Chapter 5.2

2.9K 77 0
                                    

HINDI na alam ni Raine kung gaano katagal na siyang nakatitig lamang sa mga rosas na nakalagay sa vase ng bedside table niya. Alas-sais na ng gabi ng mga oras na iyon subalit wala pang laman ang kanyang sikmura. Hindi siya lumabas ng araw na iyon dahil alam niyang hindi na naman mag-e-enjoy sa presensiya ng bodyguard.

Ilang linggo na ring nakasunod sa kanya ang bodyguard, hanggang ngayon ay wala pa ring maisip na paraan si Raine para mapaalis ito sa trabaho. Gusto niyang umiyak dahil sa helplessness na nararamdaman.

Inilipat ni Raine ang tingin sa pinto nang marinig ang pagkatok mula doon. Tinatamad pa siyang bumaba ng kama at pinagbuksan ang kung sinomang umaabala sa kanya.

Lumukot ang kanyang mukha nang makita ang mukha ni Riley. Ibinaba niya ang tingin sa tray ng pagkain na dala nito.

"Pinadadala ito sa'yo ni Manang Mylene," anito. "Hindi ka pa kumakain simula kanina."

Tiningnan niya ng masama ang lalaki. "Hindi ko pa gustong kumain," malamig na tugon niya.

"Hindi magugustuhan ng mga magulang mo kapag nagkasakit ka," dugtong pa ni Riley.

Umismid si Raine. "Wala silang pakialam sa akin." Muli na namang umusbong ang galit sa kanyang puso. "Kakain ako kung kailan ko gusto at wala kang karapatang utusan ako," pagkasabi niyon ay pinagsarhan niya na ng pinto ang lalaki.

Naiinis siyang bumalik sa kama at pabagsak na naupo doon. Inabot niya na lang ang laptop na nakapatong sa kamang iyon at inabala ang sarili sa panonood ng ilan sa mga paboritong shows.

Alas-nueve na ng gabi nang makaramdam si Raine ng matinding pagkagutom. Kahit na may ilang crackers siyang kinakain ay hindi pa sapat iyon. Mukhang kailangan niya nang bumaba para maghanap ng puwedeng kaining dinner. Siguro naman ay wala na sa baba ang mga magulang. Hindi niya alam kung nasa bahay ba ang mga ito o wala.

Isinara niya na ang laptop at lumakad patungo sa pinto ng kuwarto. Nagulat pa si Raine nang makitang naroroon pa rin ang bodyguard na si Riley at nakatayo. Wala na naman ang tray ng pagkain na hawak nito kanina.

Inirapan niya lang ang lalaki bago dumeretso sa hagdan. Hindi ba natutulog ang lalaking ito at palagi lang na nakabantay sa kanya?

Nang makarating si Raine sa kusina ay maingat siyang kumuha ng sariling makakain. Hindi niya gustong lumikha ng ingay at gisingin pa ang mga katulong. Pagkarating niya sa dining area dala ang plato ng pagkain at basong inumin ay napailing pa siya pagkakita kay Riley na naroroon rin.

Hindi na lang ito pinag-ukulan ng pansin ni Raine at nagsimula na sa pagkain. Minsan ay sumusulyap siya sa lalaki na nanatili lang na nakatayong parang isang estatuwa. Tumaas ang isang kilay niya. Ano kaya kung pahirapan niya ang lalaking ito para mapilitang sumuko?

I don't like being with a brat like you, too, Ms. Garcia, naalala ni Raine na sinabi ni Riley sa kanya noon. Palihim siyang ngumiti. Puwes, ipapakita niya sa lalaki kung anong klaseng brat siya.

Inabot muna niya ang baso ng tubig na nasa mesa at ininom iyon bago tinawag ang bodyguard. "Riley." Lumingon sa kanya ang lalaki. "Gusto ko sanang kumain ng dessert ngayon kaya lang wala namang ginawa ang kusinero. I've been craving for a chocolate cake, you know?" nginitian niya ito. "Ibili mo ako ngayon."

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mukha ni Riley. "Pero wala nang bukas na cake shop ngayong oras na ito, Ms. Garcia," wika nito sa mababang tinig.

Ngumisi si Raine. "Wala akong pakialam," tugon niya. "Sigurado namang may bukas pang mall ng mga oras na ito. Humanap ka ng cake shop doon. Kung wala, pabuksan mo uli sila. Gusto ko ng chocolate cake ngayon at ibibili mo ako. Bodyguard kita, you should run errands for me too. Baka mamaya ay saktan ako ng tiyan dahil hindi ako makakain noon," nagkunwa pa siyang malungkot. "Nasa iyo naman ang susi ng kotse ko, hindi ba?"

Isa pa iyon sa kinaiinisan ni Raine. Palagi na lang hawak ng lalaki ang susi ng kanyang kotse na para bang pag-aari nito iyon. Parusa daw iyon sa ginawa niyang pagtakas minsan. Damn him!

Nakita pa niya ang pag-igting ng mga bagang ni Riley. Gusto niyang mapangiti dahil mukhang umeepekto ang plano niya.

Ilang sandali lang ay tumango na ito at nagpaalam para sumunod. Pagkaalis ng lalaki ay hindi na napigilan ni Raine ang mapatawa. Ito pa lang ang simula ng pagpapahirap niya dito. Sisiguraduhin niyang hindi makakatagal ang lalaking iyon sa lahat ng kanyang planong gawin.

Muling itinuloy ni Raine ang pagkain. Pagkatapos niyon ay tumungo naman siya sa living area para magbuklat-buklat ng ilang magazines habang hinihintay ang pagbalik ng bodyguard.

Halos tatlumpung minuto ang lumipas hanggang sa makita niya ang pagpasok ni Riley sa front door ng bahay, may hawak na itong isang kahon ng cake na binili. Ipinatong ng lalaki ang kahon na iyon sa mesitang nasa harap niya.

Sinulyapan ni Raine ang kahon pero hindi na nag-abalang buksan iyon. "Oh, hindi ko gusto ang brand na iyan ng cake," sabi niya pa bago tumayo at naghikab. "Nawalan na tuloy ako ng ganang kumain, makatulog na lang."

Hindi niya napalampas ang pagdaan ng inis sa mga mata ni Riley. Nangingiti na lang siyang lumakad patungo sa hagdan at iniwan ang lalaki. The next days will be worse, Mr. Statue Bodyguard. Ihanda mo na ang sarili mo.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon