Chapter 5.1

3.2K 80 0
                                    

"I'M DRIVING," mabilis na sabi ni Raine at hinanggit kay Riley ang susi ng sariling sasakyan. Nakita pa niya ang pagtutol sa mukha ng bodyguard at tinangkang kunin sa kanya ang susi.

Humakbang paatras si Raine bago marahas na ini-iling ang ulo. "Hindi ako uupo sa passenger's seat, Riley," puno ng katatagang wika niya subalit alam niyang may bumahid na pagmamakaawa doon.

Simula nang mangyari ang aksidente nila ng Kuya Steve noon ay hindi na siya umupo sa passenger's seat ng isang sasakyan. Mas nanaisin niya pang siya na mismo ang magmaneho.

Kumunot ang noo ni Riley. Marahil ay napansin nito ang takot at pangambang nararamdaman niya.

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Raine nang hayaan na lamang siya ng lalaki at umikot sa passenger's side para pumasok doon. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili bago pumasok sa loob naman ng driver's side.

Ngumiti siya at masuyong hinaplos ang manibela ng sasakyan. Sa wakas ay makakalabas na rin siya ngayong araw. Sumulyap siya sa tabi at nakitang nakatingin lamang sa unahan ang bodyguard.

Raine wore her own seatbelt and started the car's engine. Ipapakita niya sa lalaking ito kung gaano kahirap na sundan at subaybayan siya. Papagurin niya ito ng husto hanggang sa tuluyan nang sumuko. She had a whole day to do that.

Magsa-shopping muna siya dahil isang linggo niya ring hindi nagagawa iyon. Sisiguraduhin din niya na hindi naka-freeze ang kanyang mga accounts.

Walang imikang namagitan sa kanilang dalawa ni Riley hanggang sa makarating sa isang mall sa Ayala. Pagkalabas niya ng sasakyan ay nakasunod lamang sa kanya ang lalaki. He was wearing that black suit again, obvious na bodyguard niya talaga ito base na rin sa paglakad at pagtayo.

Ilang oras din ang inilagak niya sa pagsa-shopping at lahat ng shopping bags na pinamili ay hawak lamang ni Riley. Kung hindi dahil sa pananakit ng mga paa ay magtatagal pa si Raine sa mall. Hindi siya makapaniwala na animo'y walang nararamdamang pagod ang lalaki kahit na halos malibot na nila ang buong mall na iyon. Halatang sanay na talaga ito sa ganitong trabaho.

Pagkatapos ng shopping spree ay tumuloy sila sa coffee shop na pag-aari sa Ortigas para makipag-kuwentuhan sa mga kaibigang sina April at Megan. Kasama ni Megan ang lalaking tinutukoy nito noon na nakilala sa Batanes na Emman ang pangalan.

Guwapo naman ang lalaki at may magandang pangangatawan subalit kakaiba ngang talaga dahil parang isang batang kalalabas lang sa mundo. Natatawa na lang si Raine tuwing makikita ang pagtuturo ni Megan sa lalaki ng mga kailangan nitong gawin, lalo na gamit ang mga modernong bagay.

Naging masaya naman si Raine sa pagkakakita sa mga kaibigang ito. Inubos niya ang buong hapon sa pakikipag-kuwentuhan.

Nang magpaalam na sina Megan at ang alaga nitong si Emman ay sumulyap si Raine sa suot na relo. It was already past six in the evening. Ang sunod na plano niya ay pumunta sa isang club para ubusin ang natitirang oras sa araw na iyon. She missed clubbing and drinking with random people.

Napatingin siya sa kinatatayuan ni Riley. Pinagmasdan niya ang lalaki ng ilang sandali. Hindi niya alam kung paano pasusukuin ang lalaking iyon. Mukhang hindi tatalab ang ideyang papagurin niya ito ng husto.

Napaisip si Raine. Gusto niyang mag-enjoy sa gabing ito nang walang kabuntot na bodyguard. Ang tanging magagawa niya na lang ay tumakas.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nagdesisyong lumabas na ng café para tumungo sa club na nais puntahan.

Ilang minuto lang naman ay nakarating na sila sa isang kilalang club sa Quezon City. Agad na pumasok sa loob si Raine, kasunod si Riley. It was Saturday night kaya maraming tao sa lugar na iyon. That was better. Posibleng ma-execute niya ang planong pagtakas.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon