Myra's P. O. V
Kakatapos ko lang magbihis, nagsusuklay ako ng buhok ko, biglang sumagi sa isip ko si Nhel. He used to brush my hair for me. Ayos lang nandito naman si John para gawin iyon.
"Mama? Saan kayo galing?" tanong ko kay Mama nang pumasok ito sa bahay habang may bitbit na plastik.
"Bumili ako ng bigas! Aba'y wala na pala kayong stock riyan! Ere at may frozen foods pa akong binili!" sabi ni Mama habang nag-aayos ng binili niya.
"Mama! Baka mapaano pa kayo eh!" sabi ko.
"Anak! Malakas na ako. Nandito ka naman at magkaka-apo na ako kaya kailangan talagang lumakas ako para mabuhat ko ang batang 'yan," nakangiting sabi ni Mama sa akin.
"Mama talaga!"
Niyakap ko siya at hinawakan naman ni Mama ang tiyan kong nakaumbok.
"Lumaki na ang mukha mo, siguro alagang-alaga ka ni John," sabi ni Mama kaya napasimangot ako.
Ganoon na ba talaga ang tinaba ko kaka-kain?
"Nasaan nga pala si John?" tanong sa akin ni Mama.
"Pumasok na sa trabaho, kailangan daw sila," sabi ko at tinulungan si Mama maglagay ng pagkain sa ref.
"Tao po?!" rinig kong sigaw ng babae mula sa labas.
Akmang lalakad na si Mama, pero hinawakan ko ang braso nito.
"Ako na, Ma," sabi ko at tumango naman si Mama.
Naglakad ako papunta sa pinto at pagbukas ko ay nakita ko ang kaibigan ni John na si Karilyn.
"Ahh--Wala si John eh," sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.
"Mas mabuti kung ganoon! Ikaw talaga ang pinunta ko!" nakangiting sabi nito sa akin.
Napakunot naman ang noo ko, parang ayoko pagkatiwalaan ang babaeng 'to may bad vibes na nafefeel ko mula sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko.
"Pwede ba ako pumasok?" tanong niya.
Wala naman akong nagawa dahil ayoko magmaldita sa kaniya at baka magmukha pa akong masama, pinapasok ko na lang siya at naupo kami sa sofa.
"Look, I'm not here to make any trouble to you and John. I'm a woman too, at kapag narinig mo to, baka sumama ang loob mo or what. Feeling ko kase dapat mo 'tong malaman," sabi ni Karilyn at hinawakan pa ang kamay ko.
Na-curious naman ako.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"It's about John. Accidentally kong na record ang sinabi niya nung isang araw sa akin noong lumabas kami," sabi niya ay nilabas ang cellphone niya.
"Parinig?" tanong ko, tumango naman siya at tinodo ang volume ng cellphone niya.
"So, what? Spill it," boses iyon ni Karilyn.
"Pinlano ko 'yon, lahat-lahat," napakunot ang noo ko sa sinabi ni John.
"Anong plano?" tanong ni Karilyn.
"I like her for 3 years na teacher lang ang tingin niya sa akin, pero may boyfriend siya noon kaya I need to do something para mapaalis yung lalakeng 'yon sa kaniya, hindi ko naman siya maligawan dahil ayokong maawkward siya sa pag-aaral niya. She's so smart pero napabigay ko siya, pinlano kong ibagsak siya sa Demo para lumapit siya sa 'kin at humingi ng tulong, I said kapag nakipag-sex siya sa 'kin ipapasa ko siya, sabi ko I'm not gonna get her pregnant. But my goal is to get her pregnant para mapasa 'kin siya ng tuluyan, I've waited for so long. Sa wakas nagwagi din ako."
Napatigil ang mundo ko nang ilang minuto sa napakinggan ko.
"See? Do you think he really love you? Bakit niya ginawa 'yan sa 'yo?" tanong ni Karilyn sa akin.
"Bakit--bakit pakiramdam ko sex lang ang hinabol niya sa 'kin..." malungkot kong bulong.
"Exactly! Ang tunay na pagmamahal hindi 'yon nasa kama!" sabi ni Karilyn.
"EH LOKO PALA ANG LALAKENG 'YAN! NASAAN 'YANG SI JOHN!" sigaw ni Mama.
Agad akong umiling kay Mama para tumigil siya. Napabuntong hininga ako. Kung sana hindi sa ganoong paraan ang ginawa ni John.
"Ano? Hahayaan mo na lang ba na ganoon?" tanong ni Karilyn.
Napaluha naman ako.
"I broke up with my boyfriend Nhel, I sacrifice my plans in life para sa batang 'to." bulong ko at hinawakan ang tiyan ko.
"See? He ruined everything," sabi ni Karilyn.
"Bakit... Bakit niya nagawa 'yon?" bulong ko habang umiiyak.
Nilapitan ako ni Mama at niyakap ako.
"Mama..." bulong ko habang umiiyak. "Sorry po," dagdag ko pa.
"Anak—shhh," bulong ni Mama habang hinahagod ang likod ko.
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ni John, for him to do that," sabi ni Karilyn at tinuro ang tiyan ko.
"Ang--ang dami kong plano.. P-para sa 'min ni Mama, sabi ko kapag nakatapos ako ay magtatrabaho ako para mabilhan ko siya ng sariling lupa at bahay, para hindi na kami nakatira sa skwater area na iyon. Nangako ako kay Mama na magsisikap ako para makapag-ipon, pero hindi ako nakapagtrabaho dahil nabuntis ako! Si Nhel! Mahal na mahal ko 'yon, sobrang mahal ko siya! Pero nirespeto niya yung pagkababae ko, sa tagal naming magkarelasyon ay hindi niya ako ginalaw kahit kelan. Hindi ko akalain na naibigay ko ang virginity ko ng ganoon kadali. Kapag hindi ko ginawa 'yon ay maghihirap kami ulit ni Mama," sabi ko habang patuloy pa rin sa pagluha.
"Sayang kayo ng Ex mo, I think he really deserves you," sabi ni Karilyn.
"I know... I know... Pero sinubukan kong mahalin si John alang alang sa batang dinadala ko, pero ganito pala." Pinunasan ko ang mga luha ko. "Bigyan mo ako ng copy niyan, please," sabi ko kay Karilyn.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinend niya sa akin ang copy ng voice record.
***********
Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin sa pinto, mugto pa rin ang aking mga mata. Narinig ko ang kotse ni John na pumasok sa garahe ng bahay. Hinintay kong pumasok si John.
"Asawa ko! Bakit--" bungad sa akin ni John pero napatigil siya nang tumayo ako at masamang tinignan siya.
"Mahal? Bakit-yung mata mo." Turo nito sa mata ko at akmang lalapitan ako pero umatras ako sa kaniya.
Binuksan ko ang cellphone ko at pinatunog ang recording..
"So what? Spill it."
"Pinlano ko 'yon, lahat-lahat."
"Anong plano?"
"I like her for 3 years na teacher lang ang tingin niya sa akin, pero may boyfriend siya noon kaya I need to do something para mapaalis yung lalakeng 'yon sa kaniya, hindi ko naman siya maligawan dahil ayokong maawkward siya sa pag-aaral niya. She's so smart pero napabigay ko siya, pinlano kong ibagsak siya sa Demo para lumapit siya sa 'kin at humingi ng tulong, I said kapag nakipag-sex siya sa 'kin ipapasa ko siya, sabi ko I'm not gonna get her pregnant. But my goal is to get her pregnant para mapasa 'kin siya ng tuluyan, I've waited for so long. Sa wakas nagwagi din ako."
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
Storie d'amorePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...