NAPATIGIL si Raine sa paglalakad sa lobby ng SSJ Fashion nang makilala kung sino ang lalaking pasalubong sa kanila ni Riley. Nagpunta siya dito nang hapong iyon kahit na Sabado dahil sa isang pinatawag na meeting para sa mga designers.
Tumigil sa mismong harapan niya ang aktor na si Fred Sullivan, nakangisi pa ang lalaki na para bang wala ito at ang asawang si Sunnie na ginawang kasalanan sa kanya noon. "Raine Garcia," iiling-iling pang sambit ng lalaki sa pangalan niya. Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang kabuuan. "Still as beautiful and hot as ever."
Naramdaman ni Raine ang init ng katawan ni Riley na tumabi sa kanya. Nang sulyapan niya ang bodyguard ay nakitang nakatingin na rin ito kay Fred, his face was serious. Siguro ay nakilala ng nobyo ang lalaki.
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Fred. "Anong ginagawa mo dito, Fred? Sa dami ng puwede kong makasalubong sa araw na ito ay ikaw pa," nasa boses ni Raine ang pagka-sarkastiko.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha ng lalaking iyon. "Hindi ko rin naman inaasahan na makakasalubong ko ikaw dito," nagkibit-balikat ito. "Apparently, isa ako sa mga napiling modelo ng kompanyang ito para sa darating nilang summer fashion show."
Marahas na napabuntong-hininga si Raine. Alam niya ang patungkol sa planong summer fashion show na iyon ng kompanya subalit hindi niya inaasahan na isa ang walang-modong lalaking ito sa mga magmo-modelo sa show. Laking pasasalamat niya na lang dahil hindi muna siya sumali sa show na iyon sapagkat kailangan niya pa ng mas maraming kaalaman pagdating sa mga summer wear.
"Hindi na kita nakikita sa mga clubs na pinupuntahan mo," pagpapatuloy ni Fred. "Masyado ka bang nasaktan sa ginawa ni Sunnie? Ang totoo gusto kong humingi ng pasensiya dahil doon. My wife has gone totally nuts, huwag mo na siyang intindihin."
Umismid si Raine. Nagagawa nitong sabihin ang mga bagay na iyon sa mismong asawa? Napakawalang-kuwentang lalaki talaga nito. "Hindi siya ang dahilan kung bakit hindi na ako nagpupunta doon," tugon niya. "Kung wala ka nang—"
"Sumama ka na lang dapat sa akin kaagad, Raine," putol ni Fred sa kanya. "Hindi sana nagkagulo nang ganoon kung pinagbigyan mo ako. Isang gabi lang naman ang hinihingi ko sa'yo, ah?" malagkit na ang pagkakatitig ng lalaki sa kanyang katawan.
Nagpanting ang mga tainga ni Raine sa narinig. Akmang hahakbang siya palapit sa lalaking iyon para sampalin ito subalit naunahan na siya sa pagkilos ni Riley. Nakita niya na lang ang pagbagsak ni Fred sa sahig dahil sa isang malakas na suntok na pinadapo ng bodyguard sa mukha nito.
Malakas na napamura si Fred at nanlilisik ang mga matang tiningnan si Riley. "F*ck you, man!" sigaw nito. Dali-dali itong tumayo nang makita ang ilang mga taong nakatingin na sa kanila. "Sino ba ang lalaking ito, ha?" pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ni Riley. "Bodyguard mo?" bumaling ito sa kanya.
"Oo," buong diing sagot ni Raine. "At sa susunod, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa kanya. Kung ayaw mong masira 'yang pangalang iniingatan mo sa publiko, tigilan mo na ako."
Dinuro siya ni Fred at mahinang minura. "I'm very sure that you're f*cking that bodyguard of yours too, bitch," bulong nito. "Nagpapakipot ka pa sa akin pero malandi ka naman."
Muli sanang susugurin uli ni Riley ang lalaki subalit agad na itong napigilan ni Raine. Muli silang minura ni Fred bago ito lumakad palabas ng building. Pakiramdam niya ay bigla siyang tinakasan ng lakas ng mga oras na iyon.
Mukhang naramdaman iyon ni Riley kaya agad siya nitong niyakap ng mahigpit. "Gustong-gusto ko nang patayin ang lalaking iyon," puno ng galit na wika nito. "Paanong nasasabi niya sa'yo ang mga salitang 'yon?"
Tumingala si Raine sa nobyo. "Wala ring mangyayari kung patuloy lang tayong makikipag-sagutan sa kanya," mahinang sabi niya. "Hindi rin maganda kung sasaktan mo pa uli siya. He's still a public figure. Maraming mga tao ang naririto ngayon. Ayokong makarating na naman kina Papa ang tungkol dito."
Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Riley para kalmahin ang sarili. Maya-maya ay hinaplos na nito ang kanyang pisngi. "Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango siya at ngumiti. Hindi na naman bago sa kanya ang mga salitang binitawan ni Fred kanina. May mas malala pa siyang narinig noon mula sa ibang mga tao. "Let's go," aya niya sa lalaki. "Baka nagsisimula na ang meeting."
Hindi na naman nagsalita si Riley at sumunod na lang sa kanya. Kung wala siguro ito ay malamang na sira na naman ang kanyang mood sa buong araw. Having him on her side was pure bliss. Riley was the man who could take away all the tears, fears, worries and sadness in her. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal niya ang lalaki.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess
RomantizmRaine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only...