Chapter 3.2

3.1K 67 0
                                    

DALAWANG araw na simula nang i-ground si Raine sa paglabas ng kanyang ama. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa loob ng sariling kuwarto. Subukan man niyang umalis ng bahay ay agad naman niyang nasasalubong si Manang Mylene at nagmamakaawang huwag siyang umalis. Kahit na nais daw nito siyang palabasin ay nakasalalay naman doon ang trabaho nito. Hindi magawang paniwalaan ni Raine ang lahat ng ginagawang ito ng mga magulang.

Nang gabing iyon ay nagdesisyon siyang bumaba sa living area kung saan naroroon si Papa Raymart na nanonood ng balita sa T.V. Hindi siya sumabay sa mga ito sa hapunan pero sinabi naman ni Manang Mylene na naririto na nga ito.

Kahit hindi niya pa rin nais makaharap ang ama ay wala na namang ibang pagpipilian si Raine. Kailangan niya itong makausap at alamin kung hanggang saan pa aabot ang pagpaparusa nito sa kanya.

"Gusto ko kayong makausap," matatag na wika ni Raine nang makalapit sa couch na kinauupuan ng ama.

Inabot ng ama ang remote ng T.V. para i-off iyon bago tumingin sa kanya. There was pure seriousness in her father's face. Palagi naman itong ganoon kapag kaharap siya. Ni minsan ay hindi nakita ni Raine na ngumiti sa kanya ang ama. Nakita niya lang ang ngiti nito noon tuwing kausap ang Kuya Steve niya.

"Gusto rin kitang makausap," tugon ni Papa Raymart. Sumulyap ito sa kanya. "Go on," pagpapahintulot nito sa kanya.

Humugot muna si Raine ng malalim na hininga at hinakot ang lahat ng lakas ng loob para makapagsalita. "H-Hanggang kailan niyo pa ba ako balak na ikulong sa bahay na ito, Papa?" mapait na tanong niya. "Hindi naman ako alaga n'yong ibon na nakakulong sa isang hawla. I need some freedom, too."

"Para ano? Para magawa mo na naman ang lahat ng gusto mo? Para makalikha ka na naman ng gulo?" puno ng kalamigang tanong ng ama.

Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay para pigilan ang magpakita ng galit. Alam niyang kapag sinagot niya ang ama ng pabalang ay siguradong walang mangyayari sa usapan nila.

"Huwag kang mag-alala," pagpapatuloy ng ama. "Hindi na naman magtatagal ang pagkakakulong mo sa bahay na ito."

Nagulat si Raine sa sinabi ng ama. Hindi niya inaasahan na pagbibigyan siya nito ng ganoon kabilis.

"Sa isang kondisyon," dugtong pa ni Papa Raymart. Tinawag nito ang isa sa mga katulong. "Papuntahin mo na siya rito," utos nito sa katulong.

Kumunot ang noo ni Raine at sinundan ng tingin ang paglayo ng katulong. Kondisyon? Anong kondisyon naman ang nais ng kanyang ama?

Tumayo si Papa Raymart at tumingin sa kanya. "Hindi ko na hahayaang makalikha ka pa ng ganoong klase ng gulo, Raine," anito. "Papayagan kitang lumabas at hindi ko na rin ipi-freeze ang mga accounts mo katulad noon pero simula ngayon ay hindi ka na aalis nang hindi kasama ang kinuha kong bodyguard mo."

Nanlaki ang mga mata ni Raine sa tinuran ng ama. Bodyguard? Pababantayan nito sa isang bodyguard ang lahat ng kilos niya?

Marahas niyang ini-iling ang ulo. "N-No... t-this is not fair," pagtutol niya. "Hindi ako papayag na palaging may nakabuntot sa akin sa mga lugar na pupuntahan ko. Hindi n'yo rin ako binigyang laya ng ganoon. Anong klaseng—"

"Shut up, Raine!" pagputol ng ama sa sinasabi niya. "Wala kang karapatang suwayin ang inuutos ko. You've done a lot of trouble and that was enough. Tandaan mo na nabubuhay ka dahil sa akin. Lahat ng ginagastos mo ay mula sa pera ko kaya dapat lang na matuto ka nang sumunod sa mga salita ko."

Kinagat ni Raine ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabantang mga luha. Kahit gusto niyang tutulan ang kondisyong iyon ng ama ay wala naman siyang magagawa.

Inilipat niya ang tingin sa tabi nang maramdaman ang presensiya ng isang tao doon. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Raine nang makita ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.

The man was wearing a pure black suit, wala nga lang necktie iyon. Kahit na ganoon ang ayos ng lalaki ay hindi niya naman makakalimutan ang mukha nito. Iyon ang lalaking tumulong sa kanya sa pagpapalit ng gulong ng kanyang sasakyan noon. Anong ginagawa nito dito?

Lumapit si Papa Raymart sa lalaking nakatayo lamang. Hindi kinakitaan ni Raine ng pagkagulat ang lalaki kaya naisip niyang baka hindi siya nito naaalala. "This is Riley Agustin," pagpapakilala ng ama. "Siya ang magiging personal bodyguard mo simula ngayon."

Gulat na napatingin si Raine sa lalaki.That man was going to be her bodyguard? Ito ang susunod sa kanya sa lugar na kanyang pupuntahan at magbabantay ng lahat ng kilos niya?

Muling umusbong ang galit sa puso niya ng mga oras na iyon. Kahit sino pa ang piliing bodyguard ng kanyang ama ay hindi niya pa rin gustong may sumusubaybay sa kanya.

"Wala kang dapat na ipag-alala sa kanya," pagpapatuloy ng ama. "He's been doing this job for more than seven years. Nakapagtrabaho na siya sa iba't ibang personalidad ng bansa, maging sa mga matataas na pinuno sa lipunan," tinapik pa nito ang balikat ni Riley. "Sigurado akong—"

"Papa," putol ni Raine sa ama, tiningnan ng masama ang Riley na iyon. "Hindi ko kailangan ang isang katulad niya. Kaya kong protektahan ang sarili ko sa mga—"

"Huwag na huwag mong puputulin ang pagsasalita ko, Raine," marahas na wika ni Papa Raymart, puno na ng talim ang mga mata nito nang tingnan siya. "Ako ang masusunod sa pamamahay na ito. Ako ang may awtoridad sa lugar na ito. Hindi ko siya kinuha para lamang protektahan ka. Gusto kong masiguro na hindi ka na gagawa ng mga bagay na makakasira sa reputasyon namin ng iyong ina, naiintindihan mo?"

Sobrang diin na ng pagkakakuyom ng mga kamay ni Raine na nararamdaman niya na ang sakit na dulot ng sariling kuko. Naiintindihan niya iyon. Everything was for their own reputation. Everything was for their own good. Ni minsan naman ay hindi inisip ng mga ito ang kapakanan niya, ang kasiyahan niya.

"Kung ayaw mong ma-freeze ang lahat ng accounts mo at wala kang makuhang kahit na ano mula sa amin ay sumunod ka," dagdag pa ni Papa Raymart. "This conversation is over. Go back to your room now."

Tumalikod na si Raine at naglakad patungo sa hagdan. Tuluyan na ring tumulo ang kanina pa pinipigilang mga luha. Gusto niyang magsisisigaw at magwala subalit walang magagawa ang mga iyon. Her whole life was ruined. Ang pag-asa niyang makahanap pa ng kahit katiting na kasiyahan ay tuluyan nang naglahong parang bula. Bakit ba ganito na lang kahigpit ang mundo sa kanya?

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon