Chapter 8.2

3.2K 88 2
                                    

PASADO alas-nueve na ng gabi subalit abala pa rin si Raine sa pakikipag-kuwentuhan sa kaibigang si Molly. Masyado siyang nag-enjoy sa mga kuwento nito patungkol sa pinagdaanan sa ibang bansa para lamang mabuo ang fashion business na pag-aari ngayon. Napag-alaman din niya na malapit na itong ikasal sa nobyo ng ilang taon. Masaya si Raine para sa kaibigan dahil nakamit na nito ang pangarap at kasiyahang hinahangad.

Maganda at malaki ang bahay na ito ng kaibigan. Subalit hindi katulad ng sa siyudad ay hindi pa gaanong karaming mga establishments ang lugar na kinatatayuan nito. Siguro ay dahil sa tahimik na kapaligiran kaya dito napili ni Molly at ng mapapangasawa nito na bumili ng lupa at bahay.

Napasulyap si Molly sa bodyguard niyang si Riley na nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanila. "Your bodyguard is really good-looking, Raine," puna pa nito. "Maraming babae rin sa party na ito ang hindi maalis ang tingin sa kanya."

Ngumiti si Raine at ibinaling ang tingin kay Riley. Nakatayo lamang ito doon na parang isang estatuwa. Ni hindi man lang ito umiinom ng champagne kahit ilang beses niyang inalok kanina.

"Hindi mo ba siya type?" narinig pa niyang tanong ni Molly.

Gulat na ibinalik ni Raine ang tingin sa kaibigan. "A-Ano ba naman iyang tanong mo, Molly?" ini-iling niya pa ang ulo. "H-He's handsome, yes. Pero napakahigpit niyang tao at alam mo naman na ayoko nang pinapakialaman ako."

Tumango-tango na lang ang kaibigan bago ininom ang champagne na nasa hawak nitong baso. Sabay pa silang napatingin sa isang parte ng hall na pinagdarausan ng party na iyon nang marinig ang pagkabasag ng ilang mga gamit doon.

Napatayo sila nang mapansin na may dalawang lalaki ang nag-aaway, natumba na ang isa sa table na naroroon. Mabilis na tumakbo ang kaibigang si Molly patungo sa nagaganap na gulo, kasunod nito ang nobyo na sa pagkakatanda niya ay Gale ang pangalan.

Akmang hahakbang na rin si Raine papunta sa parteng iyon nang maramdaman niya ang pagpigil sa braso. Nalingunan niya si Riley na umiiling.

Tumango na lang siya. "Sana naman ay walang masaktan sa kanila," aniya.

Tiningnan ni Riley ang suot na relo bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Masyado na tayong ginabi sa lugar na ito, Ms. Garcia," sabi nito. "Mukhang kailangan mo nang magpaalam para makabalik na tayo sa Manila. Medyo nakainom ka at nagsisimula na ring magkagulo ang ilang bisita dito."

Iwinagayway ni Raine ang isang kamay sa lalaki. "Kaunti lang naman ang nainom ko, kaya ko pang magmaneho," inayos niya ang sariling buhok. "Pero magpapaalam na nga ako kay Molly."

Sinulyapan niya ang pinangyarihan ng gulo, mukhang naayos na naman iyon. Maya-maya ay nakita na ni Raine ang pagbalik ng kaibigang si Molly. Nilapitan niya ito. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango si Molly. "Yeah," bumuntong-hininga pa ito. "Mabuti naman at mabilis na naawat ni Gale ang mga lalaking iyon. Pasensiya ka na sa nangyari."

"It's alright, normal na naman iyon sa isang party na ganito," tugon ni Raine. "Pero, kailangan na naming umalis, Mo. Malalim na ang gabi."

"Ganoon ba?" tila nanghihinayang pang wika ng kaibigan. "Siya, sige. Salamat ng marami sa pagpunta dito, Raine. Hope to see you again," niyakap siya nito ng mahigpit.

"Thank you din and congratulations sa upcoming wedding mo," kinindatan niya pa ang kaibigan bago lumakad palayo, kasunod si Riley.

Pagkarating nila sa kinapaparadahan ng sasakyan ay agad na siyang pumasok sa loob ng driver's side. "Kumain ka ba ng hapunan?" tanong niya kay Riley nang makaupo ito sa passenger's seat.

"Oo," tumango pa ang lalaki. "Kinain ko ang binigay mo kanina," tumingin ito sa kanya. "Sigurado ka ba na kaya mo pang magmaneho?"

Nginitian ito ni Raine. "Oo nga, huwag ka nang makulit," she started to maneuver the car. "Gusto mo na naman 'atang mag-away tayo. Ang bait-bait ko na nga sa'yo."

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon