Chapter 15.1

2.8K 59 0
                                    

NANG magising si Raine nang umagang iyon ay napansin niya na nakahiga na silang dalawa ni Riley sa sahig ng Textile Room. Nakayakap pa rin siya sa lalaki habang nakapatong ang ulo sa dibdib nito. Ang isang kamay naman nito ay nakapulupot pa rin sa kanyang balikat.

Marahang ini-angat ni Raine ang ulo para pagmasdan ang nahihimbing pa ring si Riley. Nakaramdam siya ng pag-aalala dahil nakatulog na ito sa sahig samantalang siya ay pino-protektahan ng bisig nito sa lamig.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa katawan ng lalaki, hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa guwapong mukha nito. He looked so incredibly handsome even when sleeping and with those stubbles on his jaws. It made him manlier.

Bahagyang itinaas ni Raine ang mukha para dampian ng halik ang baba nito. Sa simpleng paggalaw na iyon ay narinig niya na ang pag-ungol ng binata, tanda ng pagkagising. He was indeed a light sleeper.

Iminulat ni Riley ang mga mata at ibinaba ang tingin sa kanya. "Morning," magaspang na bati nito mula sa pagtulog.

His raspy voice could make any woman melt in an instant. Kahit babagong gising lamang, pakiramdam ni Raine ay sinisilaban na siya sa pag-iinit ng katawan. At dahil hindi na napigilan ang utos ng puso ay muli niyang ini-angat ang mukha para dampian naman ng halik ang bahagyang nakaawang na mga labi ng lalaki.

May dumaang apoy sa mga mata ni Riley dahil sa ginawa niya subalit agad din iyong napalitan ng pagkagulat. "A-Anong—"

Hindi nagawang tapusin ng binata ang sinasabi nang lumayo siya dito para maupo sa sahig. Kinagat ni Raine ang pang-ibabang labi, sobrang bilis din ng tibok ng kanyang puso. "I-It's a good morning kiss," pagdadahilan niya. She knew she was blushing. "W-Wala namang problema doon, 'di ba? H-Hinalikan mo rin ako noon sa wine cellar."

Naupo rin si Riley bago tumikhim. "R-Raine, hindi dapat—" Muli itong napatigil nang marinig nila ang pagbubukas ng pinto ng Textile Room.

Agad silang napatayo nang makita ang pagpasok ng isa sa mga kasamahan niyang designers na si Ecka. Nagulat pa ang babae nang makita sila. "A-Anong ginagawa niyo dito?" tanong nito.

Inayos ni Raine ang suot na coat ni Riley. "N-Nakulong kami dito kahapon," sagot niya. "Hindi ko naman alam na naka-lock pala sa labas ang pinto nang isara ko. Wala na rin namang nakarinig sa amin dahil nag-uwian na ang lahat."

Tumango-tango si Ecka. Napuno na ng pag-aalala ang mukha nito. "Kung ganoon hindi pa kayo kumakain simula kagabi?"

Tumango si Raine. Ngayong nabanggit ng babae ang patungkol sa pagkain ay nakaramdam na nga siya ng gutom.

"Siya, umuwi na muna kayo," ani Ecka. "Sasabihin ko na lamang kay Stacey ang nangyari, mamayang hapon ka na lang pumasok."

Ngumiti naman si Raine at nagpasalamat sa katrabaho. Pinulot niya muna sa sahig ang mga telang kailangan bago inayang lumabas na ang bodyguard. Hanggang makalabas ng building at makarating sa sariling sasakyan ay walang namamagitang usapan sa pagitan nila.

Habang nasa biyahe ay hindi napigilan ni Raine ang isipin kung ano ang nais sanang sabihin ni Riley kanina bago dumating si Ecka. Palihim niyang sinulyapan ang lalaking nasa driver's side. Pinagsisisihan ba nito ang ginawang paghalik sa kanya noon sa wine cellar?

Bumuntong-hininga na lamang siya at inalis sa isipan ang bagay na iyon. Nitong nakaraang mga linggo ay naninibago na si Raine sa sarili. At kahit ilang beses man niyang itanggi ay hindi siya nagtatagumpay. Sigurado siya na hindi isang simpleng fondness lamang ang nararamdaman niya para kay Riley. It seemed like she was starting to like him as a man now. At unti-unti na siyang natatakot na baka hindi magawang tugunin ng lalaki ang kanyang nararamdaman.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon