Myra's P. O. V
Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw, napairap ako dahil sa kainisan. Kailangan ko pa rin pumunta sa skwelahan. Tatayo na sana ako pero saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Nhel, masigla ang awra niyang nakangiti sa akin.
"Nhel," tawag ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga ko.
"Dahan-dahan," sabi nito sabay alalay sa akin.
"Salamat, ang hirap na. Laki na ng pakwan ko," natatawa kong sabi.
"Gano'n talaga, pero kaya mo naman 'yan. Ikaw pa ba?" nakangiti niyang sabi.
Napuno ng galak ang puso ko, matagal ko siyang hindi nakita. Aaminin kong ganito ang pangarap ko para sa amin. Yung aalalayan niya ako kapag buntis na ako at palagi siyang nasa tabi ko. Ang kaso, hindi naman siya ang ama ng dinadala ko.
"Tara na ba?" tanong niya.
"Oo. Maaga ako gumayak, humiga lang ako saglit kase sumasakit na yung balakang ko," sabi ko at dahan-dahang naglakad papunta sa bag ko. Nasa loob noon ang mga kailangan para sa aapplayan ko.
"Dahan-dahan," sabi niya sabay offer ng braso niya.
Napangiti ako, pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya. Kinuha niya ang bag na hawak ko.
"Dapat siguro may folding bed ka, mahirap humiga sa matigas na kawayan," sabi niya sa akin.
Napayuko naman ako, wala akong choice, iyon lang ang meron kami.
"Ahh--- okay lang naman," sabi ko.
"Ibibili kita sa sweldo ko next month," sabi niya dahilan para mapangiti ako kahit nahihiya ako na gawin niya 'yon.
He's caring. As usual.
Dumating ang grab na tinext niya. Sumakay kami roon, bago isarado ni Nhel ang pinto ay napatingin ako sa kotseng naka-park sa gilid ng tindahan. Kamukha iyon ng kotse ni John.
Napabuntong hininga ako, pakiramdam ko ay namimiss ko rin siya, ngayon hindi ko na alam kung ano bang dapat na gawin ko. Nasaktan niya ako ng sobra. Masama ang loob ko sa kaniya, pero hindi ko mapagkakaila na minsan ko siyang minahal at siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.
Ilang minuto ay nakarating na kami sa skwelahan, si Nhel pa ang nagbayad sa sinakyan namin. Gusto ko mang mag-share pero ayaw niya. Big time na talaga siya ngayon. Sana maging ganoon rin ako.
Sinamahan ako ni Nhel sa principals office para makausap ang may-ari ng school.
*********************
John's P. O. V
The way she smile with that man. All I can feel is jealous. How can she be so happy with that fucking man! I hope she can be so happy when she's with me.
Biglang tumawag ang co-teacher ko na si Samantha.
"Yes?"
"Sir, sinend ko na sa 'yo yung list ng students mo," sabi niya sa akin.
Bigla akong napaisip nang makitang huminto sila sa isang private school. Dito ako nagtrabaho noon bago ako makakuha ng License Professional Teacher.
"Sige, thank you. I gotta go," sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag.
Nag-park ako sa isang tabi at saka naglakad papunta sa skwelahan. Alam kong iisa lang ang pinunta ni Myra dito, kailangan niya ng trabaho.
"Sir!" nagulat ako sa bati ng gwardiya.
"Eric?"
"Opo sir! Kamusta? Bakit napadalaw kayo rito?" tanong niya.
"Kakamustahin ko lang si Joseph," sabi ko at ngumiti. Tumango naman ito kaya pumasok na ako.
Nilibot ko ang panangin ko, hindi pwedeng makita ako ni Nhel na narito ako. Kailangan ko lang ay si Myra, kailangan ko mabawi ang mag-ina ko.
Bigla ko namang nakita si Myra na nagmamadaling naglalakad sa hallway. Tumingin ako sa principals office. Naroon si Nhel at nakaupo, kita kong kinakausap niya si Joseph. Patakbo kong hinabol si Myra. Pero napahinto ako nang pumasok siya sa ladies room.
"I'm her husband, it's fine," bulong ko saka pumasok sa banyo.
"Nakakainis na! Ihi dito! Ihi do'n! Kailangan ko na ba mag-diaper anak!?" rinig ko ang boses ni Myra mula sa isang cubicle na nakasarado ang pinto.
Tumayo ako sa tapat ng cubicle kung saan siya naroon. Inuntog ko ang ulo ko sa cubicle at hindi ko napigilang hindi mapaluha. Nasa loob nito ang mag-ina ko. Sa wakas, malapit na ulit ako sa pamilya ko.
"Nhel? Ikaw ba 'yan? Wait lang ah!" sabi ni Myra.
Nanatiling nakadikit ang noo ko sa pinto ng cubicle. Si Nhel na naman. Palagi na lang ang lalakeng 'yon. Ginawa ko na lahat para mapasa 'kin siya. Hindi ko akalain na si Nhel pa rin. Sa ilang buwang magkasama kami, minahal niya kaya ako? O mahal niya lang ako dahil ako ang kasama niya?
Napatigil ako sa pag-iisip nang bumukas ang cubicle.
"Sorry--- SHIT!" sigaw ni Myra at napahawak sa bibig niya nang makita niya ako.
"Myra...." bulong ko at dahan-dahang pumasok sa cubicle.
"John...." rinig kong sabi niya at nakatitig lang siya sa mga mata ko.
I chuckled and put my chin on her shoulder.
"Si Nhel pa rin? Paano naman ako?" napipiyok na ang boses ko, pinipigilan kong hindi maiyak para makausap ko siya ng maayos.
"John... I'm sorry," she said.
I hugged her, hindi naman siya nagpumiglas. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at dahan-dahan niya itong tinapik.
"Nahihirapan din ako," her voice broke when speak.
Lalo akong nanlumo at nanghina.
"Minahal mo ba ako?" tanong ko.
"Oo, John," I smiled when I heard her answer.
"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit wala tayong anak? Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon kahit na hindi kita nabuntis? Titira ka ba sa bahay ko kahit hindi kita binagsak sa demo?" sunod-sunod kong tanong.
Naramdaman kong nabasa ang balikat ko, rinig ko ang mahihina niyang hikbi.
Dahan-dahan akong natawa. Bumitaw ako sa yakap at saka hinarap siyang umiiyak.
"You won't, will you?" natatawa kong tanong.
Dinadaan ko na lang sa tawa dahil sobrang sakit. She's the only family that I have but then nawala pa siya.
"I'm sorry kung ginawa ko 'yon. I'm so obsessed, that's the only option I have to get you. Without any hesitation because... I'm the father of your child," malungkot kong sabi.
Wala siyang imik at patuloy lang sa pag-iyak. Bigla kong naaalala na buntis siya.
"Sshhh... I didn't mean to stress you, I'm sorry," pagpapakalma ko sa kaniya at saka siya niyakap.
"I'm also in pain. You manipulated me. Pakiramdam ko ninakaw mo yung buhay ko," sabi niya.
"I'm sorry," tangi kong nasabi.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at saka umatras, dahan-dahan akong lumuhod at yumuko.
"Forgive me," I said while crying.
"I-I can't," nauutal niyang sabi.
Nakita ko ang mga paa niyang lumakad palayo, napalunok ako nang maiwan akong mag-isa.
She really left me.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...