Chapter 15

36.9K 885 150
                                    

Myra's P.O.V

Habang nag i-iscroll ako sa newsfeed ko sa facebook, bumungad sa akin ang trailer ng frozen 2. Pinanood ko ito at natuwa ako.

"Hala! Gusto ko manood!" sabi ko at kinuha ang wallet ko.

"Meron pa kaya?" bulong ko at binuksan ito.

Napasimangot naman ako dahil wala itong laman kahit barya, puro resibo ng kung ano-anong binili ko dati.

"Aanhin ko resibo? Kainis! Ang hirap ng walang pera bwisit!" inis kong sambit at nahiga sa kama saka tumingin sa kisame.

Sumasama ang loob ko, gusto ko talagang manood no'n. Nahihiya na ako kay John, ang dami ko nang utang sa kaniya baka sabihin niya inaabuso ko na siya.

Pero gusto ko talaga manood, wala naman akong nakita sa social media na full movie noon, bago pa lang kasi. Nakakainis! Gusto ko talaga manood.

"Sumasama talaga loob ko sa 'yo Elsa at Anna, gusto ko kayo mapanood mukhang maganda eh, sikat at trending," bulong ko at napaluha na sa sama ng loob.

*******

John's P.O.V

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kwarto, nakita ko naman si Myra na nakahiga at nakatitig sa kisame habang umiiyak.

"Myra!? Anong nangyare sa 'yo? May masakit ba sa 'yo?" nagaalala kong tanong at nilapitan ito.

Hinawakan ko ang noo nito at tinignan kung mainit ba siya pero hindi naman.

"Myra? Magsalita ka naman, bakit ka umiiyak?"

"Wala lang," sabi nito, napahawak naman ako sa sentido ko dahil sa kaniya.

"Santa Maria ina ng diyos," dasal ko.

"Nakakainis kasi," bulong ni Myra at tumingin sa akin.

"Don't stare at me with your eyes like that, you're cute," sabi ko at pinunasan ang luha ni Myra.

"Tsk, Waaaahh!" sigaw ni Myra.

"Teka! Bakit ba kasi? Ano problema mo?" tanong ko, pero tinitigan lang ako nito.

"Stop being a stubborn woman, just tell me, ano nga kasi?" tanong kong muli.

"Gusto ko sana manood ng Frozen 2 sa sinehan kaso wala na akong pera eh wala pa akong trabaho, nakakahiya na kase sa 'yo," sabi ni Myra at napayuko.

Natawa naman ako sa kaniya.

"So, nagtatrantums ka dahil doon?" tanong ko.

"Oo, ganoon na nga," sabi nito at niyakap ang unan.

"'Wag ka na magpa-cute, panalo ka na, tara na manonood tayo. Magbihis ka na," sabi ko.

"Talaga ba?" tanong ni Myra.

"Oo," sabi ko.

"Yes!" masayang sabi ni Myra at kumuha na ng damit niya.

Kumuha naman ako ng damit na susuotin ko at pumunta sa CR para magbihis.

Grabe siya, hindi pa ba talaga siya komportable sa 'kin? Bakit kailangan pa niyang maging parang bata na inagawan ng candy, jusko.

"Tara--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Myra na walang damit at walang shorts. Naka-panty at bra lang siya at nakatalikod sa akin.

"Shit," bulong ko at tumalikod.

"WALA NA AKONG DAMIT!" rinig kong sigaw ni Myra kaya nilingon ko siya. "Naiirita niyo ako mga damit! Pinapainit niyo ulo ko!" Hinagis niya ang mga damit na ayaw niya.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon