"Mawawala rin 'to."
Sumasabay lang ako sa palakpak sa kada tatawaging estudyante pero iniinda ko pa rin ang hilo at sinabayan pa ng sakit sa ulo.
**
Natapos ang seremonyas naming lahat at graduated na kami. Cinongrats namin ang isa't isa at nag-selfie-selfie.
"Nakakainis nag-delay na naman ako," kwento ko kay Cass.
"Ganiyan din ako minsan, irregular e," sabi ni Cass.
"Ako kase regular naman, ewan ko kung bakit ngayon hindi na," sabi ko.
"Jusko, usapang regal," natatawang sabat ni Dave.
"Chismoso ka talaga!" iritang sambit ni Cass at binatukan si Dave.
"Hay naku, baka magkatuluyan kayo niyan," biro ko at tumawa.
"Yuck, 'wag na," sabi ni Cass at umirap.
Napailing na lang ako sa dalawang 'to. Pinuntahan ko si Mama na nasa Canteen at bumibili ng pagkain niya, nanood kase siya sa graduation ko. Pagkatapos ay sabay na rin kaming umuwi.
***
Kinabukasan ng gabi ay ang celebration ng batch namin. Suot namin ang pinaprint na Tshirt kung saan magkakamukha kaming lahat. Pati si sir John ay sumali at sumama sa amin dahil supervisor namin siya.
Habang nanonood ako sa mga kaklase ko ay nag-vibrate ang cellphone ko.
{Ingat ka ha, bawal ka uminom hanggat hindi pa ako yung nakakasama mo. Umuwi ka rin agad at itext mo ako. Mag OT ako dito sa part time job ko para dagdag sweldo, I love you}
Agad naman akong nag-reply sa message ni Nhel.
{Sige Love, ikaw din bawal uminom ha at saka wag ka masyado magpagod diyan baka naman hindi ka na kumakain kakaipon mo. Text kita mamaya ha. I love you too}
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...