Myra's P.O.V
Today, I stare at my report card. Napabuntong hininga ako dahil sa pagkadismaya. Although nakapasa ako sa lahat ng subject, nakakapagtaka kung bakit naka-tres ako sa dalawang subject ko. The rest are 2. Something.
"Ede ikaw na mataas ang grades," sabi ni Cass at pinicturan ang report card niya. Nakita ko itong sinend niya sa Dad niya.
I took a photo of mine too, sinend ko ito kay Nhel. Agad naman siyang nag-reply.
{Those are great grades, be proud of it kase pinaghirapan mo 'yan. Wala kang dapat ikahiya because you know that you did your best.}
I just replied a sad emoticon.
Ilang minuto lang ay nag-reply siya ulit.
{Hindi naman ma-dedefine ng grades mo kung sino ka. 'Wag ka na malungkot. I love you!}
Napangiti naman ako dahil sa reply ni Nhel. Lagi niya akong pinapakalma. Napakaswerte ko din dahil hindi niya ko kinahiya kahit kailan at never siya na-disappoint sa lahat ng nagawa kong mali. He looks at me like I'm a perfect woman. Even hindi ako ganon kaganda.
{Ang swerte ko talaga sayo love. Hope to see you soon. Malapit na ang anniversary natin! Road to 3 years <3}
{Hahaha! Oo love. Luluwas ako papuntang manila. Magkikita rin tayo. I'll get going, I miss you. Ingat palagi. Muah!}
{I miss you too. Muah muah!}
"SANA ALL MAY BEBE," sigaw ni Cass sa tenga ko.
Nagbabasa na pala siya ng conversation namin ni Nhel.
"Ayaw mo kase mag-seryoso. Madami ka ngang bebe, mahal ka ba talaga? Mahal mo ba talaga?" mataray kong sambit.
"Ang bad mo sa 'kin, Myra. Gusto kita isubsob dito sa board," aniya at tinuro ang blackboard na katabi namin.
"Pikon ka na naman. Tama na kasi landi! 21 ka na, wala ka paring ka-forever."
"'Wag mo ipagmayabang 'yong Nhel mo. Malay mo nambababae na siya kase malayo naman siya at hindi mo naman malalaman."
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan sabay halukipkip.
"'Wag mo siraan ang asawa ko ha!" inis kong sabi.
"Asawa? Utot mo! Hindi pa nga kayo kasal. 'Wag ka assuming," aniya.
"Syempre ikakasal pa lang. Pagkagraduate ko."
"Hihintayin ko 'yan. Alam mo, excited na ako sa kasal mo. Makikita mo ako do'n na kumakain ng shanghai sa tabi-tabi," sabi ni Cass at humagalpak kami ng tawa.
"Shanghai is life 'no!" ani ko.
Paborito kasi naming ang shanghai, pagdating sa pagkain ay lagi kaming nagkakasundo.
Lumipas ang oras at nang makauwi ako sa bahay ay pinakita ko na kay Mama ang report card ko.
"Anak, okay na 'to. Kahit wala ka namang uno eh number one ka sa 'kin, ang mahalaga naman ay makakagraduate ka!" sabi ni Mama at niyakap ako.
"Mama, amoy pang-ligo ka na," pang-aasar ko sa kaniya.
"Alam ko! 'Eto talagang batang 'to!" aniya at hinampas ako sa braso.
"Hindi na po ako bata! 21 na po ako. Saka, gagraduate na next month!" masaya kong sabi.
"Hindi ba mag-dedemo ka pa? Kailan ba 'yon?" tanong ni Mama.
"Next week po Ma, nga po pala may extra ka po ba Ma? Kailangan po kasi may pakain ako sa mga estudyanteng makiki-operate sa demo ko kase sila 'yong way para makapasa ako sa prof ko. Kahit pansit lang Mama," sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...