IMINULAT ni Raine ang mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga sa sariling kama. Gabi na subalit hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalalang kanyang nararamdaman para kay Riley. Kanina sa ospital ay sinigurado naman ng doktor na tumingin sa lalaki na hindi malala ang pagkabali ng kanang kamay nito. Kinailangan lang iyong bendahan. Ilang araw lang daw ay magagawa na uli iyong maigalaw.
Humugot siya ng malalim na hininga bago nag-desisyong puntahan si Riley sa tinutulugan nito. Sisiguraduhin lang niya na wala na itong ibang nararamdamang sakit.
Pagkalabas niya ng bahay ay agad na dumeretso si Raine sa bungalow house na siyang nagsisilbing tirahan ng mga guards nila. Sa pagkakatanda niya ay may apat na kuwarto doon at sa pangalawang pinto natutulog si Riley – base na rin sa nabanggit sa kanya ng lalaki minsan.
Maingat siyang pumasok sa loob ng bungalow house na iyon. Laking pasasalamat ni Raine dahil wala siyang ibang nakitang tao doon. Lumakad siya patungo sa pangalawang pinto at marahang kumatok.
Ilang sandali lang ay nakita niya na ang pagbukas ng pinto. Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Riley dahil sa hindi inaasahang pagkakita sa kanya.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
Sinulyapan ni Raine ang kanang kamay ng lalaki na may benda. Siya na mismo ang nag-imbita sa sarili na pumasok sa loob ng kuwarto. "G-Gusto ko lang alamin kung ayos ka na talaga," nahihiyang wika niya.
Isinara ni Riley ang pinto bago muling humarap sa kanya. "Maayos na ako," mahinahong tugon nito. "Hindi ba sinabi naman ng doktor na hindi malala ang nangyari sa akin."
Tumango-tango si Raine. "Wala na bang ibang masakit sa'yo?"
Gumuhit na ang isang ngiti sa mga labi ng lalaki. "Wala na," anito. "Huwag ka ng mag-alala. Ikaw? Sigurado bang wala talagang masakit sa'yo?"
Muli siyang tumango bago iginala ang paningin sa kuwarto. Simple at maaliwalas ang interior ng kuwartong iyon. She could also smell Riley's scent there. Itinuon niya ang paningin sa kamang naroroon. Iyon ang kamang tinutulugan ng lalaki, siguradong nakadikit na rin doon ang mabangong amoy nito.
Kumunot ang noo ni Raine nang mapansin ang nakapatong na damit sa kama. Ibinalik niya ang tingin kay Riley at noon lamang napansin na hindi pa pala ito nakakapagpalit ng damit. Nakasuot pa rin ito ng light-blue long-sleeved polo na suot kanina.
"H-Hindi mo ba magawang makapagpalit ng damit?" nag-aalalang tanong niya.
Sumulyap si Riley sa damit na nasa ibabaw ng kama. "Medyo nahihirapan lang ako pero magagawa ko rin ito," ngumiti pa ito.
"Masakit talaga ang kamay mo, ano?" malungkot na tanong ni Raine. "I'm sorry, dahil sa akin ay—"
"Hindi mo kasalanan ito, Raine," putol sa kanya ni Riley. "Bodyguard mo ako. Trabaho kong protektahan ka kahit na kapalit pa ang buhay ko."
"But I don't want that to happen," usal niya, iniiwas ang tingin sa lalaki. Hindi niya gustong mapahamak pa ang lalaki dahil sa kanya.
Riley chuckled. "I'll be fine, Raine. Huwag mo nang lukutin 'yang mukha mo sa pag-aalala sa akin."
Humugot na lang ng malalim na hininga si Raine bago humakbang patungo sa kama para kunin doon ang damit ng lalaki. It was a button-up shirt.
Isinakbit niya muna sa balikat ang damit bago muling bumalik sa kinatatayuan ni Riley. "Ako na lang ang magbibihis sa'yo ngayon para hindi ka na mahirapan," pag-ako niya na ikinagulat ng lalaki.
Ibinuka ni Riley ang bibig para sana tumutol pero naunahan niya na ito.
"Huwag ka ng tumutol," ani Raine. "Ito na lang ang magagawa kong kapalit ng pagliligtas mo sa akin kanina."
Nang marahil ay makita ang kaseryosohang nasa mukha niya ay hindi na ito nagsalita. Itinaas ni Raine ang mga kamay para simulang buksan ang butones ng suot na polo ng lalaki.
Tumingala siya dito at napatigil nang makita ang matiim na pagtitig ni Riley. Her heart pounded in her chest wildly as she stared at his smoldering dark eyes. Mas lalo pang lumakas ang pagtibok niyon nang mapagtanto ang ginagawa.
She was undressing this man in front of him. Kung sinoman ang makakita sa kanila sa ganoong posisyon ay siguradong mag-iisip ng kung ano.
Mabilis na iniiwas ni Raine ang tingin sa lalaki at ipinagpatuloy ang ginagawa. Matapos mabuksan ang polo na suot nito ay maingat niyang hinubad iyon dito. Ginawa niya ang lahat para hindi madali ang kamay ng binata na may benda. Ginawa niya rin ang lahat upang hindi mapagtuunan ng pansin ang magandang pangangatawan ni Riley sa harapan.
Hanggang sa matapos niya ang pagbibihis dito ay hindi pa rin natitigil ang malakas na kabog ng puso ni Raine. Natatakot siya na baka marinig na iyon ng lalaki.
Isang mahabang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi pa rin magawang tingnan ni Raine ang lalaki. Hindi niya kasi alam kung ano ang maaaring makita nito sa kanyang mga mata.
Nabasag ang katahimikan nang marinig niya ang pagtikhim ni Riley. "Kaya ko na sigurong palitan ang pantalon ko mag-isa," anito.
Pinamulahan ng mukha si Raine dahil sa sinabi ng lalaki kahit alam niyang nagbibiro lang naman ito. Mabilis niyang hinakot ang natitirang katinuan ng pag-iisip at minabuting magpaalam na. "K-Kung ganoon, m-magpapahinga na ako," nauutal na wika niya. "Magpahinga ka na rin para gumaling na ang kamay mo," iyon lang at dali-dali na siyang lumabas ng kuwartong iyon.
Pagkalabas ng bungalow house ay mabilis na dinama ni Raine ang magkabilang pisngi. Sobrang init pa rin niyon kahit na malamig naman ang gabi. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba nagkakaganito siya sa lalaking iyon? She had never felt like this in a man before, kahit na sa mga dating naka-relasyon. She must be insane.
BINABASA MO ANG
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess
RomanceRaine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only...