Chapter 2.1

3.9K 94 0
                                    

"MEGAN," bati ni Raine sa isa sa mga kaibigan na si Megan Villarama. Nagkita sila ngayong araw sa main branch ng coffee shop na pag-aari nilang ang Sweet Coffee Princesses shop sa Ortigas. Tinawagan niya ito kanina dahil wala siyang maisipang puntahan ng araw na iyon.

"Hey, you're late," ganting bati ni Megan, ipinatong nito ang tasa ng kape sa mesang nasa harap. May iniabot ito sa kanyang isang paper bag. "Pasalubong ko sa'yo."

Ngumiti si Raine at tiningnan ang laman ng paper bag. Mga pagkain at souvenirs iyon na mula sa Batanes. Kagagaling lang ng kaibigan niyang si Megan sa Batanes kasama ang mga kaibigan naman nito sa pagmo-modelo. "Thank you," sambit niya bago luminga sa paligid. "Where's April?" tukoy niya naman sa isa pa nilang kaibigan at co-owner sa coffee shop na ito.

"It's Saturday, remember?" anito. "May klase si April ngayong araw."

"Oh," tumango-tango si Raine. Tapos na ang kaibigan niyang si April ng kursong Mass Communication dahil sa nais ng mga magulang nito. Subalit dahil hindi iyon ang propesyong nais ng kaibigan kaya nag-desisyon itong mag-take ng panibagong course na culinary. Pangarap daw nitong makapagtayo ng sariling restaurant balang-araw nang walang hinihinging tulong sa mga mayayamang magulang.

Nagtataka siyang napatingin sa kaibigang si Megan nang mapansing sulyap ito ng sulyap sa wristwatch na suot. "May pupuntahan ka pa ba?" tanong niya.

Tumingin sa kanya si Megan at umiling. "Malapit na kasing mag-dinner, baka nagugutom na siya," sagot nito.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Raine. "Siya?" Hindi niya maunawaan ang sinasabi ng kaibigan. May kasama na ba ito sa tinutuluyan nitong condominium place?

Nag-aalangan pang ngumiti sa kanya ang kaibigan. "I... met someone in Batanes," pagku-kuwento nito. "He's kinda different kasi lumaki siya sa isang baryo kung saan hindi pa naaabot ng modernong sibilisasyon. Nagmakaawa siyang sumama sa akin dahil wala na raw siyang pamilya at gustong makarating dito sa lungsod," ipinaikot pa nito ang mga mata. "Wala naman akong nagawa kundi ang isama siya sa unit ko."

"He?" hindi napigilan ni Raine ang mapangiti. "You're living with a man now."

Nanlaki ang mga mata ni Megan. "I-It's not what you think, Raine. Kukupkupin ko lang siya ng ilang araw o linggo hanggang sa matuto na siya dito sa lungsod. I'm just being a Good Samaritan, you know," pagtatanggol pa nito sa sarili.

Raine held back a laugh. "Fine," tumango-tango na siya. "Naisip ko lang na baka siya na ang prince charming na hinihintay mo," pagbibiro niya pa.

Tiningnan siya ng masama ni Megan. Her friend had this fascination with fairy tales – modern fairy tales, to be exact. Pangarap daw nitong makatagpo ng prince charming sa gitna ng naggagandahang mga ilaw ng siyudad. Raine found it a little bit cheesy and funny, though.

Bumuntong-hininga si Megan at muling inabot ang tasa ng kapeng iniinom. "Pagtatawanan mo na naman ba ang fascination ko sa princes and stuffs? Alam kong hindi ka naniniwala sa fairy tales kaya magkaibang-magkaiba tayo."

Sumandal si Raine sa sandalan ng upuan at iginala ang paningin sa buong coffee shop. Kahit gabi na ay marami pa ring mga customers ang naroroon. It was indeed a good thing na nakatayo ang coffee shop nila sa lugar kung saan napapalibutan ng maraming company buildings at maging condominium and apartment places.

"Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga fairy tales na iyan," sagot niya. "Maging sa mga prince charming or knight in shining armor. Para sa akin, likha lang iyan ng mga authors na hopeless romantic. I'm not the kind of princess who will stay demure and all just to catch a prince. Hindi ako magsusuot ng glass slippers at iiwanan iyon sa hagdan para lamang maka-attract ng prinsipe. Hindi rin ako ang matutulog ng mahabang panahon para lamang magpagising sa halik ng isang lalaki."

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon