John's P.O.V.
I'm staring at Myra's pictures on my phone. Sobrang ganda niya, ang saya na dito talaga siya sa cellphone ko nag-selfie... But then she found out the truth.
The truth is... I like her since I first saw her. I like everything about her, the reason why hindi ako nag e-entertain ng ibang babae kahit gaano pa sila kaganda.
Everything that happen on us was my plan.
Nung una ko siyang makita sa campus ng school, nagandahan agad ako sa kaniya and I feel something about her. Pakiramdam ko sobrang unique niyang babae, parang nag-iisa lang siya sa mundo at siya 'yong babaeng gusto kong mapangasawa.
I waited for almost 3 years for her. Kahit sinasabihan na ako ng bakla ng mga ka collegues ko dahil wala akong girlfriend sa edad ko. Wala na akong pakialam sa kanila.
Hinintay ko talaga na makagraduate si Myra at sinadya kong ibagsak siya sa demo niya para i-alok sa kaniya ang one night stand. Then everything go on my plan, I really want to get her pregnant. In that way mapapasaakin siya. Ngayon nangyare nga.
Yung matagal ko nang hinihintay dumating na, I always watch her from far away. I still remember the graduation picture nila. I just really want to tell her na sobrang ganda niya kapag may kolorete siya.
Sinundan ko pa siya noon sa palengke sa tindahan nila ng Mama niya. Noon ko siya lalong minahal, knowing how good daughter she is. Kung gaano niya kamahal ang Mama niya at kung gaano niya rin kamahal ang Papa niya na yumao na.
Sa school, I didn't even bother na gisingin siya kapag nakakatulog siya sa klase ko, Everytime na natutulog siya gusto ko siyang lapitan at titigang matulog at gusto ko ring marinig ang hilik niya.
Walang kahit sino ang nakakaalam na mahal ko si Myra. Ang importante ngayon. Nasaakin na siya, at sa akin lang siya.
Pumasok ako sa kwarto ko at narinig kong tumutunog pa ang cellphone niya. Nilapitan ko si Myra at nakita kong tulog siya, pinatay ko ang tugtog sa phone niya at ipinatong ito sa table ko.
"Sobrang ganda mo, kahit saang anggulo," bulong ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
I think it is really destined na ma-obsess ako sa kaniya ng ganito. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at nilapat ko ang labi ko sa labi niya.
"I miss your lips," bulong ko.
******
Myra's P.O.V
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng lamig. Tinignan ko ang aircon na nakabukas at nasa 18 celsius pa ito. Niyakap ko ang sarili ko sa lamig. Tinignan ko ang cellphone ko at chineck ang oras. 8 pm na pala ng gabi, napasarap ang tulog ko.
"Gusto ko tumayo!" inis kong daing.
"Try ko nga, dahan-dahan lang naman ih, kapit ka lang baby!" sabi ko at hinamas ang tiyan ko.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng dahan-dahan palabas sa kwarto. Nakita ko si John na nakahiga sa sofa, wala itong pang-itaas na damit at mahimbing itong natutulog. Nakatapat sa kaniya ang electric fan.
Lumakad ako papalapit sa kaniya, kitang-kita kong pawis na pawis na siya. Talagang nagtitiis siya dito. Bahay niya 'to pero hindi siya 'yong nalalamigan sa aircon. Kinuha ko ang damit niya na nakapatong sa tiyan niya. Pinunasan ko ang mukha niyang basa ng pawis.
Maya-maya ay nagising siya.
"Myra? Bakit ka nakatayo? Ano ka ba!" galit nitong sabi.
"Chineck lang kita, bakit ka nagtitiis ng init dito?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomantikPUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...