Myra's P. O. V
Kinabukasan, sinamahan na ako ni John sa Mama ko, balak na naming sabihin ang lahat, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkagulo pero bahala na, ang importante wala na akong tinatago.
"Dito ka nakatira 'di ba?" tanong ni John at hinawakan ang kamay ko.
Tinignan ko naman siya, parang gusto ko pang mag back out na lang.
"Kaya natin 'to, handa kong saluhin lahat ng responsibilidad," sambit nito at ngumiti.
Napabuntong hininga lamang ako at pumasok na kami sa bahay ni Mama. Maayos naman ang lahat, nakita ko si Mama sa kusina at naghuhugas siya ng plato.
"Mama," sambit ko, agad naman itong napalingon sa akin. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Magandang araw ho," sabi ni John.
"Myra?" ani Mama at lumapit sa akin na para bang hindi siya makapaniwala.
"Mama may kai----" napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang palad ni Mama sa aking pisngi.
"UMALIS KA BA PARA MAGPABUNTIS?!" sigaw ni Mama.
Hinawakan ako ni John at pinaatras ako nito, lumakad si John papunta sa Mama ko.
"Ako na lang ho ang saktan niyo, ako po ang nakabuntis---" hindi na rin natuloy ang sasabihin ni John dahil nagulat ako nang sampalin din ni Mama si John.
"EH GAGO KA PA LANG LALAKE KA?! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?! HINDI PA KAMI NAKAKAAHON SA HIRAP! PERO TIGNAN MO! SINISIRA MO ANG BUHAY NG ANAK KO?!" sigaw ni Mama at nagulat pa ako nang bigla niyang hinagis ang picture frame sa tabi niya.
"Mama..." bulong ko at tuluyan nang napaluha.
"Hindi kita pinagtapos ng pag-aaral para lang magpabuntis, hindi ako gumapang sa hirap para lang magpabuntis ka!" sabi ni Mama.
"Tita, patawarin niyo ho ako, sa 'kin ho kayo magalit--" muling sinampal ni Mama si John. Agad akong lumapit kay John at hinawakan ang braso nito.
"Mama please, tama na, sorry po, sorry talaga," sabi ko at akmang hahawakan si Mama pero tinaboy nito ang kamay ko.
Maya-maya lang ay biglang bumulagta si Mama sa sahig.
"MAMA!" sigaw ko at sinapo ito.
Binuhat ni John si Mama, agad kaming lumabas at pumunta sa kotse ni John.
"Si Myra 'yon 'di ba?"
"Buntis na agad? Kinasal na ba 'yan?"
"Baka kinasal na, hindi ba umalis na 'yan dito."
"Sabi ng nanay niya nagtrabaho na daw siya sa maynila."
"Tignan mo nga mukhang iba ang trinabaho."
Napabuntong hininga ako sa sobrang galit, gusto ko silang sampalin isa-isa, mga kapitbahay na chismosa.
******************
Hawak-hawak ni John ang kamay ko habang magkatabi kaming nakaupo sa labas ng room ni Mama.
"Medyo nahihilo ako," bulong ko at pumikit.
"Naiistress ka na siguro, sorry," John said and hold my hand tighter.
"Kamusta na kaya si Mama?" I whispered.
"I hope she's okay," sabi ni John.
Lumabas ang doctor mula sa kwarto ni Mama, tumayo si John, akmang tatayo na rin sana ako pero nanlata ang mga binti ko kaya nanatili akong nakaupo.
"Tumaas ang presyon ng Mama mo iha, binigyan namin siya ng gamot na makakatulong sa kaniya, dati na siyang pumunta dito, hindi ko makakalimutan 'yon dahil bigla siyang nahimatay nung araw na 'yon. Binigyan ko siya ng maintenance pero mukhang hindi siya umiinom ng gamut," sabi ng Doctor.
"Doc? Ano-ano po ba yung mga gamot na kailangan i-take? Bibili na po sana ako ng madami para stock niya," sabi ni John.
"Sundan mo 'ko, nandoon sa opisina ko ang papel ko, ililista ko lahat, pero binigyan ko na siya dati," sabi ni Doc.
"Kaya mo ba? Hintayin mo na lang ako ditto," sabi ni John at umalis na sila ni Doc.
Sinubukan kong tumayo at hinawakan ko ang doorknob ng pinto.
"Miss, okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo," sabi ng isang nurse at hinawakan ang bewang at braso ko.
Inalalayan niya akong makapasok sa kwarto.
"Buntis kayo, baka makasama sa baby niyo 'yan," sabi ng nurse pero hindi ko ito pinansin, naupo ako sa tabi ng Mama ko at hinawakan ang kamay nito.
"Mam, hintayin niyo ako. Tatawag ako ng Doctor," sabi ng nurse at agad na lumabas.
"Pakiramdam ko walang nangyareng maganda simula nang mabuntis ako," natatawa kong bulong.
"Ni-hindi kita nasubaybayan dahil umalis ako, hindi ko na alam, m-may na-nararamdaman kana pa lang h-hindi maganda," sabi ko at tuluyan nang napaluha.
"Sorry, Ma," bulong ko.
Pumikit ako nang maramdaman kong sumasakit na naman ang ulo ko.
"Myra?" rinig kong tawag sa akin ni John.
"Sir? Kayo po ba ang asawa niya? Nakita ko pong nanghihina siya kanina kaya tumawag ako ng Doctor."
Naramdaman ko ang kamay ni John na humawak sa mga balikat ko. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko.
"Myra?"
"Let's check her vitals."
"Myra? Okay ka lang ba?"
"Mam, idilat niyo po yung mata niyo, ayos lang po ba kayo?"
"Anong nararamdaman mo? Misis?"
**************************
John's P. O. V
Nawalan ng malay si Myra kaya dinala din siya sa ibang room, hindi pa siya kumakain at hindi pa nakakainom ng vitamins, dagdag pa ang stress at sama niya ng loob kaya siya nanghina.
Napabuntong hininga ako, naguiguilty ako sa mga ginawa ko. Pumunta ako sa CR at naghilamos, walang tao kaya sinarado ko ang pinto at nilock ito.
Tumitig ako sa salamin at napaluha.
"This is all my fault," bulong ko at napahawak sa ulo ko.
Ginulo ko ang buhok ko at napasuntok sa pader.
"She fucking suffer because of me, fuck that," bulong at muling sinuntok ang pader.
"Tangina! Kung hindi ko naman ginawa 'yon, hindi siya mapapasakin. Ayoko-- ayokong mapunta lang siya sa Nhel na 'yon. Sa 'kin lang siya dapat, pero putcha!" bulong ko at napasipa sa katabi kong basurahan.
"When I see her cry, it fucking kills me," bulong ko.
/Cellphone Vibrate/
Unknown number ito pero sinagot ko pa rin.
"Who's this?" tanong ko.
"Hey, just got back here in Philippines, how are you?" sabi nito, hindi ko naman matandaan ang boses niya pero babae ito.
"Sorry? Sino 'to? I don't recognise your--" she cut me off and laugh
"Silly John, it's me Karilyn," sabi nito.
"Sorry hindi kita agad nabosesan, Matagal ding hindi ko narinig boses mo," sabi ko.
"Yeah, I understand, let's meet. Balita ko successful professor ka na ngayon," sabi nito at tumawa.
"Not really, but Karilyn, I'm sorry, I'm kinda' busy right now. Let's meet soon I'll just call you, and welcome back," sabi ko.
"Yeah sure, thanks," sambit nito and she dropped the call.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...