Chapter 28.2

2.8K 67 1
                                    

PASADO alas-dos na ng umaga subalit hindi pa rin magawang makatulog ni Raine. Nakamasid lamang siya kay Riley na himbing na sa pagtulog matapos siyang angkinin ng ilang beses.

Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ng nobyo. Paulit-ulit lamang sa kanyang isipan ang sinabi ni Megan nang nagdaang gabi. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matigil na ang paghihirap nilang ito.

Napatigil si Raine sa paghaplos sa mukha ni Riley nang makita ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata ng lalaki. Nakakunot-noong tumingin ito sa kanya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" magaspang na tanong ng nobyo mula sa pagtulog.

Ngumiti siya. "Hindi pa ako inaantok," bulong niya bago kinintalan ng halik ang pisngi nito. "Gusto ko pang pagmasdan ka." She had already memorized every part of him but she still wanted to keep on staring.

Ipinulupot ni Riley ang isang kamay sa katawan niya para yakapin ng mahigpit. Her face was buried so hard in his chest she could hardly breathe.

Pinilit ni Raine na tumingala subalit agad din namang ginantihan ang yakap ng nobyo. "Puwede ba akong magpadala ng mensahe sa'yo pag-uwi mo sa Pilipinas mamaya?" mahinang tanong niya, pinipilit na huwag magpakita ng kalungkutan.

Ibinaba ng lalaki ang tingin sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

Nagpatuloy si Raine. "Puwede bang pakiabot ng pasensiya sa boss ko sa SSJ Fashion na si Stacey? Pasensiya na kamo kung bigla akong nawala sa trabaho," iniyuko niya ang ulo. "Siguro ay masama na ang tingin nila sa akin dahil hindi man lang ako nakapag-paalam."

Itinaas ni Riley ang kanyang mukha para pakatitigan sa mga mata. "Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat," mahinahong sabi nito. "Maiintindihan ka nila, sigurado 'yon. Hindi mo naman ginusto ito."

Nawala naman kaagad ang pag-aalala ni Raine dahil sa sinabi ng nobyo. Pinakatitigan niya lamang ang itim na mga mata nito, nakikita niya ang sarili sa mga matang iyon. "Saan ka nga pala tumutuloy sa Pilipinas noong tapusin ni Papa ang trabaho mo sa akin?" naisipan niyang itanong para lamang marinig ang boses nito.

"Sa amin sa Cagayan," tugon ng nobyo, hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

Napalabi si Raine. "Kung ganoon, malimit na naman kayong magkita ni Dinah?" mahihimigan na naman ang pagseselos sa tinig niya.

Ngumiti si Riley at dinampian ng mabilis na halik ang tungki ng kanyang ilong. "Sinabi ko na sa'yong hindi ako titingin sa ibang babae, 'di ba? 'Wag ka nang magselos sa kanya."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa lalaki at hinalikan ito sa mga labi. Nagtitiwala naman siya dito. "I love you," puno ng pag-ibig na bulong ni Raine.

Kitang-kita ang pagkislap ng mga mata ni Riley. "I love you more," tugon nito.

Malawak na napangiti si Raine, sobrang bilis na ng pintig ng puso sa dibdib. "Show me," she murmured. "Make love to me again, Riley."

Ngumisi ang nobyo at mabilis na pumaibabaw sa kanya. "Wag kang magrereklamo na hindi ka na makakalakad mamayang umaga, ha?" pagbibiro pa nito.

Malakas siyang napatawa at marahang hinampas ang balikat ng nobyo. Wala siyang pakialam kung mangyari man 'yon. Malapit na itong umalis at nais ni Raine na lubusin ang mga oras na kasama pa ito.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon