Chapter 21.2

3K 68 0
                                    

"PLANO na nilang ilabas sa market ang ilan sa mga designs ko," masayang wika ni Raine habang inaayos ang suot na long-sleeved polo ni Riley. Kauuwi lang nila galing sa trabaho nang hapong iyon at pansamantala siyang nagpapahangin sa pool area. "Hindi pa rin ako makapaniwala na may bibili at magsusuot na ng mga damit na ako mismo ang nag-design."

Nakangiti lamang si Riley habang nakatitig sa kanya. Hindi man ito sumagot ay kitang-kita naman sa mga mata ang pagmamalaki. At masaya na si Raine doon.

Isang linggo na simula nang pumasok sila sa isang relasyon ni Riley at sa bawat araw na nagdaan ay patuloy lang na nadadagdagan ang kasiyahang nararamdaman ni Raine.

Inabot ni Riley ang isang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. Hindi inalintana ni Raine ang higpit ng pagkakahawak ng lalaki. That was the only way she wanted him to hurt her. Dahil doon ay naaalala niya kung gaano ito kalakas para protektahan siya sa lahat-lahat.

Sabay silang napalingon sa tabi nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Bahagya siyang lumayo sa lalaki nang makita ang paglapit ni Manang Mylene. "Raine, may bisita ka," wika nito.

Kumunot ang noo ni Raine. Sino naman kaya ang bibisita sa kanya ngayong hapong ito? Nais niya sanang magpahinga pero wala na naman siyang nagawa kundi ang sumunod sa yaya hanggang sa living area.

Nagulat pa siya nang makita si Terrence na nakaupo sa couch. Agad itong tumayo at ngumiti nang makita ang paglapit niya.

"Raine," iniabot ng lalaki sa kanya ang hawak na isang bouquet ng red roses.

Nagtataka man ay inabot na rin iyon ni Raine. "Para saan naman ito?" tanong niya pa. At ano na naman bang ginagawa ng lalaking ito dito?

Nakibit-balikat lang si Terrence bago siya hinila paupo sa couch. "Sabi ko nga sa'yo, 'di ba? I want to win you back," kumindat pa ito. "Kasing-ganda ka ng mga bulaklak na 'yan."

Inilapag ni Raine sa mesitang nasa harap ang bouquet. "Hindi ba sinabi ko na rin sa'yo na tapos na tayo?" naiinis na paalala niyang muli. "Hindi na magbabago ang desisyon ko kahit na ano pa ang dalhin mo dito."

Tumawa lang si Terrence, tila ba hindi naiintindihan ang kanyang mga sinabi. "Anyway, I came here to invite you," pag-iiba na lamang ng binata sa usapan. "May party sa bahay mamaya. It's a late welcome party for me, kasabay ang kaarawan ni Papa. Inimbitahan ng mga magulang ko sina Tito Raymart at Tita Lucy. I heard pupunta sila kaya sumama ka na rin."

"Bakit kailangan ko pang sumama?"

"Gusto ka ring makita nina Papa at Mama," ngumiti pa si Terrence. "Just have some fun. Mukhang hindi na ikaw ang Raine na nakilala ko, ah? Ang babaeng hindi tumatanggi sa kahit na anong parties."

Sumulyap si Raine kay Riley na nakatayo lamang hindi kalayuan sa kanila. Nakatingin lamang ang lalaki sa unahan katulad ng dati nitong ginagawa.

Bumuntong-hininga siya at ibinalik ang tingin kay Terrence na naghihintay ng sagot. "Pupunta na ba tayo doon ngayon?" tanong niya.

Tumango si Terrence. "You can ride my car," pinasadahan pa nito ng tingin ang suot niyang dark blue dress. "Puwede na rin 'yang suot mo. You look hot."

Tiningnan ni Raine ng masama ang lalaki. Kung anu-ano talaga ang lumalabas sa bibig nitong pambobola. "Sasakyan ko na lang ang gagamitin ko para makakauwi ako kung kailan ko gusto," tugon niya. Siguro ay mananatili lamang siya sa party na iyon ng ilang oras. Magpapakita lamang siya sa mga magulang ni Terrence at babati.

Matagal na rin naman siyang hindi nakakapunta sa isang party dahil sa pagiging abala sa trabaho. Wala namang magiging problema kung kasama niya si Riley. She just needed to socialize for a little bit.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon