Chapter 22.2

3.4K 72 1
                                    


PARANG isang batang tuwang-tuwa si Raine nang makapasok sila ni Riley sa beach resort na pinuntahan para ngayong araw ng Valentines. Inabot din sila ng mahigit limang oras na biyahe. Mag-o-overnight sila sa lugar na ito at sabik na sabik na siyang lumikha pa ng maraming memories kasama ang nobyo.

"Wow, ang ganda ng dagat, oh," turo niya sa kumikislap na karagatan hindi kalayuan. Ikinawit niya ang mga kamay sa braso ni Riley, dala ng lalaki ang backpack na kinalalagyan ng ilang mga damit nila. "Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakakita ng dagat."

Ngumiti si Riley at itinaas ang hawak na susi ng cottage na tutuluyan nila. "Ilagay muna natin sa cottage ang mga gamit at magpalit ng damit," sabi nito. "Kumain na rin tayo dahil kanina pa ako nagugutom."

Tumango si Raine at sumunod lamang sa lalaki. Nang makarating sila sa loob ng cottage na tutuluyan ay agad niyang iginala ang paningin sa buong kuwarto. Hindi naman iyon ganoon kalaki subalit fully furnished naman at air-conditioned. May isang king-sized bed na nasa gitna at may sariling banyo.

Naupo si Raine sa malaking kama. Si Riley naman ay ipinatong ang dalang bag sa maliit na couch na naroroon. "Sigurado ka ba na ikaw lang ang magbabayad ng lahat ng gagastusin natin dito?" tanong niya pa.

"Valentines date natin ito," sagot nito. "Bilang lalaki ay dapat lang na ako ang magbayad para sa date na ito."

Ngumiti na lang si Raine at pinagmasdan ang nobyo. Binuksan nito ang bag para kunin ang summer shorts na balak isuot. Doon na mismo hinubad ng lalaki ang suot na pantalon at shirt para magpalit lamang ng shorts. Napanguso siya. Balak bang lumabas ng nobyo ng walang pang-itaas? Hindi niya gustong pagkaguluhan ito ng ibang mga babae pero ano bang magagawa niya. Nasa beach sila.

Tumingin sa kanya si Riley. "Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?" tanong nito.

Tumayo naman si Raine at lumapit dito. Iisa lamang ang bag na dala nila at doon niya na rin inilagay kanina ang sariling mga damit. "Magsa-shower lang muna ako," sabi niya.

Tumango lang naman ang nobyo bago tumungo sa kama para mahiga doon. "Gisingin mo ako kapag tapos ka na."

Naiiling na lang siyang napatawa at ipinagpatuloy ang paghahanap ng isusuot. Napatigil si Raine nang mapansin ang isang card na naroroon. Ganoon na lamang ang pagtalon ng kanyang puso nang mapansin na Valentine's card iyon.

Kinuha niya iyon at hinarap si Riley. "Para sa akin ba ito?" tanong niya pa.

Pabalikwas na napabangon ang lalaki sa kama bago marahas na bumuntong-hininga. "Binili ko lang 'yan kahapon," sabi nito. "Hindi ko na sana balak ibigay pero nakita mo naman."

Raine giggled. "Bakit naman hindi?" She was actually touched at his thoughtfulness. Hindi niya alam na may ganitong klase pa ng lalaki na magbibigay ng card sa nobya para sa isang espesyal na okasyon. Binuksan niya ang card at napalabi. "Bakit walang nakasulat?" Pangalan niya lang ang naroroon at simpleng quote na siya mismong naka-print sa card.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Riley. "Hindi ko alam ang isusulat ko," nahihiyang pag-amin nito.

Napailing na lang siya at ibinalik ang card sa loob ng bag. Itatago niya pa rin ang card na iyon pag-uwi nila sa bahay. Nang makita ang two-piece bikini na isusuot ay dumeretso na si Raine sa loob ng banyo para mag-shower at magpalit ng damit.

Ilang minuto lang siyang nanatili doon bago lumabas. She was now wearing a black two-piece bikini. "Let's go," masayang aya niya pa kay Riley.

Kitang-kita ni Raine ang panlalaki ng mga mata ng nobyo habang nakatingin sa kanya. "B-Balak mong lumabas ng ganyan lang ang suot?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon