Chapter 12.2

2.9K 74 0
                                    

ILANG beses na humugot ng malalim na hininga si Raine para alisin ang kabang nararamdaman habang naghihintay ng oras ng kanyang interview sa SSJ Fashion – isa sa mga kilalang fashion company sa bansa na pag-aari ng kilalang fashion designer na si Stacey Stewart-de Angelo.

Napatingin siya sa bodyguard na si Riley nang maramdaman ang pagpisil nito sa balikat niya. Tila naman nabawasan ang kabang nararamdaman ni Raine nang masilayan ang ngiti sa mga labi ng lalaki.

Sabay pa silang napatingin sa pinto ng isang opisina na naroroon nang lumabas doon ang secretary na kumausap sa kanila kani-kanina. Sinabi nito na puwede na raw siyang pumasok sa loob para simulan ang interview.

Binigyan muna ni Raine ng huling sulyap ang bodyguard bago sumunod sa secretary. Pagkapasok sa loob ng opisina ay agad niyang nakita ang babaeng nakaupo sa swivel chair na naroroon. Agad niyang nakilala iyon bilang si Stacey Stewart-de Angelo. Hinahangaan niya ang babae dahil sa husay nito sa larangan ng fashion designing kahit noong nagta-trabaho pa ito sa New York.

Nang iwanan sila ng sekretarya ay sinimulan na rin ni Stacey ang pag-interview sa kanya. Hindi naman ganoon kahirap at katagal ang interview session. Ipinakita rin ni Raine sa babae ang sketch book ng mga designs at mukhang nagustuhan naman nito iyon.

"I still can't believe na anak ng isa sa mga richest businessmen ng bansa ang gustong mag-trabaho sa kompanya ko," napailing pa si Stacey habang patuloy na tinitingnan ang mga sketches. "But you've got talent here," sumulyap ito sa kanya. "Sigurado ka ba na gusto mong ibigay ang talento mong ito sa kompanya ko? You can have your own fashion line."

Ngumiti si Raine. "I want to be a part of this company kaya dito ako nag-desisyong mag-apply," tugon niya. "I'm a big fan of you kahit noong nagta-trabaho pa kayo sa New York. At gusto kong magsimula dito."

Napangiti rin naman si Stacey. Tunay na napakaganda nga nito. Tama lamang ang bansag sa babae na 'goddess designer'. Hindi pa rin nawawala ang gandang taglay nito kahit sa pagkaka-alam ni Raine ay may isa na itong anak at ang asawang aktor na si Michael de Angelo. "Well, ano pa bang masasabi ko?" isinara nito ang hawak na sketch book. "Based on your sketches, siguradong malayo ang mararating mo sa mundo ng fashion designing. At kung gusto mong maging parte ng SSJ Fashion, I'll be more than glad to have someone like you here."

Nanatili lamang na nakatingin si Raine sa babae at hinintay ang sunod nitong sasabihin. Palihim rin na umaasa ang kanyang puso.

Tumayo si Stacey at inilahad ang isang kamay. "Welcome to SSJ Fashion, Ms. Garcia."

Malawak na napangiti si Raine at tumayo na rin para tanggapin ang kamay ng babae. "Thank you so much, Ma'am," taos-pusong pasasalamat niya. "I'll try my very best para magawa ang lahat ng trabaho dito at matuto pa sa larangan ng fashion designing."

"I'm sure na madali kang matututo. Natatakot nga ako na balang-araw ay maka-kompetensiya ko ang magiging fashion line mo," tumawa pa si Stacey, tanda na nagbibiro lamang. "You can start next week. Hindi naman ganoon kahirap ang mga gawain ng designers dito at mababait din ang mga makakasama mo."

Tumango-tango naman si Raine at muling nagpasalamat. Hanggang sa makalabas siya ng opisina ng babae ay umaapaw pa rin sa kasiyahan ang kanyang puso.

Pagkarating niya sa kinatatayuan ni Riley ay nagtatanong na ang mga mata ng lalaki. "I got hired," napatalon pa si Raine sa sobrang tuwa at awtomatikong niyakap ang lalaki.

Naramdaman pa ni Raine ang pagkagulat ng lalaki dahil sa ginawa niya pero maya-maya naman ay naramdaman niya na ang pagganti nito ng yakap. "Congratulations," bulong ni Riley.

Tumingala siya sa lalaki, malawak pa rin ang pagkakangiti. "At dahil diyan, I want to treat you for lunch today," masayang wika niya.

Hindi na pinagbigyan ni Raine na makapagsalita si Riley at agad nang hinila ito paalis. Pagkalabas nila ng building na iyon ay naglakad na lamang sila patungo sa hindi kalayuang restaurant. Patuloy lang din siya sa pagku-kuwento sa lalaki ng tungkol sa nangyari sa interview.

Subalit nagulat si Raine nang bigla siyang yakapin ni Riley para protektahan sa isang bagay na nahulog mula sa isang building na under construction doon. They both fell and rolled on the ground. Nakarinig din siya ng pagsigaw ng ilang mga taong naroroon.

Nang magawang maimulat ni Raine ang mga mata ay nasa ibabaw na siya ng lalaki. Agad na napuno ng takot ang kanyang puso nang makitang nakapikit na si Riley. "R-Riley," naiiyak na sambit niya sa pangalan ng lalaki.

Pinilit niyang maupo at niyugyog ang katawan ng binata. Nakahinga naman si Raine ng maluwag nang makita ang pagmulat ng mga mata nito.

"A-Ayos ka lang ba? Mabuti na lang at nakita ko—"

Hindi na natapos ni Riley ang sinasabi nang yumuko siya at niyakap ito ng mahigpit. Tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak. "You scared me," Raine sobbed. Akala niya ay kung ano na ang nangyari dito kanina.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. "Huwag ka ng umiyak," sabi pa ito.

Tiningnan ni Raine ang binata at muling napuno ng pag-aalala ang puso nang makita ang pag-ngiwi nito. "M-May masakit ba sa'yo?" tanong niya habang tinutulungan itong maupo.

Pinilit ni Riley na igalaw ang kanang kamay pero napaungol lamang ito sa sakit. Marahang ini-angat ni Raine ang kamay na iyon ng lalaki at nakita ang mga gasgas doon. Sa tingin niya ay nabalian ito dahil sa impact ng pagkakabagsak sa lupa kanina para lamang maprotektahan siya.

"K-Kailangan mong madala sa ospital," humihikbing wika ni Raine bago humingi ng tulong sa mga taong naroroon.

Lumapit sa kanila ang isang lalaki bago inalalayan si Riley hanggang sa makarating sila sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. Nagpasalamat si Raine sa tumulong bago agad na lumipat sa driver's side.

"Hindi ka ba nasaktan?" narinig pa niyang tanong ni Riley habang nasa biyahe.

Nang sulyapan ito ni Raine ay kakikitaan pa rin ng pag-aalala ang mukha ng lalaki. "Don't mind me," naiinis na sagot niya. "Ikaw 'tong nasaktan," lumabi siya bago itinutok na lamang ang pansin sa daan. Hindi niya gustong pagalitan ang lalaki. Sobra-sobra lang talaga ang pag-aalalang nararamdaman niya.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon