Chapter 18.1

2.9K 66 0
                                    

NAPA-ANGAT ng tingin si Raine kay Manang Mylene nang marinig ang pagtawag nito. Nasa living area siya ng mga oras na iyon at ipinapakita kay Riley ang mga bagong sketches na ginawa. Kakauwi lang nila galing sa kanyang trabaho.

"May bisita ka, Raine," wika ni Manang Mylene.

Bisita? Inilipat ni Raine ang tingin sa lalaking kasunod ng yaya at ganoon na lang ang pagkagulat nang makilala kung sino iyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch at sinalubong ang hindi inaasahang bisita. "Terrence," banggit niya sa pangalan ng lalaki.

Terrence gave her that boyish smile of his. "Sweetheart," bati nito sa kanya bago walang paalam na niyakap siya ng mahigpit.

Mabilis na lumayo si Raine sa lalaki at hinampas ito sa braso. "Sinabi nang huwag mo akong tawagin na ganyan," saway niya pa. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. He was still that playful guy like before.

Si Terrence Franklin ay isa sa mga dating nobyo niya. Matagal na siyang nakipaghiwalay dito dahil nasa college palang 'ata siya at mabilis na nagsawa. Subalit kahit ganoon ay hindi naman nawala ang pagkakaibigan nilang dalawa. Ilang taon ding hindi nagpakita sa kanya ang lalaki dahil sa pagkaka-alam ni Raine ay nagpunta ito sa ibang bansa.

Ngumisi si Terrence. "Akala ko lang naman ay makakalusot ako," sabi nito. "It's nice to be back here in the country. At ikaw ang una sa mga dinalaw ko," kumindat pa ang lalaki.

Napailing na lang si Raine at inanyayahan itong maupo. "Kailan ka pa bumalik? At bakit naisipan mo pang bumalik?" pagbibiro niya.

"Noong isang linggo lang," sagot ni Terrence. "Bumalik ako para suyuin muli ang magandang babaeng katulad mo."

Ipinaikot ni Raine ang mga mata. She wanted to cringe on what he said. Kahit kailan ay corny pa rin talaga ito. "Matagal na tayong tapos, Rence," mariing paalala niya sa lalaki.

Terrence laughed. "They said that love is sweeter the second time around, sweetie pie," pamimilit pa nito.

Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Alam mong hindi ako nakikipag-balikan sa mga ex-boyfriends ko so just find another woman to pester, okay?"

"Fine, fine," tinatamad pang sagot ni Terrence. Napasulyap ito sa kinatatayuan ni Riley. "Sino siya?" tanong nito.

Tinignan ni Raine ang bodyguard na nakatayo lamang at nakatingin sa unahan bago bumaling kay Terrence. "He's my bodyguard," tugon niya.

Malakas na napatawa si Terrence. "Wow, mukhang hindi na kinaya nina Tito ang pagiging wild mo, ah? Pinabantayan ka na talaga sa isang bodyguard," iiling-iling pa ito. "Wala naman siguro siyang pakialam kahit na halikan kita dito, ano?"

Ubod ng talim ang tingin na ibinigay ni Raine sa dating nobyo. "Kung balak mo lang akong asarin ng asarin sa pagparito mo ngayon, Terrence, malawak ang pinto at puwede ka nang lumabas."

"I'm just kidding, Raine," pagbawi ng lalaki. "Ang taray-taray mo pa rin talaga."

Naiiling na napasandal si Raine sa sandalan ng couch. Pagod na nga siya dahil sa trabaho, nadagdagan pa iyon dahil sa kakulitan ng Terrence na ito.

"Gusto ko rin sanang makita sina Tito pero mukhang wala pa sila ngayon," maya-maya ay dugtong ni Terrence.

"Nasa trabaho pa sila," tugon ni Raine. Ilang araw na simula nang makabalik ng bansa ang mga magulang niya subalit hindi niya rin naman ito masyadong nakikita dahil sa trabaho.

"Mukhang hindi pa rin ayos ang relasyon mo sa kanila, ah?" tanong nito.

Tiningnan niya ang lalaki bago mabilis ding nag-iwas ng tingin. "I'm used to it," Raine replied, dropping the subject that fast. Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol sa relasyon sa mga magulang. Tanging kay Riley lang naman niya nagagawang magsabi ng nararamdaman patungkol sa bagay na iyon.

Palihim na sinulyapan ni Raine ang bodyguard na animo'y estatuwa na naman sa pagkakatayo. Tila ba wala itong pakialam sa kahit na anong nangyayari as long as hindi naman mapanganib. Napalabi siya. Pero alam niyang hindi naman ito ganap na 'statue bodyguard' katulad ng malimit niyang isipin noon. He seemed to have feelings too. And he seemed to care as well. Hinihiling niya na sana ay ganoon nga iyon.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon