Chapter 15.2

2.8K 75 0
                                    

INAYOS ni Raine ang suot na black evening gown na suot nang mapatapat sa pinto ng kuwarto ni Riley sa bungalow house na tinutuluyan nito. Backless ang gown na suot niya at nababakat ang hubog ng kanyang katawan. Maayos rin ang pagkakapusod ng kanyang mahabang buhok at simple lamang ang make-up na nasa mukha.

Ngayong gabi ang pinakahihintay niyang fashion show ng SSJ Fashion kung saan kasama sa mga irarampa ng mga modelo ang designs na ginawa at pinaghirapan niya. Kanina pa kabadong-kabado si Raine subalit naniniwala naman siya na magiging successful at masaya ang gabing ito katulad ng paulit-ulit na paalala ni Riley.

Akmang kakatok na siya sa pinto ng kuwarto ng lalaki nang biglang magbukas iyon. Nakita pa ni Raine ang pagkagulat ni Riley sa pagkakita sa kanya. Hindi niya rin napalampas ang paghagod ng tingin ng lalaki sa kanyang kabuuan.

Heat travelled in her whole being but she tried hard to ignore it. Kumunot ang noo niya nang makitang walang necktie na suot ang lalaki. Maayos naman ang black suit na suot nito subalit kulang pa rin iyon. "Bakit hindi ka nakasuot ng tie?" nagtatakang tanong pa ni Raine.

Napakamot sa ulo si Riley. "Kailangan ko pa bang isuot 'yon? Tatayo lang naman ako sa isang tabi."

Itinulak niya pabalik sa loob ng kuwarto ang lalaki. "It's a formal event, mas maganda pa rin kung kumpleto ang pagkaka-ayos mo." Napatigil si Raine nang may maisip. Ni minsan ay hindi pa niya nakikitang nagsuot ng necktie ang lalaki kahit na ibinili niya naman ito noon. "Hindi ka ba marunong magsuot ng necktie?" nagdududang tanong pa niya. Pinigilan niya ang sariling mapatawa sa kaisipang iyon.

"Siyempre marunong ako," napailing pa si Riley na parang sinasabing isang malaking kalokohan ang tanong na iyon. "Hindi lang ako sanay na magsuot niyon dahil ayoko ng nahihirapan ako sa paghinga."

May pagdududa pa rin si Raine sa sagot na iyon ng lalaki pero hindi niya na pinalawak ang usapin. Tinanong niya dito kung nasaan ang necktie at kumuha ng isang babagay sa suot nito.

Muli siyang lumapit sa kinatatayuan ni Riley at siya na mismo ang nagtali ng necktie sa leeg nito. "Gusto ko pa rin na magsuot ka nito," sabi niya. "Sayang naman ang binili ko kung hindi mo gagamitin."

Hindi na naman tumutol ang lalaki at hinayaan na lamang siya. Nang matapos sa ginagawa ay pinasadahan ni Raine ng tingin ang kabuuan nito. Napangiti siya. He really looked so dashing. Hindi aakalain ng kahit na sino na bodyguard niya ito.

Inabot ni Raine ang necktie na suot ng lalaki bago tumingin sa mga mata nito. Riley was staring at her, too. And she was sure that there was admiration in his eyes. Hindi niya napigilan ang malakas na pagtibok ng puso dahil doon.

"I need something," maya-maya ay bulong niya.

Kumunot ang noo ni Riley. Subalit bago pa ito makapagsalita ay nahigit na ni Raine ang necktie ng lalaki para maibaba ang ulo nito. Then her lips met his for a quick kiss.

"A good luck kiss," she murmured. Pagkasabi niyon ay mabilis niya nang hinila ang lalaki palabas ng kuwarto. Hindi pa rin natitigil sa mabilis na tibok ang kanyang puso.

Wala nang pakialam si Raine sa sasabihin o iisipin ng lalaki. She wanted to kiss him kaya ginawa niya iyon. At ang brat na tulad niya ay ginagawa ang lahat ng nais gawin.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon