Chapter 21.1

3.1K 77 0
                                    

HINDI pa rin magawang ialis ni Riley ang tingin sa natutulog na mukha ni Raine sa mga bisig niya. Itinaas niya ang isang kamay para marahang hawiin ang buhok na nakaharang sa magandang mukha nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi pa rin niya magawang paniwalaan na pumayag siyang makipag-relasyon sa babae. Subalit ano pa ba ang magagawa niya? Maging siya ay hindi na magawang layuan ito, hindi niya na rin magawang pigilan ang sarili tuwing nakikita at lumalapit ang babae sa kanya.

Wala nang magagawa si Riley kundi ang tanggapin na natalo siya. Simula pa noon ay hindi pa niya nagagawang pumalpak sa trabaho, ni minsan ay hindi siya sumira ng batas ng kahit na sino, lalo na ang batas para sa sarili. Pero natalo na siya ngayon.

He needed to break his own rules in order to stay with this woman. Gusto niyang pasayahin ito hanggang sa abot ng kanyang makakaya. Raine had given everything to her, including her precious virginity. Dapat lang na ibigay din niya ang lahat-lahat sa babae.

Right, hindi dapat siya matakot. Ang dapat lang niyang gawin ay protektahan at ipaglaban ang babaeng ito hanggang sa huling hininga. Wala na siyang pakialam sa sasabihin o iisipin ng iba. Wala na siyang pakialam kung mawalan man siya ng trabaho. He wanted to be with her. He wanted to stay with her. He wanted to take good care of her for as long as he lived.

Ngumiti si Riley bago dinampian ng halik ang mga labi ni Raine. Her lips were the sweetest thing he ever tasted all his life. Naramdaman niya ang bahagyang paggalaw ng babae, umiba ito ng posisyon. Kinalas nito ang pagkakayakap sa katawan niya para tumalikod ng higa.

Naiiling niya na lang itong niyakap sa baywang mula sa likod. He pressed his hard body on her softness. Isinubsob ni Riley ang mukha sa mahabang buhok ni Raine. Her sweet, natural aroma assaulted her senses. She smelled so damn good.

Kahit pagod na ay hindi pa rin napigilan ni Riley ang pagre-react ng sariling katawan. Alam niya na kailangan din ni Raine ng tulog dahil may pasok pa ito sa trabaho kinabukasan subalit unti-unti na naman siyang nilulukob ng matinding apoy.

His one hand slide up to her full, soft breast and gently kneaded it while his lips started kissing her neck. Raine had the most perfect breast he ever seen and touched. Isa iyon sa pinaka-paborito niyang parte ng babae na hinding-hindi na mawawala sa pagkakatatak sa kanyang isipan.

Ilang sandali lang ay narinig na ni Riley ang mahinang pag-ungol ni Raine. Marahan itong pumihit paharap sa kanya, may isang matamis na ngiti na sa mga labi ng babae. Higit na mas maganda ang ngiting iyon sa kauna-unahang ngiti na nakita niya sa mga labi nito – iyon ay nang namimitas ito ng mga bulaklak noon sa greenhouse ng mga ito at tinitingnan ang isang paru-paro na dumapo sa mga hawak na rosas.

He had never seen such a beautiful woman smiling like that all his life. At ngumingiti ito dahil lamang sa simpleng mga bagay. Subalit iba ang nakikita niyang ngiti ng babae ngayon. Her smile now was more beautiful, sweeter. At para sa kanya ang ngiting iyon. Para sa kanya.

Marahang pinaglandas ni Raine ang isang kamay sa dibdib niya. "Bakit mo ako ginigising?" lumabi pa ito na kunwa'y nagtatampo.

Hindi na sinagot ni Riley ang babae at agad na sinakop ang mga labi nito. Iyon na ang sagot niya. Ginising niya ito upang muling angkinin, upang muling maibigay ang kasiyahang nais nitong matanggap.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon