Chapter 14.3

2.9K 68 1
                                    

MULI na namang nag-rambulan ang tibok ng puso ni Raine nang masalubong si Riley pagkalabas niya ng sariling opisina sa SSJ Fashion nang hapong iyon. Dalawang araw din siyang hindi nakapasok sa trabaho dahil nagtago lamang siya sa loob ng kuwarto.

Nang mahuli siya ng lalaki na walang suot na kahit ano matapos mag-shower ay sobra-sobra ang kahihiyang naramdaman ni Raine. Iyon ang dahilan kaya hindi niya nagawang magpakita kaagad dito, nagpapadala lang siya ng pagkain kay Manang Mylene. Mukhang umiiwas din naman si Riley.

Ngayong araw lang sila muling nagkaharap subalit hindi pa rin magawang pigilan ni Raine ang pag-iinit ng mukha tuwing maaalala ang nangyari. Hindi niya rin nagawang kausapin ang lalaki kahit sa sasakyan.

"U-Uuwi ka na ba?" pukaw sa kanya ni Riley. Iyon ang kauna-unahang salita na namagitan sa kanila nang araw na iyon.

Bumuntong-hininga muna si Raine bago sumagot. "O-Oo, p-pero may kailangan lang akong kunin sa Textile Room." Pinagalitan niya ang sarili dahil sa pagka-utal at pagkabalisang nararamdaman. Hindi dapat siya nagpapakita ng ganito sa lalaki. Hindi dapat siya umakto na big deal ang nangyaring iyon sa pagitan nila.

Tumango naman si Riley at sumunod lamang sa kanya nang maglakad siya patungo sa isang malaking kuwarto kung saan naroroon ang iba't ibang mga telang ginagamit nila para sa draping. May kailangan kasi siyang kunin doon para sa ginagawang trabaho.

Pasado alas-singko na ng hapon ng mga oras na iyon kaya wala na masyadong tao ang naroroon. Pagkapasok sa loob ng Textile Room ay isinara niya ang pinto at inabala na ang sarili sa paghahanap ng mga kailangan. Tahimik lang naman na nakasunod sa kanya si Riley.

Medyo naiilang pa si Raine sa presensiya ng lalaki pero sinubukan niyang huwag maipakita iyon. Nang makita ang mga telang kailangan ay hinarap niya ito. Nagulat pa siya nang makitang nakatitig sa kanya ang binata.

Her heart started thudding in her chest wildly. Napasinghap si Raine nang makita ang pagsulyap ng lalaki sa kanyang dibdib. Nakasuot siya ng light green dress na hanggang tuhod ang haba.

Agad niyang itinaklob ang mga kamay sa dibdib. "W-What are you l-looking at?" nauutal na tanong ni Raine.

Nakita niya ang pagkagulat na bumahid sa mga mata ni Riley bago iniiwas ang tingin. Hindi ito sumagot pero halata ang pagkabalisa dahil sa namumuong mga pawis sa noo.

"G-Gaano ba k-karami ang... ang nakita mo noon?" lakas-loob na tanong na ni Raine. She couldn't take this awkwardness anymore.

Napatingin sa kanya si Riley, tila ba hindi inaasahan na itatanong niya ang patungkol doon. "W-Wala akong masyadong nakita," sagot nito, medyo balisa.

Tiningnan niya ito ng masama. "You're lying."

Humugot ng malalim na hininga si Riley para marahil ay kalmahin ang sarili. "Raine," ilang sandali pa itong nag-alangan. "G-Gusto kong humingi ng tawad dahil sa pangyayaring iyon. Alam kong ako ang may mali dahil dapat ay kumatok muna ako," yumuko ito, puno na ng pagsisisi ang mukha at tono. "Patawarin mo ako. Huwag mo sanang isipin na masamang tao ako."

Napalabi si Raine. Hindi niya naman iniisip na masamang tao ito. Nahihiya lang talaga siya sa nangyari. No man had ever seen her naked like that. Kung gaano man karami ang nakita ng lalaking ito ay palalampasin niya na lamang. Aksidente iyon. Wala na rin naman siyang mababago.

Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ang braso ng lalaki. "It's okay," nginitian niya pa ito. "Isipin na lang natin na hindi nangyari 'yon."

Tumango naman si Riley, mukhang nakahinga na rin ito ng maluwag. Sumulyap ito sa mga telang hawak niya. "Nakuha mo na ba ang mga kailangan mo?"

Tumango rin si Raine at inaya na ang lalaki na lumabas ng Textile Room. Subalit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang hindi magawang buksan ang pinto. Saka niya napansin na naka-lock iyon mula sa labas.

Napatingin siya sa bodyguard na nakakunot na ang noo. Nakaramdam ng kaba si Raine sa kaisipang nakulong silang dalawa sa loob ng kuwartong iyon.

Inabot ni Riley ang seradura ng pinto at pinilit iyong pihitin pabukas. But it was indeed locked. Kinatok ng lalaki ang pinto. "May tao ba diyan?!" sigaw nito. "Pakibukas naman ng pinto."

Ilang sandaling nagpatuloy lamang ito sa pagkatok at paghingi ng tulong subalit walang sumasagot. Tiningnan ni Raine ang suot na relo. Alas-sais na ng gabi kaya siguradong wala na masyadong tao sa building na iyon maliban sa mga guards na nagbabantay pero siguradong nasa ground floor ang mga ito.

Naiinis siyang napabuntong-hininga. Bakit ba kasi niya isinara pa ang pinto kanina?

"Ayos ka lang ba?" narinig niyang tanong ni Riley. "Mukhang wala nang tao sa labas. Puwede kong sirain ang pinto kung gusto mong—"

"No," putol ni Raine sa lalaki, sinabayan pa ng iling. "Hindi ko gustong makasira ng gamit dito. Wala pa akong ibabayad dahil hindi pa naman ako sumusuweldo, 'di ba? Ayokong gamitin ang pera ng mga magulang ko para diyan. At ayoko rin naman na ikaw ang magbayad pa."

"Ayos lang ba sa'yo na dito na muna magpalipas ng gabi?" marahang tanong ng lalaki.

Tiningnan niya ito at tumango. "Kasama naman kita kaya hindi ako dapat matakot," tugon niya.

Ngumiti si Riley bago iginala ang paningin sa paligid. "Wala nga lang kama dito na maaari nating higaan," ibinalik nito ang tingin sa kanya bago hinubad ang suot na black coat para ipasuot sa kanya.

Bumilis ang tibok ni Raine sa gesture na iyon ng lalaki, isama na ang amoy nito na bumalot sa kanya dahil sa coat na suot. Inabot ni Riley ang kanyang kamay para hilahin siya sa isang tabi at naupo sa sahig.

Tahimik lang naman na sumunod si Raine. Bahagya pa siyang umisod ng upo para mapalapit sa binata. Hindi niya na rin pinagbawalan ang sarili na ihilig ang ulo sa balikat nito habang nilalaro ng mga kamay ang mga telang hawak.

"Para saan ang mga telang 'yan?" basag ni Riley sa katahimikan.

Pinagmasdan ni Raine ang mga telang nasa kamay. "Ito ang ipe-present kong sample para sa designs na ginagawa ko," tugon niya. "Gusto ni Stacey na isali ang mga designs ko sa upcoming fashion show ng kompanya niya sa katapusan ng buwan. Kahit na tumutol ako ay nagpumilit pa rin siya. Pero, honestly, nakakaramdam ako ng takot dahil siguradong mga kilalang designers na ang kasama doon. Kailangan ko talagang paghandaan ang designs na isasama sa show," napabuntong-hininga pa siya. Hindi niya pa rin magawang paniwalaan na isasabak kaagad ang mga designs niya ni Stacey sa isang fashion show.

Ini-akbay ni Riley ang isang kamay sa balikat niya. "Sigurado akong magiging successful ang show na 'yon lalo na at kasama ka," pagpapalakas nito ng kanyang loob.

Napangiti naman si Raine. "Sana lang ay huwag munang umuwi ang mga magulang ko that time para hindi masira ang araw na 'yon," aniya. Kahit nais niyang makita ng mga magulang ang unti-unting pagkabuo ng kanyang mga pangarap ay alam naman ni Raine na hindi iyon susuportahan ng mga ito. Ang masama pa ay kapag gumawa ng paraan ang kanyang ama para lamang masira iyon.

"Gusto kong mapanood ang mga designs na ginawa mo," wika ni Riley, tila ba pinapagaan ang kanyang kalooban. "Kahit na hindi naman talaga ako nanonood ng mga ganyang fashion shows," bahagya pa itong tumawa.

Tiningala ni Raine ang lalaki at malawak na napangiti. "I'll give you free tickets, basta 'wag ka lang matutulog," biro niya.

Napailing ito. "Kailangan pa rin kitang bantayan kaya imposibleng matulog ako," tugon nito. "Baka gamitin mo ang event na 'yon para makatakas sa akin. Mahirap na."

Naiinis niyang hinampas ang dibdib ng binata bago muling ibinalik ang pagkakahilig ng ulo sa balikat nito. "Hindi na naman ako tumatakas sa'yo, ah?" sabi niya pa. "I'm trying to be a good girl now."

Tumawa lang si Riley pero hindi na nagsalita.

Ipinikit ni Raine ang mga mata. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagod at antok. Siguro dahil masyado siyang nagpakasubsob sa trabaho kanina. Kahit na nakakulong sila sa loob ng isang kuwarto at nakaupo lamang sa sahig ng mga oras na 'yon, pakiramdam niya ay iyon na ang pinaka-komportableng lugar dahil kasama niya doon si Riley. Hindi niya kailangang mag-alala dahil siguradong po-protektahan siya ng lalaking ito.

[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon