Chapter 19

33K 865 89
                                    

Myra's P.O.V

Nandito kami ngayon sa kotse at on the way na kami sa baguio, nakabili na rin kami ng arinola para incase of emergency, hindi ko kase alam sa pantog ko dahil mabilis na ako maihi.

"Gusto mo ng starbucks?" tanong sa akin ni John.

"Ibibili mo 'ko?"

"Malamang, ano ka ba?" natatawang sabi ni John.

"Gusto ko, pero 'yung mainit sana, mga hot chocolate ganoon," sabi ko.

"Sige, may drive thru dito ng starbucks," sabi ni John.

Dumaan kami sa starbucks at bumili si John ng Hot Chocolate at isang Macha.

"Mahilig ka sa matcha?" tanong ko nang makuha na ang drinks namin.

"Oo, hilig ko 'to dati pa," sabi ni John at inabot sa akin ang hot chocolate ko.

"Tara na, matagal ang byahe," sabi ni John at nag-drive na ulit.

Humigop naman ako ng hot choco at napabuntong hininga ako sa sarap.

"Alam mo John minsan lang talaga ako makatikim ng ganito sa buong buhay ko," sabi ko.

Dahil sa totoo lang pangatlong beses pa lang ako makakatikim ng starbucks dahil hindi naman namin afford.

"Ganoon ba? Gusto mo araw-araw bilhan kita ng starbucks tapos lahat ng flavor tikman mo," sabi ni John.

Natawa naman ako at umiling. "Hindi naman ganoon, masyado kang exaggerated," sabi ko.

"Gusto mo tikman? Kaso nainuman ko na 'to," sabi ni John at inabot sa akin ang matcha na frappe.

"Hindi ako maarte, titikman ko ha?" sabi ko at sumipsip sa matcha nito.

"Masarap din, pero mas bet ko 'yung chocolate," sabi ko at binalik na sa kaniya ang macha.

Nakita ko naman siyang ngumiti at simipsip rin.

Napaiwas naman ako ng tingin, hindi ba parang nagkiss kami gamit ang straw? OMG!

"Bakit natahimik ka? Gusto mo heramin cellphone ko?" tanong ni John habang nagmamaneho.

"Sige!" masaya kong sabi at kinuha ang cellphone nito.

Nag-selfie ako at nag-post sa Instagram. Nagulat naman ako nang i-chat ako ni Cass.

{Bruha ka! Asan ka? Pumunta ako sa mama mo sabi niya may trabaho ka raw?}

Napakagat ako sa hintuturo ko at tumingin sa bintana, hindi ko alam ang irereply ko sa kaniya, alam kong kaibigan ko siya pero nahihiya akong malaman niya.

"May problema ba?" tanong ni John.

"Ha? wala naman," sabi ko at nireplayan si Cass.

{Mag kita tayo sa week end? Madami sana akong ikukwento sayo at gusto ko sana personal hehe :*}

Bahala na si Lord kung ano man ang mangyayare.

Sumimple ako ng picture kay John habang nagmamaneho siya at nag-selfie ako nang kasama siya kahit hindi siya nakatingin. Remembrance lang dahil kahit papaano, thankful ako sa kaniya kasi binibigay niya lahat ng gusto ko.

Maya-maya ay mag nag-pop in sa notification ko sa Instagram.

Nhel Tacud {Miss you}

Hindi ko na ito pinansin at ni-log out na ang instagram ko sa cellphone niya.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako na parang maiihi na ako.

"John! Naiihi ako! Wala bang malapit na CR?" tanong ko.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon