Chapter 47

19.6K 590 79
                                    

Myra's P. O. V

Halos ma-ihi ako sa kaba. Nangangatog ang buong katawan ko. Rinig na rinig ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Narinig ko na ang pagtugtog ng isang kanta. Hudyat nito ang pagbukas ng pinto ng simbahan.

Wise men say

Only fools rush in

Ngumiti ako sa Photographer na nasa harapan ko. Nang umalis na siya ay nagsimula na akong maglakad papunta kay Mama.

"Ganda ng anak ko," aniya. Pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya.

Naglakad na kami.

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Nakatitig lang ako kay John na ngayon ay abot langit ang ngiti niya na malapit sa altar. Gusto kong maiyak. Sobrang saya ng puso ko although kabado ako dahil madaming tao ngayon.

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Nang tuluyan na kaming makarating kay John ay nagmano ako kay Tito at Tita, samantalang si John ay nagmano kay Mama.

"You're stunning!" masayang sabi ni Tita Criselda.

Ngumiti ako.

Like a river flows

Surely to the sea

Pinresenta na ni John ang braso niya sa akin. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko," aniya.

"We? Hindi ako naniniwala," biro ko at naglakad na kami patungo sa altar.

Darling, so it goes

Some things are meant to be

Tumayo kami sa harapan ng pari. Napabuntong hininga ako at pinigilan ang kaba ko.

Take my hand

Take my whole life too

"Ngayon ay matutunghayan natin ang pag-iisang dibdib nina, John Gatchalian at Myraquel Gonzaga," sabi ng pari.

For I can't help falling in love with you

Like a river flows

Naiilang akong napatingin sa photographer. Si Kuya naman, baka mamaya panget yung stolen ko!

Surely to the sea

Darling, so it goes

"Ayon sa bibliya...."

"Pagbibigyan mo ba ako mamaya?" halos matawa ako sa tanong ni John.

"Shh!" sita ko sakanya at pinanlakihan siya ng mata.

Tinuon na namin muli ang pansin kay father na patuloy lamang sa pagsesermon tungkol sa mag asawa na nakasulat sa bibliya.

Nang matapos ay pinatayo na kami.

"John Gatchalian, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Myraquel Gonzaga,

na maging kabiyak ng iyong puso,

sa habang buhay,

sa hirap at ginhawa,

sa sakit man o kalusugan,

at mamahalin mo siya

sa habangbuhay,

gaya ng sagradong utos ng Panginoon?" tanong ng pari.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon