Chapter 48

19.9K 634 96
                                    

John's P. O. V

4 MONTHS LATER

Nagbibihis na ako ng uniform para maghanda nang pumasok sa trabaho ko. Inayos ko pa muna ang kama na gusot gusot ang bed sheet at nakakalat ang unan. Tiniklop ko pa ang kumot.

"Nagiging tamad na nga..." bulong ko habang nag-aayos.

Simula nang mag maternity leave si Myra ay nagiging tamad na siya dito sa bahay, puro ako. Maski ang pagkuha ng tubig, sa akin pa. Yung tipong matutulog na ako pero uutusan niya pa akong masahihin ang binti niya kahit maghapon lang siyang nakaupo.

"JOHN!" napapikit ako nang marinig ko na naman ang boses ni Myra.

Heto na naman siya...

"IPAGHIWA MO NGA AKO NG WATERMELON!" sigaw niya mula sa sala.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko namang nag ce-cellphone lang si Myra pero nakabukas ang TV.

"Nanonood ka ba?" tanong ko.

"Oo," sagot niya pero nakatuon pa rin ang pansin sa cellphone.

Napakibit balikat na lang ako at kinuha ang pakwan sa ref, hiniwa ko iyon.

"Shit," bulong ko nang matuluan ng katas ang damit ko.

Napabuntong hininga ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Magbibihis na naman ako!

"John?" tawag muli ni Myra.

Napahawak ako sa ulo ko. Heto na naman siya...

"Yes, mahal ko?" tanong ko at pinagpatuloy ang paghihiwa ng pakwan.

"JOHN!" bigla siyang sumigaw.

Akala mo bang inaatake siya ng Zombie.

"Bakit? Ano iuutos mo?" tanong ko.

Nilagay ko na sa plato ang pakwan.

"INUUTUSAN KITANG DALIN MO KO SA HOSPITAL NGAYON NA!" sigaw niya.

Para bang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya.

"ARRGGHH!" hiyaw niya sa sakit.

"Shit!" bulalas ko at natatarantang kinuha ang susi ng kotse.

"MYRA! MANGANGANAK KA NA BA?!" tanong ko at kinuha ang bag na gamit ng baby.

"OBVIOUS BA!? PUMUTOK LANG NAMAN PANUBIGAN KO! PAKIRAMDAM KO MAY LALABAS NA!" sigaw niya dahilan para lalo akong mabalisa.

Tumakbo ako sa kotse at binuksan ang gate. Hinagis ko sa likod ang bag ng baby namin at agad na binalikan si Myra.

"WAIT WAIT!" hiyaw ko.

"PUTANGINA ANG SAKET! WALANG WAIT WAIT! ANO!? SASABIHIN KO SA BATANG TO WAIT LANG 'WAG KA MUNA LUMABAS!?" sigaw ni Myra.

Binuhat ko na siya at agad na sinakay sa kotse. Sa sobrang kaba ko ay parang nakalimutan ko na kung paano magmaneho.

Halos pagewang-gewang ang pagmamaneho ko at panay ang busina para tumabi ang mga tao at sasakyan.

"JOHN AYUSIN MO! BAKA HINDI TAYO MAKARATING SA HOSPITAL!" sigaw ni Myra.

"SORRY BOSS MANGANGAK NA MISIS KO!" sigaw ko sa isang trycicle driver na nabwisit dahil sa pag-overtake ko.

"AAARRGHHH!" sigaw ni Myra dahilan para mapa apak pa ako sa gas ng sasakyan.

Nakarating kami sa hospital at mayroon namang nurse sa labas na agad kong tinawag. Sumaklolo naman sila kaagad at inihiga sa hospital bed si Myra.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon