Chapter 40

20.8K 657 123
                                    

Myra's P. O. V

"John, baka magtanong sila--"

"Bakit? Si Ma'am Jillean nga sinakay ko rito, wala namang issue--"

"ANONG WALA!? MERON! MERON!" sigaw ko sa kaniya sabay baba sa kotse.

Nakabusangot ang mukha ko habang mabilis na naglalakad papasok ng eskwelahan.

"Ayoko sa lahat marinig pangalan ng babaeng 'yon--" napatigil ako sa pagkausap sa sarili ko nang sumulpot sa harapan ko si Mam Jillean.

"MA'AM MYRA!" aniya.

"O-oh? Bakit?" naiilang kong tanong. Pilit akong ngumiti kahit labag sa loob ko.

"Hhmm... Bakit magkasama kayo?" tanong niya, sumabay pa siya sa 'kin maglakad.

Peste kang babae ka, kahit kanino madikit. Linta ka ba?

"Ah--sinabay niya lang ako. Nakita niya ako sa daan kase wala akong masakyang trycicle," nakangiti kong sabi.

Sinadya kong diinan ang trycicle tutal iyon din ang sinabi niya.

"May girlfriend na ba si sir?" bigla niyang tanong.

Napahinto ako sa paglalakad.

Gusto kong sabihin na 'Oo, asawa at anak pa nga e' kaso hindi pwede.

"Hhmmm... Ewan," pilit akong ngumiti at mabilis na naglakad papunta sa second floor.

Naiwan siya roon pero mas lalo akong nainis nang mali ang naging desisyon ko.

"SIR JOHN!" sigaw niya.

"Anak ng letchugas talagang--"

"Oh? Ma'am Jillean, maaga ka ata. May trycicle na ba?" natatawang sabi ni John.

"Tignan mo nga naman..." bulong ko at napairap.

"Ma'am Myra? Bubuksan niyo na po yung classroom?" tanong sa akin ni Ash.

"Ah, Oo," sagot ko.

Muli ko silang tinignan na sabay naglalakad.

Madapa sana kayo. Tumalikod na ako at pumunta sa classroom ko.

"Sabay atang pumasok si Sir John at Mam Jillean, sabi ng kapatid ko parang may something daw," sabi ng isa kong estudyante habang papasok kami ng room.

"Talaga ba? Nakita ko nga magkasabay sila sa hallway."

"Oo, nagtatawanan nga eh,"

"Ship ko talaga sila---"

"STUDENTS!" sigaw ko at pabagsak na nilapag ang bag ko sa table.

"Y-yes, Ma'am?" bakas ang takot sa boses nila.

Napapikit ako ng mariin at pinakalma ang sarili ko.

"Magwalis kayo. Ang dumi. Maalikabok," alibay ko at naglakad palabas ng room.

Napahawak ako sa tiyan ko at bumuntong hininga. Nagtungo ako sa Faculty room at doon nag banyo.

Iisa lang ang CR ng Faculty room na para lamang sa mga teachers.

"Hala," bulong ko at inayos ang sarili ko sa salamin.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo.

"Myra," biglang sumulpot si John.

"Anong ginagawa mo dito!?" inis kong sabi at tumingin sa likod niya. Wala namang tao.

Sinarado niya ang pinto kaya napaatras ako.

"Sorry na," aniya, akmang hahawakan niya ako.

"Shh! Ano ka ba! Baka may makaalam!" inis kong sabi at hinampas ang kamay niya.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon