Chapter 29.5

3K 63 3
                                    

SAPILITAN si Raine na pinalabas ni Fred sa backseat ng sasakyan at kinaladkad patungo sa loob ng isang cabin na naroroon. Hilam na sa luha ang kanyang mukha habang walang tigil ang pagmamakaawa sa lalaki.

Hindi niya alam kung saang lugar sila naroroon, ang natatandaan lamang ay ang matatarik na mga daang dinaanan. Hindi naman magawang sumigaw ni Raine ng tulong dahil alam niyang walang katao-tao sa lugar na iyon.

Pagkapasok sa loob ay malakas siyang itinulak ni Fred pabagsak sa kamang naroroon. Mala-demonyong ngumisi ang lalaki habang nakamasid sa kanya. "Hindi na naman aabot sa ganito kung matagal ka nang pumayag na sumama sa akin," anito na tila isang baliw.

Tiningnan ng masama ni Raine ang lalaki. "Walang hiya ka! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!"

Nagkibit-balikat lamang si Fred at humakbang palapit sa kanya.

Sinubukan ni Raine na tumakas at nagtatakbo patungo sa pinto. Subalit bago pa niya marating iyon ay muli nang nahanggit ng lalaki ang kanyang braso. Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanyang mukha.

Bumagsak siya sa sahig at naramdaman ang matinding sakit sa mukhang dinapuan ng palad nito. Umiikot pa rin ang paningin ni Raine nang hilahin siya ni Fred pabalik sa ibabaw ng kama.

Puno na ng galit ang mukha ng lalaki habang tinatanggal ang suot na sinturon at itinali iyon ng mahigpit sa kanyang mga kamay. Nakita pa ni Raine nang ipatong ni Fred ang baril na mula sa likod ng pantalon sa bedside table na malapit sa kama, ganoon din ang susi ng sasakyan niya.

"Wala ka nang magagawa kundi ang tanggaping matitikman ko na rin 'yang katawan mong matagal mo nang pinapatakam sa akin," magaspang na wika ni Fred. "I want you so much, Raine, hindi mo ba makita 'yon? I'm offering you everything pero tinatanggihan mo pa rin ako. Hindi mo ako kilala," pumaibabaw na ito sa kanya. "Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko sa kahit na anong paraan."

Patuloy lamang na nagpumiglas si Raine sa ilalim ng lalaki. Umiiyak siya habang sumisigaw ng tulong nang maramdaman ang nakadidiring mga halik nito sa kanyang leeg. "No! No!" she cried. Hindi maaari! Hindi maaaring maangkin siya ng demonyong ito, hindi niya iyon mapapayagan. "Tulungan n'yo ako!"

"Walang makakarinig sa'yo," mariing wika ni Fred at sinimulang paglandasin ang mga kamay sa kanyang mga hita.

Mariing kinagat ni Raine ang pang-ibabang labi. Diring-diri na siya sa mga halik at haplos ng manyak na demonyong ito. Hinakot niya ang lahat ng natitirang lakas at malakas na tinuhod ang pagitan ng mga hita ni Fred.

Napapilipit sa sakit ang lalaki at bumagsak sa sahig. Mabilis na bumangon si Raine sa pagkakahiga at sapilitang inabot ang baril at susi na nasa bedside table.

Nagulat pa siya nang makita ang pagkasira ng pinto ng cabin na kinaroroonan. Tila biglang nawala ang lahat ng takot na nararamdaman ni Raine nang masilayan ang mukha ni Riley. Punong-puno ng galit ang mukha nito na siguradong makakapatay ng tao kung hindi mapipigilan.

"R-Riley..." hikbi niya.

Lumapit sa kanya ang nobyo para mabilis na kalasin ang sinturong nakatali sa kanyang mga kamay. Ito na rin ang umabot sa baril at susing nasa bedside table.

Habang patuloy pa rin sa pamimilipit at pagsigaw sa sakit si Fred ay sinamantala na nila ang pagkakataong makatakbo palayo. They immediately got inside the car.

Riley started the engine and drove off. Kitang-kita ni Raine ang panginginig ng lalaki dahil sa matinding galit. Sumulyap ito sa kanya at nanlaki ang mga mata nang marahil ay makita ang bakas ng ginawang pagsampal sa kanya ni Fred. "Damn him! Hayaan mo lang akong bumalik doon ay papatayin ko ang lalaking 'yon, Raine. Papatayin ko siya!" sigaw nito.

Marahas na ini-iling ni Raine ang ulo. "N-No..." she sobbed. "Umalis na lang tayo." Hindi niya gustong mabahiran ng dugo ang mga kamay ng nobyo dahil lamang sa demonyong iyon.

"D-Dapat ay binilisan ko pa," puno ng pagsisising wika ni Riley. "Dapat ay binilisan ko pa para hindi ka niya nasaktan," there was pain in his voice now.

Nagpatuloy lamang sa pag-iyak si Raine. "H-Huwag mong sisihin ang sarili mo. S-Sinundan mo ako, i-iyon ang mahalaga." Hindi man niya alam kung paano siya nasundan ng nobyo ay wala na iyong halaga. All that matters now was that Riley was here to protect her.

Subalit hindi pa pala sila titigilan ng demonyong iyon dahil ilang sandali lamang ay nakita nila ang isang humaharurot na sasakyan na sumasabay sa takbo ng kanila. Gamit na ni Fred ang isang sasakyan na nakita ni Raine kaninang nakaparada malapit sa cabin.

The tension between them increased when Fred's car kept on hitting theirs sideways. Malakas na napaiyak si Raine sa bawat impact ng dalawang sasakyan. No! No! Hindi nangyayari ito! Hindi maaaring mangyari ito! Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa seatbelt ng passenger's seat at pinilit na magpakatatag.

Nang tumingin siya sa unahan ay nakita ang pag-overtake ng sasakyan ni Fred. Inilipat ni Raine ang tingin kay Riley nang buksan nito ang windshield ng driver's side at ilabas ang kaliwang kamay na may hawak na baril. He fired three times, halos mabingi na siya dahil sa tunog niyon.

Raine saw Fred's car swerved on the road dahil saktong sa gulong mismo ng sasakyan tumama ang mga bala. Napasigaw na lang siya nang bumangga sa gilid ng daan ang sasakyan ni Fred at tuluyang nahulog sa bangin na naroroon.

Sobra-sobra na ang nasasaksihan niya at hindi na maipaliwanag ang takot na biglang bumalot sa kanyang pagkatao. Subalit mas higit pa iyong nadagdagan nang makitang lumampas na rin sa lane ang kanilang sasakyan at papasalubong na sa isang van.

Riley hurriedly stepped on the break. Nanlaki ang mga mata ni Raine nang maya-maya ay makita ang pagtaklob ng katawan ng nobyo sa kanya.

Then she heard the sound of metal hitting metal and every memories of the past came rushing back in her mind. Everything – the blackness, the fear, the emptiness, the pain, the sorrow and the dead body in front of her. Pagkatapos ay bigla na lang nawala ang lahat ng kanyang kamalayan.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon