Chapter 29

19.1K 525 83
                                    

Myra's P. O. V

Nakatitig lang ako sa mag-asawang nasa harap namin na table, sobrang sweet ng lalake sa babae tapos may baby sila na nasa stroller at tulog. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Kain na," sabi ni Cass.

Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti, kinuha ko ang kutsara ko at nagsimulang kumain.

Nandito kami sa Gerry's Grill para mag-lunch.

"Ihahatid na kita after nito ah, kailangan ako sa company ni Dad" sabi niya habang kumakain.

"Sige lang. Salamat ah, nalibre mo na naman tuloy ako," nahihiya kong sabi saka kumain.

"Parang tanga! Abe! Malamang! Kaibigan kaya kita! Saka speeking of kaibigan, alam mo ba? Feeling close yung anak ng kaibigan ni Papa sa 'kin. Si Floid, kung makadikit sa 'kin kahapon sa meeting eh magkakapalit na kami ng mukha!" iritang sabi ni Cass kaya napatawa ako.

"Sus! 'Wari ka pa! Baka type ka," sabi ko saka uminom ng ice tea.

She cleared her throat and glare at me.

"Seriously? He looks so innocent in love, wala siyang alam ikwento kundi laro, inaaya niya pa ako mag Call of Duty e, hindi ko naman alam 'yon," sabi ni Cass.

Ang bestfriend ko talaga! Ang daming boys. Samantalang ako... Nag-iisa na nga lang nawala pa. Hindi pa siguro siya yung Mr. Right ko.

"Myra?"

Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ko ang boses na iyon.

"O. M. G," gulat na sabi ni Cass habang nakatingin sa likod ko.

Hindi ko alam kung lilingon ba ako, kinakabahan ako. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.

"Kamusta kayo?"

Naestatwa ako habang dahan-dahan siyang lumakad papunta sa harapan ko saka hinila ang isang upuan at naupo siya roon.

"N-nhel? B-bakit nandito ka?" nauutal kong tanong.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya, ibang-iba na ang itsura niya ngayon. Naging sobrang pormal niya tignan. Ang lakas ng dating niya sa simpleng Jeans at Black T-shirt na suot niya. Kitang-kita ang mga ugat niya sa kamay, bagay din sa kaniya ang gupit niyang undercut plus brushed back wavy hair niya.

"You're really back here in Manila!? Kelan ka pa bumalik?" masiglang tanong ni Cass.

Napaiwas naman ako ng tingin sa mga mata ni Nhel na panay ang paninitig sa akin.

"Last week, dito kase ako nadestino, Engineer ako ng ipapatayong building malapit dito. Naisip ko lang kumain, nag-check pa ako ng mga kainan naghahanap ako ng mayroong bakanteng upuan," sabi nito.

Natataranta akong kinuha ang ice tea ko at sa hindi inaasahan ay dumulas ito sa kamay ko dahilan para tumumba iyon sa lamesa at tumapon.

"Shit," bulong ko at agad na pinunasan ng tissue ang natapon ko.

Nakita kong tumulo mula sa table papunta sa damit ni Nhel ang ice tea.

"Hala! Sorry sorry!" natataranta kong sabi at agad na kinuha ang lahat ng tissue sa lamesa at pinunasan ang damit ni Nhel.

Hindi ko siya tinitignan pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ehem, baka naman, waiter! Comeback nga po! Este oorder pa kame!" pang-aasar ni Cass.

"It's fine," nakangiting sabi ni Nhel.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at napatingin sa kamay kong hawak-hawak niya. Bakit mukhang okay na siya ngayon? Matapos nang lahat ng nagawa ko sa kaniya.

"Aw--sorry" agad na sabi ni Nhel at binitawan ang kamay ko.

"Ilang months na 'yan?" mahinang tanong ni Nhel at tumingin sa tiyan ko.

"5 months na," tipid kong sagot at ngumiti.

Tinignan ako ni Nhel sa mga mata ko, he's sad. I know him for almost 3 years, he's...sad right now, ang galing niya magpanggap na okay.

"Ano pong oder niyo, Mam?" biglang dumating ang waitress kaya agad akong umiwas ng tingin kay Nhel.

"Nhel, order ka na. Sabayan mo na kami kumain," sabi ni Cass.

Tumango naman si Nhel at nag order na, tahimik lang akong tinuloy ang pagkain ko at umiiwas ng tingin kay Nhel. May lumapit sa aming isang tagalinis ng tables at nilinis ang natapon kong ice tea.

"Ikakasal na ba kayo?" halos mabulunan ako sa tanong ni Nhel sa akin.

Umiling ako. Why does he suddenly open up that kind of issue?

"Ay naku, Nhel! May LQ sila! Iniwan na nga ni Myra si sir John!" sabat ni Cass.

Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa ang paa niya.

"What!?" she murmured.

Inirapan ko siya at binaling ang tingin ko kay Nhel.

"Talaga?" he asked while eating.

"Eh-- nagkaroon lang ng problema," naiilang kong sagot.

"So, saan na kayo? Sa dati pa rin?" tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango.

I looked at Cass, she's smiling like an evil.

Kaibigan ba kita talaga o ano?

************************

John's P. O. V

Nagising ako sa malakas na kalampag mula sa pinto. Rinig ko ang boses ni Karilyn.

"JOHN?" sigaw niya.

Binuksan ko ang pinto at sinamaan siya ng tingin. Halata ang gulat sa mga mata niya nang makita ako.

"W-what happened? Bakit sobrang dumi--amoy alak ka--"

"Fuck, Karilyn, I thought we're friends!" singhal ko.

Hinawakan niya ang dibdib ko kaya napaatras ako, nakapasok siya sa bahay at tinignan ang buong paligid na sobrang dumi.

Nagwala ako kagabi. Oo, uminom din ako. I only have myself. I'm dealing all of this shit by myself.

"John..." malumanay niyang sabi at akmang hahawakan ang mukha ko.

Agad kong hinawakan ang pulsuhan niya at diniinan ang pagkakahawak doon habang tinitignan ko ang mga mata niya ng masama.

I know, I can't treat a woman like this. She was my friend. She betrayed me.

"Don't act so innocent, Karilyn. Hindi bagay sa 'yo," madiin kong sabi saka binitawan ang kamay niya.

Dumilim ang awra niya.

"Ano bang meron sa batang 'yon!? John! Why it can't be me!? I've waited for you so many fucking years! When we're young you said you're not yet ready for a fucking relationship but look! You already have a fucking child!" bulyaw niya sa akin.

"DON'T! curse on my child!" madiin kong sabi, umabante ako hanggang sa magkalapit kami.

"Don't you ever, rule my life. I'm not yours! Look at this shits you've done! Iniwanan ako ni Myra dahil sa 'yo!" sigaw ko dahilan para mapaatras siya.

"DAHIL SA 'YO! GINAWA MO 'YON!" sigaw niya.

"No."

She laugh. "So, wala ka pa lang balak na sabihin sa kaniya yung naging paraan mo para maangkin mo siya. Na sinadya mo lahat-lahat para kunin ang buhay niya? You don't want me to control your life, yet... You controlled Myra's life. There's nothing she can do but come to you because she's carrying your child, right?"

Natahimik ako.

She's right. Maybe I am a really messed up man. She doesn't deserve someone like me.

"Handa kong isuko lahat sa 'yo, kaya niya bang gawin 'yon? Iniwan ka na niya. Walang-wala ka na," she said seductively kaya napaiwas ako ng tingin.

"John, change your life, choose me," she said and kissed me.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon