Chapter 1.1

7.6K 122 0
                                        

"MABUTI na lang at pinayagan na tayo nina Papa at Mama na umuwi. Ni minsan talaga ay hindi ako nag-enjoy sa mga grand events na iyan ng kompanya nila. Nag-e-enjoy ka ba doon, Raine?" tanong ng Kuya Steve niya na nagmamaneho ng sasakyan.

Umiling si Raine at niyakap ang stuffed toy na hawak. "Gusto ko umuwi na din. Maglalaro tayo, Kuya, please?" natutuwang tanong niya.

Masayang tumango si Kuya Steve at ibinaling ang tingin sa kanya. "Yup, pero matutulog na rin tayo pagkatapos. Gabing-gabi na at—"

Napatigil ito sa pagsasalita nang pareho silang masilaw ng matinding liwanag sa unahang parte ng sasakyan. Malakas na napasigaw si Raine at nakita ang pagtaklob ng katawan ng nakatatandang kapatid sa kanya...

Blackness...

The sound of metal to metal...

Blood...

Ang katawan ng kapatid niyang wala ng buhay...

Malakas na napasinghap si Raine at pabalikwas na bumangon sa kinahihigaan. Tumatagaktak na sa pawis ang katawan niya, may mga luha na ring naglandas mula sa kanyang mga mata. Napahawak siya sa ulo nang maramdaman ang pananakit niyon.

Iginala ni Raine ang paningin sa paligid at nalamang nasa living area siya ng bahay nila. Ibinaba niya ang tingin sa katawan. Nakasuot pa rin siya ng dress na suot kagabi nang nagpunta sa isang bar kasama ang ilang mga kaibigan. Hindi niya na namalayang dito na siya nakatulog sa sofa dahil sa sobrang kalasingan.

"Raine, hija, mabuti naman at nagising ka na," tinig iyon ni Manang Mylene – ang yaya na nag-aruga sa kanya simula pa pagkabata. Nasa forties na nito ang babae. May mga anak na ito subalit lahat ay nangibang bansa na. Lumapit ito sa kanya. "Ginigising kita kagabi para lumipat sa kuwarto mo pero lasing na lasing ka. Saan na naman ba kayo galing ng mga kaibigan mo?"

Bumuntong-hininga si Raine at tiningnan ang nag-aalalang mukha ni Manang Mylene. Ngumiti siya at sinubukang tumayo. Her head was still aching because of hangover. "Nagkasiyahan lang kami," sagot niya. "What time is it, 'Ya?"

"Alas-dos pa lang ng madaling-araw," sagot nito.

Kumunot ang noo niya. "Gising ka pa rin. Di ba sabi ko ay magpahinga na kayo lagi ng maaga para hindi humina ang resistensya n'yo?" nag-aalalang paalala niya pa. Naging malapit na sa kanya si Manang Mylene, ito na ang itinuring niyang pamilya.

"Nakatulog na ako," anito. "Nagising lang ako nang marinig ko ang pagsigaw mo," may pag-aalala nang bumahid sa mga mata ni Manang Mylene. "Nanaginip ka na naman ng masama, tama?"

Iwinagayway ni Raine ang isang kamay. "Don't mind it, 'Ya," pag-iwas niya sa topic. "Aakyat na ako sa kuwarto para ituloy ang pagtulog. You should go back to sleep, too," akmang hahakbang na siya palayo nang marinig ang muling pagsasalita ng yaya.

"Baka maya-maya ay dumating na ang mga magulang mo galing Hong Kong," wika ni Manang Mylene. "Tumawag ang Mama mo kagabi at sinabing maghanda ng umagahan para sa kanila. Gumising ka ng maaga para magkasabay-sabay kayo sa pagkain."

Umismid si Raine. "Wala namang ipagkaka-iba kung magsasabay kami o hindi," malamig na tugon niya. "Mas maayos pa ang buhay ko 'pag nasa ibang bansa sila, bakit kailangan pa nilang umuwi dito?" iyon lang at naglakad na siya palayo. Hindi niya na rin pinag-ukulan ng pansin ang pagtawag ng yaya.

Nang makarating siya sa ikalawang palapag ng bahay at makapasok sa loob ng sariling kuwarto ay agad na sumandal sa pinto. She never wanted to talk about her parents, kung magulang nga bang matatawag ang mga ito. Wala siyang matandaang pagkakataon na itinuring siya ng kanyang Mama at Papa bilang isang anak. Wala ang mga ito sa tabi niya tuwing kailangan ang paggabay at pagsuporta. Mas mahalaga pa para sa mga magulang ang negosyo simula pa noon.

Ilang ulit na humugot ng malalim na hininga si Raine para kalmahin ang sarili. Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto.

The whole room spoke elegance and luxury. It was vast and the wall had a warming effect made of natural wood stones. King-sized bed ang nasa gitnang parte ng kuwarto na may concrete headboard wall. Sa isang parte ng dingding na malapit sa kama ay naroroon ang wall murals na ginawa niya. She liked arts, especially murals. Isa iyon sa mga past times niya kapag nabo-bore siya at kailangan ng mapapaglibangan.

Ang kuwartong ito ang naging kuwarto niya na mula pa pagkabata. Isa lang ito sa mga karangyaang natatamasa niya sa buhay. Her parents were one of the richest businessmen and businesswomen in the country. Hindi na siya magtataka doon dahil wala namang inintindi ang mga ito kundi ang palaguin ang negosyong pag-aari ng mga ito.

Sa pagkakaalam ni Raine ay dalawang malaking kompanya ang minana ng mga magulang sa kanya-kanya nitong pamilya noon. Nagsama na lang iyon simula ng magpakasal ang mga ito. Wala naman talagang halaga sa kanya ang Garcia Organization kaya hindi niya na inaalam ang mga nangyayari dito.

Lumakad siya patungo sa sariling kama at nagpasyang ituloy na lamang ang naudlot na pagtulog. Tinatamad na rin siyang magpalit ng damit kaya inabot niya na lamang ang asul na throw pillow na may disenyong maliliit na mga puso. Iyon ang paborito niyang unan na binigay sa kanya ng kapatid noong huling Pasko na kasama niya ito.

Her brother, Steve, was eighteen when he died. Sampung taong gulang pa lamang siya ng panahong iyon. Ang trahedyang iyon ay hindi mawala-wala sa isipan kaya madalas niya pa ring napapanaginipan.

At tanging ang unan lamang na ito ang nakakapagpawala ng mga nightmares na iyon. Maybe because she believed her brother when he casted a spell on this pillow back then kahit alam naman niyang hindi totoo. Sinabi nitong nakakapagpaalis daw ng masamang panaginip ang unan na iyon kaya ibinigay sa kanya. Noong bata pa kasi siya ay madalas na siyang managinip ng tungkol sa mga nakikita niyang pinapanood ng kapatid. Iyon siguro ang dahilan kaya binigyan siya ng ganito ni Steve. Well, tuwing niyayakap niya naman ang unan na ito ay nahihimbing nga siya sa pagtulog.

She missed her brother so much. Isinubsob niya ang mukha sa unan at naramdaman ang pagdaloy ng mga luha. Those nightmares of their accident back then kept on haunting her. Hinding-hindi niya pa rin makalimutan ang ginawang pagsangga ng kapatid sa kanya para lamang masiguro ang kaligtasan niya.

Isang napakabuting kapatid ni Steve para kay Raine. Kahit na kulang siya sa atensiyon ng mga magulang ay pinunan naman iyon ng kuya niya. Hindi niya pa rin maunawaan kung bakit kinuha agad ito sa kanila ng ganoon kaaga. Hindi na lang sana sila umalis sa party na iyon noon. Hindi na sana siya pumayag na sumama sa kapatid. Kung nagpaiwan siya sa party noon ng kompanya ng mga magulang ay siguradong hindi rin aalis ang Kuya Steve niya. He never left her back then. He had always been a guardian to her. Pero hindi pa rin matanggap ni Raine na iniwanan na siya nito habang-buhay.

Wala nang nakakaintindi sa kanya. Wala nang gagabay at magpo-protekta sa kanya. Wala na siyang masasandalan tuwing nalulungkot siya at may problema. Wala na.

Noon ay naging napakaliwanag at napakasaya ng bahay na ito para sa kanya dahil sa kanyang kapatid. Pero nawala na rin ang lahat ng iyon. This place was hell for her now. Isa na lang itong lugar kung saan matutulog siya, magpapalit ng damit at kakain. Mas nais niyang manatili sa labas para humanap ng kasiyahan – kasiyahang hindi naman magawang matagpuan kahit na minsan.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon