Chapter 8

56.8K 1K 177
                                    

Myra's P.O.V

I'm happy for my soon to be child. Syempre anak ko 'to, magkaka-anak na ako. Pero nandito pa rin 'yong guilt sa puso ko na alam kong mali at pagkakamali 'to--But no, kagaya ni Mama, mamahalin ko rin ang magiging anak ko.

Nandito kami ngayon sa Ob-gyne.

OB means (An obstetrician-gynecologist, or OB-GYN, has expertise in female reproductive health, pregnancy, and childbirth)

I'm laying down in the hospital bed and watching my little child on the monitor or screen.

Kahit para lang siyang bean, sobrang saya ko na. Isn't it amazing? May nabubuhay sa loob ng tiyan ko na bata, sana maging babae siya.

"This is your first trimester, Misis? What's your last name? Or what should I call you?" tanong sa akin ng Doctor habang iniikot-ikot pa rin sa tyan ko ang transducer.

"Myra na lang po, saka po, Miss lang not misis," sabi ko.

"Soon to be Mrs. Gatchalian pa lang po,"nakangiting sabi ni Sir John.

Napatingin naman ako sa kaniya at nang tumingin ito sa akin ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Love naman nagsusungit ka na naman," natatawang sabi ni Sir John sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa inasta niya, kahit kalian ay hindi ko pa siya narinig na magsalita nang malambing na boses ang gamit.

"Mr. Gatchalian, ganiyan talaga kapag buntis, lalo na at bago pa lang. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na kailangan niyong magtimpi kay Miss Myra, dahil first trimester pa lang ay makakaramdam siya ng pagbabago sa sarili niya which can cause to her na maging sensitive siya, sometimes moody. It is normal naman, patience lang," sabi ni Doc. kay sir John.

Nakangiti naman si Sir na tumango kay Doc.

Hala? Bakit siya masaya? Hindi ba dapat namomroblema siya ngayon dahil may bata na siyang kailangan sustentuhan? Hello? Unwanted pregnancy here!

"Also, kailangan niya mag-ingat lalo na at fetus pa lang ang baby niyo. Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat na bagay na maaring mag-force sa tummy niya," sabi ni Doc.

"Noted, thank you po," sabi ni sir John.

Teka, bakit ang bait niya? Sobrang polite ng pagkakasalita kay Doktora. May gusto ba siya sa doktora na 'to? Although may itsura siya at mukhang may edad na rin.

Sabagay matanda na rin naman 'tong si Sir, para sa akin Tito na siya, paglabas ng anak ko pwede nang lolo ang tawag niya kay Sir.

"Okay na, kailangan ko munang ibigay ang reseta niyong vitamins para sa baby at kay Miss Myra, sa botika sa baba niyo na lang kuhanin, okay?" ani Doktora.

"Okay po, thank you," sabi ko.

Umalis na si Doktora at ako naman ay pinunasan ang tyan ko na napuno ng gel.

"Ano? Ba't ang bait mo?" mataray kong tanong kay sir John.

"Bawal ba maging mabait ngayon?" pamimilosopo nito.

"Hu! Ang sabihin mo, type mo 'yong doktora kaya ka nagiging mabait may pa noted-noted ka pa, landi nito," sabi ko at tumayo na, naglakad na ako palabas at pumunta sa office ni Doktora Sanchez.

"Hoy Myra! Teka!" tawag sa akin ni Sir pero hindi ko siya nilingon.

"Myra!" tawag nito sa akin at hinawakan ako sa kamay.

Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.

"Miss kilay, kanina pa 'yang kilay mo sobrang taray," sabi nito.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon