Myra's P. O. V
"Good Morning class!" bati ko.
"Good Morning, Ma'am Myra," sagot nila at tumayo.
"Sit down," sambit ko at kumuha ng chalk.
"Let's start our lesson, get your book in T.L.E and open it on page 7," sambit ko.
Sumunod sila.
"Housekeeping, please read..." tumingin ako sa kanila.
"Elery," tawag ko. Hindi ko pa kase kabisado lahat ng estudyante ko. Hindi ko na sila pinagsuot ng name tag dahil malalaki na sila at dapat kabisaduhin ko sila.
"Housekeeping refers to the management of duties and chores involved in the running of a household, such as cleaning, cooking, home maintenance, shopping, and bill payment. These tasks may be performed by members of the household, or by other persons hired for the purpose."
"Thank you, now give me a---"
Napatigil ako nang biglang magpalakpakan ang nasa kabilang classroom. Lahat ng estudyante ko ay napalingon sa katabi naming kwarto, iyon ang grade 10.
Nakapamewang akong lumabas ng classroom ko at pumunta sa grade 10. Nakita ko si John na nakikipagtawanan sa mga estudyante niya at nakaupo sa pa sa table.
Kailan pa naging ganito ang ugali niya!?
I knocked on the door. "Excuse me, sir!"
Lumingon silang lahat sa akin.
"Nagkaklase kami dito sa kabila," sabi ko at ngumiti.
"Sir! siya yung sinasabi mo?" tanong ng estudyante niya.
Tumango si John at nagsipaghiyawan ang lahat.
"Ayiiieee!"
"Ikaw na sir!"
"May bago na akong lodi!"
"JOHN GATCHALIAN!" sigaw ko at tumahimik ang lahat.
"B-bakit? May sarili din naman kaming business dito. Sige na magturo ka na sa klase mo. MA'AM!"
Ngumisi siya nang madiin niyang binanggit ang 'Ma'am'
Inirapan ko siya at bumalik na ako sa classroom ko. Nagulat ako nang makitang nakasilip ang mga students ko sa bintana at pinto.
"AYAN NA SI MA'AM!" sigaw ng isang lalake.
"Oo! 'Eto na ako!" sabi ko at pumasok.
Bumalik ako sa harapan at kinuha ang libro.
"Terror din pala si Mam."
"Baka buntis lang kase."
"Delubyo."
Tinignan ko sila ng masama dahilan para mapatahimik sila.
"Give me a tools, equipment and paraphernalia used in Housekeeping," sabi ko.
Nagtaas sila ng kamay.
"Simula sa harap," tinignan ko ang lalakeng nakasalamin na nakaupo sa tapat ng table ko.
"Pangalan mo ulit?"
"Brian po."
"Simulan mo, papunta sa likod. Bawal maulit, kapag naulit, tatayo," sabi ko.
"Broom."
"Clothes Hanger."
"Dustpan."
"Vacuum Cleaner."
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...