Chapter 45

19.7K 634 142
                                    

John's P. O. V

Paggising ko ay wala na si Myra sa tabi ko. Tumingin ako sa wallclock.

"9 AM na?" bulong ko at kinusot ang mga mata ko.

Bigla kong naalala yung sing sing. Pwede na kami mag dinner ulit at mag propose ako sa kaniya.

Tinignan ko sa cabinet ang coat na sinuot ko noong gabing mag popropose sana ako pero wala doon.

"Shit, oo nga pala binagsak ko dito-" tumingin ako sa study table.

Biglang gumuho ang mundo ko.

"Patay! Baka makita ni Myra 'yon!" bulong ko.

Nagsuot ako ng T-shirt, pumunta ako sa kusina at tinignan ang basket ng maduming damit namin. Napanganga ako nang makitang walang laman iyon.

"Oh? Gagamit ka ba ng banyo?" tanong ni Myra at lumabas sa banyo.

Napalunok ako. Kabadong-kabado na ako, hindi kaya nakita na niya at nagkukunwari lang siyang hindi niya alam?

"M-may nakita ka sa coat ko?" nauutal kong tanong.

"Coat? Alin ba? Yung black?" tanong niya at kumuha ng tubig sa ref.

"Oo oo! 'Yon! Nasaan 'yon?" balisa kong tanong.

"Ahh... Nasa laundry na---"

"ANO!?" sigaw ko at napaluhod.

"Hala! Bakit? May lamang pera ba 'yon? Hala!" aniya.

Tinignan ko siya, so hindi niya pa alam.

"Sorry, John! Tulog ka pa kase kanina! Holiday ngayon wala tayong pasok at saka hindi ko kayang maglaba dahil nga buntis ako at si Mama nagpunta--" hindi ko na siya pinatapos sa pagpapaliwanag.

"YAAAAWAAA!" Sigaw ko at nagmala narutong tumakbo papalabas ng bahay.

Nasa kanto ng subdivision namin ang laundry, napakalapit lang.

"JOHN!" sigaw ni Myra pero hind ko siya pinansin at nagtatatakbo papuntang laundry.

"Kuya John--" babatiin sana ako ng anak ng may-ari ng laundry shop pero agad akong nag-tresspas at pumasok sa loob ng laundry nila.

"NASAAN YUNG DAMIT NA BINIGAY NI MYRA!?" hiyaw ko at tinignan isa-isa ang mga supot na naroon.

"IHO! ANO KA BA!" sigaw ng isang matanda sa akin.

"PASENSYA NA PO! MAY HINAHANAP LANG PO!" hiyaw ko habang patuloy sa paghahalughog.

"Si Myra? Yung babaeng buntis?" tanong ng anak ng may-ari.

Agad akong tumango.

"Nakasalang na sa washing machine, bakit---"

Agad akong nagtatatakbo sa mga washing machine at binuksan iyon kahit umaandar pa. Biglang tumalsik sa mukha ko ang tubig na may bula dahil sa pag ikot ng tubig sa washing machine.

"Peste!" bulong ko at agad na hinila ang mga damit. Hinahanap ko ang coat ko.

"NASAAN NA 'YON!?" sigaw ko habang patuloy sa paghalukay sa washing machine.

Nag ning-ning ang mga mata ko nang makuha ko ang coat ko. Agad kong tinignan ang bulsa at muli akong kinabahan nang wala itong laman.

"JOHN! ANO KA BA!?" rinig kong sigaw ni Myra, bakas sa boses niya ang galit.

"Fuck... Baka nahulog," bulong ko at muling hinalukay ang washing machine.

"John, 'eto ba hinahanap mo!?" sigaw saakin ni Manang Felli na may-ari ng Laundry shop.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon