Chapter 20.1

3.2K 73 0
                                    

ALAS-SINGKO na ng umaga subalit hindi pa rin magawang makatulog ni Riley. Inubos niya lamang ang buong magdamag sa kakamasid kay Raine na natutulog lamang sa tabi niya, nakapaunan ang babae sa isang braso niya habang nakayakap ang isang kamay sa kanyang katawan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapaniwalaan ni Riley ang lahat ng nangyari sa kanila nang nagdaang gabi. Paulit-ulit niyang itinatanong sa isipan kung totoo ba ang lahat ng ito? At iisa lang ang sagot. Yes, he did made love to this woman beside him.

Hindi niya nagawang kontrolin ang sarili kagabi kaya tuluyan nang naganap ang bagay na ito sa pagitan nila. It had been a very long time since he brought a woman to bed like this. At inaamin niya sa sarili na sa lahat ng babaeng nakasama sa kama ay tanging si Raine lamang ang nakapagbigay ng kakaibang satisfaction at kasiyahan sa buong pagkatao.

Pero hindi tama ito. Hindi niya dapat sinamantala ang kahinaan ng babae. Hindi tamang ginagawa niya ito sa babaeng pinagta-trabahuhan. Siguradong kapag nalaman ito ng mga magulang ni Raine ay agad siyang matatanggal sa trabaho.

Riley shook his head to put some sense in it. He had rules, remember? May mga batas siyang sinusunod sa ganitong trabaho. At isa sa mga batas niya sa sarili ay maglagay ng distansya sa mga kliyente. He should never complicate things. Hindi tama ang ginawa niyang ito. Hindi makatwiran.

Raine offered herself to him pero dapat ay ginawa niya ang lahat para tanggihan ito. Malungkot ito nang nagdaang gabi at sinamantala niya iyon. Anong klase ng lalaki siya? Damn him!

Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Riley para kalmahin ang sarili bago maingat na kinalas ang pagkakayakap ng babae. Kailangan niya nang lumabas ng kuwartong ito bago pa may makakita sa kanya. Hindi niya gustong pag-isipan ng masama ng ibang tao si Raine. Hindi niya gustong sirain ang tiwala ng mga magulang nito na po-protektahan niya ang anak ng mga ito.

Ginawa niya ang lahat para makapagbihis ng hindi lumilikha ng kahit na katiting na ingay. Hindi niya gustong gisingin si Raine. Hindi niya na alam kung ano pa ang mukhang maihaharap sa babae, lalo na sa mga magulang nito.

Gustong pukpukin ni Riley ang sariling ulo dahil sa ginawa. He was supposed to protect Raine, subalit hindi niya nagawang protektahan ang babae sa sarili. Paano niya nagawa ito?

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon