Chapter 12

42.8K 947 51
                                    

Myra's P.O.V

Kakatapos lang ng ultra sound ko at sabi ni Doktora ipagpatuloy ko lang ang pag-inom ng vitamins at mag bed rest muna, bawal din ako kumilos ng kumilos.

"Promise babayaran kita kapag--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang buhatin ako ni sir John at inupo sa wheel chair.

Tinanggalan na ako ng dextros at hindi na rin masakit ang tiyan ko.

"Uuwi na tayo," sabi ni sir John at tinulak na ang wheel chair.

Nung tumagal ang tulak sa akin ay medyo nag-enjoy ako.

"Sir? Pwede bilisan mo lakad mo?" request ko.

Tinignan naman niya ako ng masama at ngumiti lang ako.

"Konting bilis lang," sabi ko.

"Tsk, bata ka ba?" tanong ni sir sa akin sabay irap.

"Oo bata pa ako, sige na ayan na 'yong labas oh! Isa lang," pagpilit ko kay sir.

"Kapit," sabi ni Sir at binilisan ang tulak sa akin hanggang sa makalabas kami ng ospital.

"Yiiieeee! Ang saya!" sabi ko.

Maya-maya ay binuhat na ulit ako ni sir at isinakay sa kotse niya. Nasasanay na rin ako na binubuhat niya ako, baka makalimutan kong may paa ako.

Nang umandar na ang sasakyan ay tinitigan ko siya. Para siyang si Nhel mag-alaga. Ang swerte din ng babaeng mamahalin niya at mamahalin siya, pero paano 'yon? May anak siya sa 'kin. Hindi naman niya ako mamahalin at si Nhel ang mahal ko.

"Why are you staring at me?" tanong nito.

"Ha? Wala. Thank you kako," alibay ko.

"You're welcome," aniya.

Tumango lang ako at tumingin na sa daan.

Nang makarating kami sa bahay ni Sir, pinark niya na ang kotse at akmang bababa na ako pero pinigilan niya ako.

"Bubuhatin kita," sabi nito at lumabas ng kotse.

"Ha? Ang lapit lang ng pinto ng bahay jusko," bulong ko sa sarili ko.

Binuksan niya na ang pinto ng kotse at binuhat ako ng pa-bridal style. Pumasok na kami sa bahay at inihiga niya ako sa kama niya.

Nagtataka naman ako kung bakit sa kwarto niya ako dinala eh ang usapan sa sala lang ako matutulog.

"Sir? Pasensya na sa mga abala ko sa 'yo. Imbis na wala kang iniintindi ngayon eh tignan mo--" muli ay hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at sumabat siya agad.

"Wala lang 'yon, nasa 'yo ang anak ko kaya kailangan din kita alagaan," sabi ni Sir habang nag-aayos ng mga gamit.

"Magluluto lang ako ng tanghalian, diyan ka lang," sabi ni sir at lumabas na.

"Asan kaya 'yong cellphone ko?" tanong ko sa sarili ko.

Kahapon kase naiwan ko 'yon sa banyo.

"Sir! Sir John! SIR!" sigaw ko.

"What? Nawawala ka ba?" tanong ni sir John.

"Sorry na agad! Ang sungit. Nasaan yung cellphone ko?" tanong ko.

Tumungo siya sa drawer niya at kinuha doon ang cellphone ko.

"Eh Sir John, pwede paheram ng cellphone mo? Paranas lang makahawak ng Iphone ten," sabi ko at ngumiti sa kaniya ng matamis.

"Sige, pero 'wag na 'wag mo i-oopen ang gallery ko--" hindi ko na pinatapos si sir sa pagsasalita at tinawanan ko siya ng malakas.

"Oo! Alam ko kung baket!" sabi ko at tumawa.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon